Nag simula ang lahat sa isang party kung saan invited lahat ng fteshmen sa school na pinapasukan ni Oliver. Maaga palang ay excited na siya dahil ito ang unang pagkakataon na pinayagan siya ng kanyang parents na umuwi na anong oras. Noong nasa highschool palang kasi sya ay puro aral lang ang inaatupag nya at limitado lang ang kanyang oras, dapat alas syete ng gabi ay nasa bahay na siya. "Di bali anak, pag nasa college kana ay papayagan na kitang gawin ang gusto mo. May tiwala naman ako na pagbubutigan mo ang pag aaral mo. Kunting tiis nalang." tandabg tanda pa nya ang sabi ng daddy nya noong nasa huling taon na sya ng highschool. Wala pang magawa si Oliver noon dahil kasi siya lang ang kaisaisang anak at pagdating ng araw siya narin ang mamahala sa negosyong nasimulan ng kanyang ama. Kaya ni minsan ay di niya sinuway ang daddy nya.
Nang matapos na syang maka pag agahan ay pumunta na siya sa isang mall para maka bili ng isusuot nya. Nagpasama siya sa kanyang kababatang kaibigan na si Nicholas upang tulungan siyang pumili. "talaga bang di ako pwdeng sumama sa party na yan?" pangungulit ng kanyang kaibigan habang nagiikot sila sa mall. "Hindi nga pwede. Di ka naman nag aaral dun. At saka ayaw kong nandun ka, baka di ako mag enjoy." pang asar nya sa kaibigan. "Ganyan ka naman eh. Dati rati tayong dalawa lang naman ang lumalabas ah. Bakit ngayon di na pwede? Siguro may crush kana dun ano?" tanging si Nicholas lang ay may alam na bakla si Oliver. Kahit di nya aminin alam ni Nicholas. "Gwapo ba?" ganting asar ng kaibigan. "Sira!" "Asos, tigilan mo ako Oliver ha. Kunwari kapa, alam kong bakla karin. Magladlad kana kasi. Nasa koleheyo kana naman and im sure ma intindihan kanaman nila tita diba?" wika ni Nicholas habang pumipili sila ng damit na isusuot ni Oliver sa party. "Baliw. Tulungan mo nalang kaya ako para maka uwi na tayo." ngunit sa kaibuturan ng puso ni Oliver ay napa isip siya sa sinabi ng kaibigan. Siguro may takot parin sa sarili kaya di pa nyang magawang aminin ang kanyang pagkatao. "Anong klasing party ba kasi yang dadaluhan mo? Kung di naman ma garbo ay 'wag ka nalang bumili. Marami ka naman damit sa bahay nyo. Kahit ano namang isusuot mo babagay sayo eh. Im sure pagtitinginan kaparin dun kahit naka pambahay kalang. Sa gwapo mo naman pag pasuk mo palang naka tingin na sila agad sayo" wika ni Nicholas. "Ang luma na kaya ng mga damit ko. Mukhang di naman gaanong pormal. Mga kaklasi ko lang naman ang nandun at mga freshmen. Sa tingin mo?"
"Akong bahala, ako ang mag-atos sayo. Kung gusto mo lagyan pa kita ng make-up!"
"Baliw ka talaga. Kumain na nga lang tayo, puro ka biro eh!" pumunta sila sa isang fast food restaurant ang kumain pagkatapos ay umuwi na.
Pagdating nila sa bahay ay naabutan nilang naghahanda ng meryenda ang mommy ni Oliver. "Good afternoon tita." pabaklang bati ni Nicholas sa mommy ni Oliver. "Hello Nick. Tamang tama nag handa ako ng meryenda. Gusto nyo munang kumain?"
"Mamaya na mom. Kakakain lang namin." "Okay ipahatid ko nalang kay manang mamaya." at tumungo na sila sa kwarto ni Oliver.
Mag-aalas singko ng hapin na maligo si Oliver habang si Nicholas ay hinahaluglog ang cabinet ng kaibigan upang tingnan kung anong posibling isuot nito. Sa personalidad ni Oliver ay mero na syang naisip na pweden upa suot ng kaibigan. Isang sleevess na kulay puti tapos skinny jeans at sapatos na converse ang naisipan nyang ipasuot dito. Paparisan din nya ng kwentas ba usong uso sa mga kalalakihan at ang bigay nyang shades noong naka raang pasko. Simpleng tao lang si Oliver at sigurado siyang babagay ito sa kanya. Inilapag nya sa ng kaibigan habang nanonuod sya ng tv. Ilang sandali lang ay lumabas na si Oliver na baka boxer shorts lang habang pinupunasan ng towalya ang kanyang basang buhok.
"Grabe ang gwapo mo talaga friend. Pwede ba kitang syotain?" pabirong wika ng kaibigan habang tinititigan ang mala adonis nitobg katawan. "Baliw ka talaga." tinungo nya ang salamin ay sinuklayan ang kanyang buhok. "Nakahanap ka naba ng pwede kong isuot?" "Upo kamahalan. Andito na. Siguradong pagtitinginan ka ng mga tao dun."
"Sugurado kaba dito? Baka naman pagkatawanan ako."sabay tawa. Simula gradeschool palang ay magkasama na sila ni Nicholas at alam nya na di sya ipahiya nito. "Kahit ano namang isuot mo babagay sayo eh." hirit pa ni Nicholas.
Alas syete na ng gabi ng matapos ang dalawa. Kinailangan pang mag drive ng isa at kalahating oras wala pa dun ang traffic. Alas otso dapat ang simula ng aquaintance party nila ngunit alas nuebe na sya naka rating. Nagmamadaling tumakbo si Oliver papasuk sa venue. Tinangal na nya ang kanyang shade at isinabit sa leegan ng kanyang sleeveless.
Pagpasok nya ay siya namang pagkatapos ng welcome speech ng kanilang department Dean. "Enjoy the rest of the night and dont get too drunk. Again welcome to the 'west college university' young students." mga huling salitang naabutan ni Oliver. Nilibot nya ang kanyang tingin upang makakita ng kakilala nya. Di nya napansin na may tumawag pala sa kanyang likuran. "Oliver!" palapit n palapit ang boses. "Olivveeer!" napansin nya na nanggaling ang boses sa kanyang likuran at lumingon na sya. Ang kaklasi pala niyang si Sam ang tumawag. "Oi, Sam ikaw pala. Musta?" bati niya sa kanyang kaklasi. "Bakit ngayun kalang. Kanina pa kita tinatawagan dika sumasagot. Tika, abah ang gwapo mo lalo ah." inakbayan siya ng kaibigan nya. "Hali ka andun sila." pumunta sila sa table kung saan naka upo ang kanyang mga kaklasi. "Sorry diko nasagot tawag mo baka silent kasi phone ko at nag mamaneho ako kaya diko napansin." kwento nya habang palapit na sila sa kaning table. "Bakit ngayun kalang Oliver?"tanong na babae nyang classmate. "Dito kana sa tabi ko umupo." ngumiti nalang si Oliver at tumabi sa kanya.
Di sanay sa ganitong party si Oliver kaya naninibago siya sa kanyang nakita. Tanging ang liwanag na nanggaling sa disco light at ilang mga LED lights ang nagbibigay liwanag sa paligid.
BINABASA MO ANG
Masarap, ngunit Bawal
RomanceThis story is for all Filipino readers. This is my first work so please bear with me..