CHAPTER 6
Nakaupo si Lei at nililibang ang sarili sa pagtingin ng kung anong balita ang maaring masasagap niya mula sa kaniyang social media accounts tulad ng Facebook at Instagram habang hinihintay niyang magsimula ang Mandatory Continuing Legal Education (MCLE), it's a seminar and a continuing legal education required for the members of Integrated Bar of the Philippines (IBP) to ensure that throughout their career, they keep abreast with law and jurisprudence, maintain the ethics of the profession and enhance the standards of the practice of law.
"Lei.", masiglang bati sa kaniya ng isang pamilyar na lalaki at naupo ito sa tabi niya. "Look how fate was working." Nakingisi itong nakatingin sa kaniya.
"Pwede ba Bray? Tantanan mo nga ako. Fate, fate ka d'yan!" mataray niyang sagot dito nang hindi man lang tinatapunan ito ng tingin at abala pa rin sa kaniyang cellphone.
"Oh sige, hindi na fate. Sinusundan mo ko dito 'no?"
He caught her attention finally. "Bakit? Ikaw lang ba may karapatan mag seminar dito sa El-Nido? Eh, sa gusto kong mag-relax eh.", palusot niya rito upang hindi makahalatang si Braydon naman talaga ang dahilan kung bakit niya napiling doon na lamang mag-seminar.
Maraming nag-o-offer ng MCLE all over the Philippines ngunit sa Lagen Island, El Nido Resorts niya napili na mag-seminar. The MCLE Seminar held there was offered by IBP Palawan in partnership with University of the Philippines Law Center.
She overheard Braydon's conversation with the other counsel noong minsan naghihintay silang magsimula ang hearing, kung kaya ay sinadya niyang doon na rin siya mag-MCLE seminar.
Gagantihan ko siya! Iyon lamang iyon., paglilinaw niya sa kaniyang sarili nang maisip niya kung bakit parang hinahanap-hanap niya ang presensiya nito.
"Ang sungit naman." Kiniliti siya nito sa kaniyang tagiliran na naging dahilan ng biglaan niyang pagkakatayo at impit na pagtili. Nginitian na lamang ni Lei ang ibang kasamahan nilang abogado na magsisipag-seminar rin doon nang mapalingon sa kanilang kinaroroonan ni Braydon at muli na siyang naupo.
"Ano ba Bray?!" Tinawanan lamang siya nito.
"Wala kang kasama?",pag-iiba nito sa kanilang usapan.
"Malamang wala. Kung mayroon, eh di sana nakita mo na.", pagsusungit niya dito.
"Asan ang boyfriend mo?"
"Wala. Bakit mo hinahanap?"
"Wala naman. Kung ako kasi ang boyfriend mo tapos pareho naman tayong abogado, required din ang MCLE sa atin, hindi kita papayagang mag-isa lang dito sa isla na 'to mag-seminar.", kaswal na paliwanag nito sa kaniya.
Tiningnan niya ito sa mga mata nito. "Eh, kaso nga hindi naman ikaw ang boyfriend ko. Kaya pwede, huwag nalang tayo magpakialaman?" Inilapit nito ang mukha nito sa kaniya. Buong akala ni Lei ay hahalikan siya ni Braydon kung kaya ay napapikit siya ng madiin na siyang ikinatawa naman nito.
"I rest my case lang naman ang sasabihin ko. Bakit ba kung makapag-react ka feeling mo naman may gagawin akong iba sa'yo?" Hindi na kumibo pa si Lei sa sinabi ni Braydon. She made herself composed, dahil ramdam niyang nawawala na naman siya sa kaniyang katinuan nang dahil sa kakaibang pakiramdam na hatid ni Braydon.
Inabot ng buong maghapon ang kanilang seminar. Maghapon rin niyang katabi si Braydon sa upuan. Hindi ito umaalis sa tabi niya, maging noong kumain sila ng pananghalian ay hindi pa rin siya nito iniiwanan. Bagay na ikinatuwa niya, na pilit man niyang ipagkaila ay hindi naman maitatanggi ng kaniyang puso at isipan.
BINABASA MO ANG
(BFF Series #2) Guilty Beyond Reasonable Doubt
RomanceGuilty Beyond Reasonable Doubt "I know I could not change the past and undo what I have done, but please trust me on this. Be my girl and I will make it up to you forever." Nais na maghiganti ni Lei sa lalaking nanakit sa kaniya halos isang dekada n...