CHAPTER 4
"O anak saan ang date mo?", tanong ng kaniyang Tatay Ben na noon ay nagbabasa ng libro at nakaupo sa brown wicker outdoor patio set na nasa veranda ng kanilang bahay. Madadaanan ito papunta sa kanilang garage port.
Nakahanda nang umalis si Lei upang magtungo sa Max's Restaurant kung saan sila magkikita ni Braydon kasama ang kani-kanilang mga kliyente upang pag-usapan ang settlement ng mga ito, nang sa gayon ay matapos, maayos ata huwag nang tumagal pa ang kaso ng mga iyon. Hindi rin biro ang makipagkasuhan. Mahirap sa kalooban, masakit sa ulo at magastos kung kaya pinakamahusay pa rin kung magkakasundo ang mga ito.
" 'Tay naman! Hindi po ako makikipag-date! Trabaho po ang pupuntahan ko. Ngayon po ang meeting namin nina Mrs. Cruz regarding sa settlement. Nakikipag-ayos po kasi ang asawa niya at handa nang magbigay ng suporta.", paliwanag niya dito.
"Ha? Ganoon ba? Akala ko kasi ay sa date ang punta mo. Iba kasi ang bihis mo, hindi mukhang pangtrabaho. Mukhang pang-date.", sagot ng kaniyang tatay.
She is wearing a red fitted off-shoulder medium length dress, kaiba at malayo sa mga isinusuot niyang business wear sa tuwing uma-attend siya ng mga hearing.
" 'Tay, nasa labahan kasi iyong mga pang-bista kong damit at hindi pa nalalabhan ng labandera natin kaya ito nalang ang isinuot ko.", palusot niya sa ama. Ngunit ang totoo ay she just wanted to draw Braydon's attention.
"Si Mrs. Cruz ba 'kamo ang iyong kliyenteng sasamahan ngayon upang makipag-usap sa asawa nito at abogado ng kaniyang asawa?", singit ng kaniyang nanay Chit.
"Yes 'nay, siya nga po.", simpleng sagot niya.
"Kaya naman pala bihis na bihis ka eh. Kasi magkikita kayo ni Atty. Mendez.", tumatawang sambit nito at tumabi sa kinauupuan ng kaniyang tatay Ben.
" 'Nay, trabaho lang po. Sige po aalis na ako at baka ma-late pa ako, nakakahiya naman sa mga kausap ko."
"O siya, siya. Mag-iingat ka ha? Huwag kang masyado magpapagabi sa date ninyo.", patuloy sa panunukso ang kaniyang nanay habang ang kaniyang tatay naman ay nakatawa lang na nakamasid.
Iiling-iling na sumakay ng kaniyang sasakyan si Lei at pinaandar ito.
Bakit parang hindi na sila galit kay Braydon sa ginawa noon sa akin?, nagtatakang iniisip ni Lei.
Hindi niya maintindihan kung bakit parang boto at gusto pa rin ng mga ito si Braydon para sa kaniya, samantalang sinaktan siya nito halos isang dekada na ang nakalipas.
Dumating sa tamang oras si Lei sa Max's Restaurant kung saan sila magkikita-kita nina Braydon at mga kliyente nila.
Nilinga-linga ni Lei ang paligid upang hanapin ang kinaroronan nito. Napadako ang kaniyang paningin sa isang sulok ng restaurant kung saan nakita niyang naghihintay si Braydon. Mag-isa lamang ito at wala pa rin ang kliyente nitong si Mr. Cruz.
Muling nanumbalik ang pamilyar na kabang nararamdaman niya sa tuwing makikita niya si Braydon. Bumilis ang pintig ng kaniyang puso nang makita niyang nakatitig si Braydon sa kaniya habang papalapit siya rito. Tumayo ito sa kinauupuan nito upang salubungin siya.
He looked at her as if he was a groom at the edge of the aisles waiting for his bride to come.
Ang gwapo pa rin., bulong ng kaniyang makulit na puso. Well, totoo naman kasi iyon. Braydon looked obviously handsome. Mas nagmukha pa itong simpatiko at makisig sa suot nitong checkered off-white and blue longsleeve that was slightly folded in half and dark blue jeans.
BINABASA MO ANG
(BFF Series #2) Guilty Beyond Reasonable Doubt
RomansaGuilty Beyond Reasonable Doubt "I know I could not change the past and undo what I have done, but please trust me on this. Be my girl and I will make it up to you forever." Nais na maghiganti ni Lei sa lalaking nanakit sa kaniya halos isang dekada n...