Chapter 7

158 5 0
                                    


CHAPTER 7

"Oo nga, heto na ako. Magpapark lang." Kausap ni Lei ang gay friend niyang si Vhon, isang Certified Public Accountant(CPA) na mayroong sariling auditing and accounting firm sa Baguio City kasama ang isa pa nilang kaibigang si Khristine-isa ring CPA.

They became friends when they moved in, in their province, Nueva Ecija. Nakilala niya ang mga ito sa pinasukang eskwelehan ang General de Jesus Academy.

Tinawagan siya ni Vhon upang itanong sa kaniya kung nasaan na siya. Mayroon itong inihanda na isang surprise engagement party para sa kanilang kaibigan na si Agatha-the owner of Alimento by Agatha at Devin-Braydon's bestfriend na naging kaibigan rin niya noong nag-aral siya sa St. John Academy at siyang may-ari ng Avellente Villavicencio Group of Corp.

Hindi rin alam ni Lei kung ano ba ang kahihinatnan ng surprise engagement party na ito kung saan ay imbitado ang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan ng dalawa. Kakuntiyaba ni Devin sina Vhon at Khristine sa sorpresang inihanda para kay Agatha.

Sa pagkakaalam ni Lei ay may galit pa ring nararamdaman si Agatha para kay Devin, kung kaya, kung ano man ang kalabasan ng pagtitipon na ito at maging reaksiyon ni Agatha ay bahala na. Basta susuportahan na lamang niya ang mga kaibigan.

"Pasok ka lang sa loob ng Martha's sis ha? Nandito kami sa gilid at nagtatago para 'di makita ni Marshie Agatha.", pagbibigay ni Vhon sa kaniya ng instruction.

She put her cellphone's loud speaker on and placed her mobile on the dash board of her car, "Copy sis. Sana maging maganda ang kalabasan.", masayang sabi ni Lei habang nagre-retouch ng make-up.

"Sure ako sis doon. Nakausap namin kanina si Marshie Agatha. Loves na loves pa din si Papa Dev. Infact ang akala ni Agatha magmi-meet sila ng secret admirer niya dito. Well, kaya siya pumayag na makipagkita sa secret admirer ay dahil babasted-in lang naman niya iyon at magso-sorry, dahil si Devin pa rin daw ang love niya, 'di niya alam si Devin lang din naman iyon." Tumatawa ang kaibigang nasa kabilang linya.

"Ang galing niyo talaga mag-organize! Buti hindi nakahalata si Agatha. Anyway, pababa na ako, mamaya na natin ituloy ang chikahan. Ciao." Nakangiti si Lei nang pindutin ang end call button ng kaniyang cellphone.

Naglalakad na siya patungo sa loob ng Martha's, isang fine dining restaurant sa Baguio City na sikat for its Hispanic appeal, na kung makikita mo ay para kang nag-time travel noong panahon ng mga kastila.

Panandalian siyang huminto sa paglalakad upang damhin ang lamig ng klima sa Baguio. She embraced herself habang pinagmasdan mula sa kinatatayuan ang magandang ayos ng restaurant. Halatang pinaghandaan ito, there were flowers everywhere at mayroon ring tumutugtog ng violin. Napaka-romantic.

"Sino ka?",gulat na tanong ni Lei sa isang taong bigla na lamang sumulpot mula sa kaniyang likuran at tinakpan ang kaniyang mga mata. Hindi siya nakaramdam ng takot dito, sapagkat bakas at halata sa pagkakatakip nito ng kaniyang mga mata ang gentleness nito, kung kaya sigurado siyang isa itong kaibigan.

"Guess who?"

Nais lumundag ng puso ni Lei nang marinig at makilala ang may-ari ng tinig na iyon.

"Sus! Braydon Tiu Mendez!"

"Ang bilis mo naman nahulaan."

"Kilalang-kilala na kita at imposibleng makalimutan ko ang boses mo Bray."

Tinanggal na nito ang kamay na nakapiring sa kaniyang mga mata at humarap sa kaniya. Sinalubong siya nito ng isang magandang ngiti. Ngiting makita mo palang ay busog ka na. She also smiled at him and stared for a while. Lei could not help to stop herself gazing at his handsome face. Panandalian ay nakalimutan na naman niya ang limitasyong inilagay niya sarili at ang tanging gusto lamang niya ay pagmasdan ang gwapo at maamong mukha ng binata. Panandalian ay naramdaman na naman niyang muli ang paghinto ng mundo at ang kilig na hatid ng mga tingin ni Braydon sa kaniya ang siyang dahilan nito.

(BFF Series #2) Guilty Beyond Reasonable DoubtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon