Chapter 8

154 6 0
                                    

CHAPTER 8

Pagkaraan nang ilang oras ay nagpasiya si Lei na sumunod sa mga kaibigang nasa balkonahe.

Namataan niya na nakaakbay si Devin kay Braydon na nakadantay ang dalawang kamay sa railings ng balkonahe, nakatanaw ang mga ito sa back garden na kita mula doon, tila mo ay may mahalagang pinag-uusapan ang mga ito na hindi gustong iparinig sa ibang tao.

Ang mga kaibigan naman niyang sina Agatha, Khristine at Vhon ay naroon sa patio dining table sa kabilang gilid ng balcony at naghahanda ng kanilang agahan. Maagang umalis ang mga nobyo nila Khristine at Vhon dahil mayroong mga importanteng bagay na dapat asikasuhin ang mga ito.

"O, kamusta sis? Tagal mong nagkulong ha?", nang-iinis na tanong ni Khristine. Nginitian na lamang niya ito bilang kasagutan.

"Are you sure you're okay?", nakangiting paniniguro ni Agatha sa kaniya at tinanguan naman niya ito bilang kasagutan.

"So, si Braydon pala ang lalaking―" Padambang tinutop niya ng kaniyang kamay ang bibig ni Vhon dahil malakas ang boses nito, ayaw niyang mapansin ni Braydon na siya ang pinag-uusapan nila.

"Oo na nga, quiet ka muna! Iinisin na naman ako noon 'pag nalaman niyang, alam mo na", bulong niya rito.

Nagtinginan ang mga kaibigan at muli siyang tinutukso ng mga tingin.

Lumapit na sa kanila sina Devin at Braydon upang sabay-sabay na silang mag-agahan.

"Oooppps! Dito ako.", pangunguna ni Vhon.

"Tabi tayo Marshie Vhon!", sunod ni Khristine

"Ay! Beshie gusto rin kitang katabi. Sweetie dito tayo.", sambit ni Agatha.

Eksaheradong nag-una-unahan ang mga kaibigan niya sa pagpili ng upuang uupuan nila. Batid ni Lei na nananadya ang mga ito na pagtabihin sila ni Braydon ng upuan.

Sinalubong siya ni Braydon ng isang matamis na ngiti na akala mo ay walang nangyari ilang oras palang ang nakalilipas.

Naisip ni Lei na hindi naman talaga kagustuhan ni Braydon na makita ang pinakaiingatan niyang kabuuan sa ikalawang pagkakataon at hindi nito iyon sinasadya kung kaya ay dapat lang na huwag niyang sirain ang ilang araw na magkakasama silang magkakaibigan.

Nginitian rin niya ito, at hindi nakawala sa kaniyang paningin ang pagkislap ng mga mata ni Braydon. Hindi siguro nito inaasahan ang ngiti mula sa kaniya, kanina lamang kasi ay nanggagalaiti siya sa inis rito.

"Here Lei." Sinalinan ni Braydon ng pagkain ang kaniyang plato, katulad ng ginagawa nito noong sila ay highschool pa at malapit na magkaibigan. Muli niyang nararamdaman mula sa binata na mahalaga siya rito. Nagtataka siyang ganoon pa rin siya nito kung asikasuhin. Halos isang dekada na ang nakaraan ngunit hindi ito nagbago. Ang mga simpleng malambing na gawi nito sa kaniya ay nagsimulang bumalik simula nang magkasama sila sa El-Nido. Nagsimula na namang magtalo ang isip at puso ni Lei dahil sa ipinakikitang iyon ni Braydon, ngunit mabilis niyang iniayos ang kaniyang katinuan.

Nakaramdam si Lei nang pagkailang sa una, ngunit pinilit niyang maging komportable.

Just go with the flow girl!, pangungulit ng kaniyang puso. Bakit nga ba hindi? Isang linggo lang naman silang magkakasama sa iisang bahay at nagawa na rin naman na niya itong pakitunguhan muli nang maayos noong nakaraang MCLE Seminar nila, kung kaya ay siguradong ngayon ay magagawa niyang muling umakto, how they used to be.

♫Even though it's been so long, my love for you keeps going strong

I remember the things that we used to do

(BFF Series #2) Guilty Beyond Reasonable DoubtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon