CHAPTER 1Kakanta-kanta si Lei sa harap ng salamin. Ilang ulit niyang pinagmamasdan ang sarili kung kaaya-aya na ba siya sa kaniyang suot na O-neck black and white checkered dress with a black belted blazer.
"I am beautiful, no matter what they say. Words can't bring me down.", kanta niya habang i-emote-emote pa.
"Hoy Lei! Anak kanina ka pa riyan ikot nang ikot at tingin nang tingin sa salamin, ah.", untag ng Nanay Chit niya. "Anong oras ba ang hearing mo sa Quezon City?", dugtong nito. "Ay naku! Ikaw bata ka, dalawang oras at kalahati ka pang magda-drive paluwas roon, kaya bilisan mo na riyan. Hindi ka pa nga kumakain."
"Nay, maganda na po ba ako? 'Yong 'pag nakita mo ako ay mabibighani ka nalang sa aking kagandahan?", nagniningning ang mga matang tanong niya sa kaniyang ina.
"Lei, anak kita. Kaya siyempre naman, ikaw ang pinaka-maganda sa paningin ko.", sagot nito habang nakangisi na halatang binibiro siya.
"Nay naman eh.", eksaherado niyang sinimangutan ang kaniyang ina at saka yumakap dito.
"Anak, 'wag sanang lalaki ang ulo mo. Matalino ka na, maganda ka pa. 'Di ba nga marami ang nagsasabi na kamukha mo raw si Heart Evangelista?", pagbawi nito sa kaniya at pinisil ang kaniyang ilong.
"Talaga nay?" Gumuhit ang isang maluwang na ngiti sa kaniyang labi.
"Oo nga. Teka, napansin kong parang excited ka. Ano ba ang espesyal diyan sa hearing mo sa Quezon City? Artista ba ang bagong kliyente mo at may media? Kung kaya ay iba ang ganda mo ngayon, mga times twenty?", biro nito sa kaniya.
"Hindi naman 'nay. Ganito lang naman talaga ako mag-ayos. Mga problema ng iba mismo ang trabaho ko, kaya gusto ko palagi akong maganda kahit na very stressful ang mga kaso, lalo na sa court. Ang lagay ba ay, stressed na nga ako sa trabaho tapos hindi pa ko mag-aayos? Eh, kung ganoon baka magmukha na akong forty years old, samantalang I am only twenty-seven, very fresh, beautiful and sexy.", nakatawang paliwanag niya, ngunit hindi naman ito pinaniwalaan ng kaniyang Nanay Chit. Hindi lamang niya ito nanay, kung hindi isa ring matalik na kaibigan niya, kung kaya ay kabisadong-kabisado na siya nito. Halata nito na may kakaiba talaga sa kilos niya ngayon. Bagay na hindi naman na niya gusto pang ikwento dito dahil sigurado siyang bubuskahin na naman siya nito.
Mag-iisang taon na simula nang makapasa siya sa Philippine Bar Examination. At sa ngayon, kasama ang dalawang kaibigan niyang mga abogado rin, ay nagtayo sila ng isang private law firm sa Gapan City, Nueva Ecija, ang Alarcon, Medina, Franco and Associates. It is a private law firm engaged in catering any legal services like, giving legal advice to clients, drafting legal documents and representing clients in legal negotiation and court proceedings.
Masasabing maganda na rin ang practice ni Lei bilang isang private law practitioner sa kanilang probinsiya. Hindi pa naman kasi masyadong karamihan ang mga abogadong nagpa-practice doon kung kaya ay wala pang isang taon ay dumami na rin ang hawak nilang kaso.
Halos araw-araw ay laman siya ng korte at halos buong Luzon ay nasuyod na niya dahil sa trabaho niyang ito. Nakararating siya sa iba't-ibang parte ng bansa upang i-represent ang kaniyang mga kliyente sa iba't-ibang usaping may kinalaman sa legalidad ng mga bagay na isinangguni sa kaniya. Hindi siya namimili ng mga kasong hinahawakan niya. Hindi rin siya mahal maningil ng mga legal fees, dahil para kay Lei ay mayroon siyang social responsibility, kung kaya naman ay inaalalayan niya ang kaniyang mga kliyente.
Aminado si Lei na mayroon siyang pagka-bias pagdating sa ilan at piling mga kaso, lalo na sa mga kaso kung saan ang mga kababaihan ang naaagrabiyado. Siguro dahil ito sa siya ay isang babae rin, kung kaya ang simpatiya niya ay nasa kapwa niya kababaihan.
BINABASA MO ANG
(BFF Series #2) Guilty Beyond Reasonable Doubt
RomansaGuilty Beyond Reasonable Doubt "I know I could not change the past and undo what I have done, but please trust me on this. Be my girl and I will make it up to you forever." Nais na maghiganti ni Lei sa lalaking nanakit sa kaniya halos isang dekada n...