Chapter 11

272 18 9
                                    



CHAPTER 11

Naglalakad si Lei sa underpass papunta sa parking area ng Quezon Memorial Circle, doon siya muling nakapag-park ng kaniyang sasakyan, kakatapos lamang ng hearing niya at pauwi na sana siya nang tumunog ang kaniyang cellphone.

"Yes sis. Napatawag ka?", bati niya sa kausap. Ang kaibigan niyang si Vhon ang tumawag.

"Sis, Braydon badly needs your help." Bakas ang pag-aalala sa tinig ng kaibigan.

"Anong nangyari kay Bray?"

"Oh my God! Hindi mo ba talaga alam sis?", nagatatakang tanong nito sa kaniya.

"Hindi. Bakit? Ano nga ang nangayari?" Hindi maintindihan ni Lei ang nararamdaman. Natataranta siya at nag-aalala para sa lalaking minamahal.

"Nasaan ka ba?"

"Nasa QC, kakatapos lang ng hearing ko."

"Ay mabuti naman at nandito ka pa sa QC. Ngayon ang arraignment ni Braydon. Puntahan mo kami dito sa Branch 143 ngayon na bilis. Juicekolord! Kinakabahan ako."

"Ha? Teka nga anong ia-arraign si Braydon? Paanong nangyari at nagkaroon siya ng kaso?" Gulat na gulat at hindi siya makapaniwala sa mga narinig na deklarsyon ni Vhon.

"Hindi ko rin maintindihan kung ano ba talaga ang nangyari. Kasama ko sina Devin at Agatha. Sinabi nila sa akin na tawagan raw kita dahil alam nilang ikaw lang ang makatutulong kay Braydon. Kaya sige na pumunta ka nalang dito. Bilis!"

"Teka sandali sis!" Mayroon pa sana siyang nais na itanong sa kaibigan upang malinawan ang mga nabubuong katanungan sa kaniyang isipan ngunit naibaba na nito ang cellphone.

Lei he needs you, kaya pwede ba ay pumunta ka nalang!, udyok ng kaniyang isipan.

Wala nang sinayang pa na sandali si Lei. Nagmamadali siyang bumalik sa Quezon City Hall of Justice upang alamin kung ano ba ang gulong kinasangkutan ni Braydon.

Habang patungo si Lei sa korte ay nalalabuan pa rin siya sa mga nangyayari. Hindi niya mapaniwalaan na si Braydon na isang abogado, na mayroong mahusay na law firm at anak ng mga huwes ay nasampahan ng kasong kriminal. Hindi niya lubos na maisip kung gaano ba kabigat ang nagawa nitong pagkakamali at hindi nito nagawang lusutan ang kung ano mang gulong iyon. Marahil ay sobrang bigat nga ng kasalanang nagawa ng binata kung kaya ngayon ay nahaharap ito sa ganoong akusasyon. Ang mga bagay na ito ang siyang labis na naging dahilan ng pag-aalala ni Lei.

Pagdating ni Lei sa loob ng korte ay laking gulat niya na naroon rin ang iba pa nilang mga kaibigan. Inisip na lamang niyang baka sinusuportahan lamang ng mga ito si Braydon sa problemang kinakaharap ng binata.

Nilapitan niya si Braydon na noon ay nakaupo, tinapik niya ang balikat nito upang ipaalam dito na huwag itong mag-alala dahil nakahanda siyang tulungan ito.

Ngumiti naman ito sa kaniya, yumuko at humugot ng malalim na hininga.

Mas lalong naguluhan si Lei nang mapansin niyang ang presiding judge na naroon ay ang mismong ama ni Braydon na si Judge Lauro Mendez.

Something is wrong., wika ni Lei sa kaniyang isipan.

Nagsimula nang tawagin ang kaso ni Braydon bago pa niya ma-entertain ang napakaraming pagtatakang unti-unting nabubuo sa isip niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

(BFF Series #2) Guilty Beyond Reasonable DoubtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon