CHAPTER 10
Pinagpapawisan nang malamig si Lei habang nagko-conduct ng cross examination ang kalabang abogado na si Atty. Malvin Contado para sa kasong rape na isinampa ng kaniyang kliyente sa kliyente nito. The case was filed at Regional Trial Court in Makati City, her client was the rape victim who is the private complainant. Aminado siya sa kaniyang sarili na mahihirapan siyang salagin ang mga depensa ng kalaban sapagkat mayroong kahinaan ang kasong hinahawakan niya. Batid ni Lei na magiging napakahirap sa kaniya nito dahil bukod sa isa siyang baguhan ay isang batikan at mahusay na abogado ang defense counsel ng kalaban.
Walang magawa si Lei nang oras na iyon kung hindi ang manood na lamang kung paano tanungin at paikutin ni Atty, Contado ang kaniyang kliyenteng babae upang magmukhang gawa-gawa lamang ang kasong isinampa nito laban sa akusado.
Nagulat si Lei nang biglang tumayo mula sa kaniyang likuran ang isang pamilyar na mukha.
"Pardon me your Honor. I'm Atty. Braydon Mendez, respectfully appearing for the private complainant in collaboration with Atty. Leilah Alarcon." Napansin marahil ni Braydon na nahihirapan na siya sa kaniyang kaso dahil simula nang tawagin ang kaso nila ay hindi man lamang siya nakapagsalita.
Hindi alam ni Lei kung ikatutuwa ba niya ang ginawang iyon ni Braydon, ngunit ganoon pa man ay hinayaan na lamang niyang ito na lamang ang humarap sa kasong iyon hanggang sa matapos.
"I didn't know the two of you are partners huh? Pero bagay kayo pañero. Why not become partners in life?", panunuksong biro ni Atty. Contado sa kanilang dalawa nang matapos na ang kanilang hearing at makalabas sa courtroom. Ganoon naman kasi silang mga abogado, sa loob lamang ng korte sila magkakalaban, ngunit paglabas ay magkakaibigan na sila.
"I love the idea pañero.", nakatawang tugon ni Braydon habang siya ay tanging ngiti lamang ang naging kasagutan.
Gusto niya ang suhestiyong iyon ng kapwa abogado dahil iyon naman talaga ang gusto ng kaniyang puso. Mahal niya si Braydon. Ngunit sa kabila ng laki ng pagmamahal niya para dito ay hindi pa rin niya magawang mabura sa kaniyang isipan ang pangambang baka muli na naman siyang masaktan ng binata. At ayaw na niya iyong maulit pa, kung kaya kahit na mahirap para sa kaniya ay pipilitin niyang umiwas na lamang dito.
Nagsimula na siyang maglakad nang mabilis palayo. Sinasadya niyang umiwas na lamang kay Braydon.
Habang naglalakad ay muling nanariwa sa kaniyang ala-ala ang sakit na idinulot ng binata.
"Bray, okay pa ba tayo?", panimula ni Lei. Nakatingin lamang si Braydon sa kaniya at blanko pa rin ang mukha nito.
"Ano bang sinasabi mo?" Tumalikod na ito sa kaniya at nag-umpisa nang maglakad.
"Galit ka ba? May nagawa ba 'ko? May ayaw ka ba sa akin? Sabihin mo naman sa akin kung ano ang ayaw mo Bray.", sunud-sunod na tanong ni Lei habang sinusundan niya ng paglakad si Braydon. Muli itong humarap sa kaniya.
"Wala.", matabang na sagot nito.
"Wala? Pero bakit ganito? Bakit bigla kang nagbago? Ang labo mo naman eh." Naramdaman ni Lei ang pag-init ng kaniyang mga mata. Tila nagbabadya ang mga luha na lumabas mula rito.
"Layuan mo na ako!", matigas na sabi ni Braydon sa kaniya.
"A-Ano?", nauutal na tanong ni Lei. Punong-puno ng pagtataka at maraming katanungan ang kaniyang isipan.
![](https://img.wattpad.com/cover/153207443-288-k51112.jpg)
BINABASA MO ANG
(BFF Series #2) Guilty Beyond Reasonable Doubt
RomansaGuilty Beyond Reasonable Doubt "I know I could not change the past and undo what I have done, but please trust me on this. Be my girl and I will make it up to you forever." Nais na maghiganti ni Lei sa lalaking nanakit sa kaniya halos isang dekada n...