Chapter 9

140 5 0
                                    


Chapter 9

"Hey sis, you're hurting me! Dahan-dahan lang at baka masira ang malaporselana kong balat."

Hinila niya nang mabilis si Vhon sa isang gilid at nagtago. Noon lamang napansin ni Lei na nasa loob na pala sila ng department store at sa toy section sila napadako.

"Si Braydon at 'yong girlfriend niya.", mahinang sabi ni Lei at itinuro kay Vhon ang kinaroroonan ng mga ito na hindi naman kalayuan sa kanila.

Nataranta si Lei nang mapansin na papunta sa kanila si Braydon mukhang kahit anong tago niya rito ay napansin pa rin sila nito.

"Sinusundan mo ko no?", nakangising tanong ni Braydon sa kaniya habang ang kaibigang si Vhon ay tatawa-tawa lamang sa kaniyang likuran at nagkukunwaring abala sa pagtingin ng mga laruan na naka-display doon.

"Hindi ah! May binibili lang ako. 'di ba sis?"

"Whatever!", sarkastikong sagot ng kaibigan niya. Kinurot niya ito nang mahina upang makisakay sa pagpapalusot niya, "Ay oo! May binibili kami. Hinahanap kasi namin 'yong nai-commercial, mayroon na daw bagong girlfriend si Spiderman at ginawang collectible toys, alam mo naman, ang taba ng utak nila."

"Yeah, yeah. Limited edition ng spiderman and his girlfriend.", dugtong ni Lei sa sinasabi ni Vhon habang tatango-tango upang ipakita ang labis na pagsang-ayon sa sinabi ng kaibigan.

"Yeah right. Spiderman na pala ang tawag ninyo sa akin ngayon?", tumawa si Braydon, halata sa mukha nitong hindi ito naniniwala sa palusot nila.

"Bray!", malakas na tawag ng babaeng kasama nito. Yumakap ito sa kay Braydon at inakbayan naman iyon ng binata.

Tila ay piniga ang puso ni Lei sa mga nakikitang lambingan ng dalawa.

Bakit ba kasi nagpunta pa ko dito at sinundan ko ang mokong na 'to?Dapat sinunod ko nalang ang payo ng mga friendships ko eh.

Gusto niyang umiyak, 'di niya maitanggi sa sarili na nakaramdam siya ng sobrang pagseselos. Mahirap at masakit na panoorin nalang ang dalawang iyon. Gusto niyang mag-react at awayin si Braydon na dakilang paasa ngunit wala naman siyang karapatan.

"Hi.", nakangiting bati ng babaeng kasama nito sa kanila. "I'm Jasmine Clarissa and Crissa is my nickname.", pagpapakilala nito sa kanila.

Mabait ito kung tutuusin, ngunit hindi niya ito gusto dahil kay Braydon. Kung hindi siguro nito nobyo si Braydon ay baka sakaling magkasundo silang dalawa.

"Leilah.", matabang niyang sagot.

"Hello, my name is Vhon."

Nagulat si Lei nang halikan nito ang pisngi nila ni Vhon bilang pagbati.

"I know you", she paused and smiled "a lot." Isang makahulugang tingin ang ibinigay nito sa kaniya.

Lei can't puzzle out the meaning of what she said. Para kasing may nais itong sabihin sa kaniya na mukhang hindi naman nakakagalit.

Nakita niyang nakatawa lamang si Braydon na nakamasid sa kanila, tila mo ay nanunukso ang mga tingin nito. Nahalata siguro nito na nagseselos siya kay Crissa.

"Huwag mo na siyang pagselosan Lei.", nang-iinis na sabi ni Braydon sa kaniya.

"At bakit naman ako magseselos?", inis na baling niya rito na noon ay nasa likuran ni Crissa. "I'm sorry Crissa ha? Ito kasing boyfriend mo parang t*nga.", she sincerely apologized.

Puno nang pagtataka ang mukha ni Crissa sa nangyayari ngunit nakatawa naman ito. Hindi maintidihan ni Lei kung bakit hindi man lang ito nagalit gayong sinabi ng nobyo nitong nagseselos siya at ang ibig sabihin lamang noon, ay indirectly, sinabi na rin ni Braydon na mayroon siyang gusto sa binata.

(BFF Series #2) Guilty Beyond Reasonable DoubtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon