Chapter 2 (Unedited)

191 5 0
                                    

CHAPTER 2

Nagmamadali si Lei na magtungo sa Hall of Justice ng Quezon City. Sa Quezon City Memorial Circle siya nakapag-park ng kaniyang sasakyan dahil kasalukuyang may construction sa pasilidad ng Hall of Justice at katabi nitong Quezon City Hall, kung kaya ay limitado lamang ang parking space at kakaunti lamang ang nakakapapag-park roon.

Oh, my God! Akala ko pa naman ay hindi ako malelate. Hala! Alas nuwebe na, baka nagsisimula na ang hearing at tinawag na ang kaso, lagot ako nito. Arraignment pa naman iyon sigurado ako na unang tatawagin iyon sa listahan., sambit niya sa kaniyang isipan habang mabilis na naglalakad. Malayo-layo rin ang lalakarin niya mula sa Quezon Memorial Circle patungo sa Hall of Justice. Hindi na makuhang buksan ni Lei ang kaniyang cellphone dahil sigurado siyang, nangungulit na ang kaniyang kliyenteng si Mrs. Cruz. Tiyak niyang kinakabahan na ito sapagkat malapit nang magsimula ang hearing ay wala pa siya.

Mukha naman talagang sinuswerte si Lei ng araw na iyon, dahil pagdating niya ay saktong katatawag lamang ng kaso.

"Criminal Case No. 2018-125, People of the Philippines versus Ernesto Cruz Jr.", pagbasa at pagtawag ng isa sa mga court's staff.

"Good morning your honor. I'm Attorney Leilah Alarcon, respectfully appearing as private counsel for the private complainant you honor.", magalang na pagbati at pagpapakilala niya sa huwes.

Nakatayo si Lei katabi ang kalabang abogado sa harap ng lawyers' desk na nasa harap ng Judge's bench, kung saan nakapwesto at nakaupo ang huwes. Kitang-kita ni Lei ang pagkagulat sa mukha ng katabi niyang abogado nang dumating at magpakilala siya. Hindi ito kaagad nakapagsalita dahil nakuha niya ang atensiyon nito, ngunit ilang sandali lang ay naibalik na nito sa katinuan ang panandaliang pagkakapako ng paningin nito sa kaniya.

"I am Attorney Braydon Mendez, respectfully appearing for the accused your honor.", pagpapakilala nito. Bakas sa tindig ng gwapong abogado ang tikas nito. Hindi maitatanggi ni Lei na hanggang ngayon ay gwapo at simpatiko pa rin si Braydon.

Pagkatapos na mabasahan ng habla ang akusadong kliyente ni Braydon ay imunungkahi ng huwes na subukang pag-ayusin ang kanilang mga kliyente.

"Permission to leave your honor.", magalang na paalam ni Lei sa huwes.

"Permission to leave your honor.",narinig niyang sambit ni Braydon pagkatapos nitong pumirma sa isang dokumento para sa susunod na hearing.

Kinausap ni Lei sa isang sulok sa labas ng husgado ang kaniyang kliyente na si Mrs. Cruz upang maipaliwanag dito ang mga nangyari at kung ano ang susunod na hakbang sa kasong isinampa nito laban sa kaniyang asawa at saka siya umalis na upang magtungo sa kaniyang sasakyan na naka-park sa Quezon Memorial Circle.

"Hey. Lei.", tawag sa kaniya ni Braydon. Sumunod pala ito sa kaniya.

Huminto si Lei at hinarap ang gwapong abogado. Nasa underpass siya noon nang maabutan siya nito.

"Yes. Pañero?", kaswal na tanong niya.

"Ang pormal naman ng pañero. Kamusta ka na? Ang tagal kitang hindi nakita. Ang laki mo na. 'Di ka na mukhang basang sisiw.", pagbibiro nito sa kaniya. Lalo naningkit ang mga mata nito sa pagkakangiti.

"Kung wala ka naman palang mahalagang sasabihin ay mauuna na ako. May hahabulin pa akong hearing sa Malolos.", palusot niya. Dahil ang totoo ay wala naman na siyang hearing na hahabulin. Nakatanggap siya ng isang text message mula sa RTC Malolos na reset o hindi na matutuloy ang kaso roon dahil mayroong sakit ang huwes kung kaya ay ipagpapatuloy o imu-move nalang ito sa ibang araw.

"Ang cold.", nakangiting sabi nito sa kaniya. Hindi na ito pinakinggan ni Lei at muling nagpatuloy na sa paglalakad.

"Lei, can I have your number?" Mabilis na napahinto at napaharap siya sa tanong ni Braydon.

(BFF Series #2) Guilty Beyond Reasonable DoubtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon