The Meeting

72 1 0
                                    

HEY CRUSH! I Exist!

by: shinheejoo

A/N:

first time ko pong gumawa ng story so pag pasensyahan nyo na po. Mehehe. I've been writing stories way back high school years but i stopped as i entered college.

So this is it pansit! Hope ya like it. ^-^

***

First day of school. Maganda ang sikat ng araw. Excited ng pumasok si Isay. Habang nagbibihis sya, ngingiti ngiti sya sa harap ng kanilang salamin. "I cant wait to see my crazy galprends! And of course, im excited for newcomers. Baka may masightos akobg lalash na babago sa relationship status ko. Mwahaha. Ang harot mo Isay."

Dali dali syang sumakay sa nakapilang tricy sabay sabing "Magandang umaga manong driver. :) pahatid nga po sa Empire High. Thankee."

Pagdating nya sa school agad syang pumunta sa tambayan nila. As expected, sya na naman ang late.

"Hi mga gals! Hooo! Sobra kong namiss ang mga bitchy faces nyo. Bwahaha!" Pabungad ni Isay.

"Wow ha! Ang sweet naman ng bati mo teh! Buti nilagyan mo pa ng face e. Eh ikaw kaya? haha!" Sabi naman ni LJ.

Anim silang magkakaibigan. Si Aica na chinita ang peg pero hindi naman marunong mag-chinese. Si Jessica naman na cool chix ang dating. Si Lerry na may sophisticated beauty. Si Kit na isang babaeng maharot pero single since birth. At si LJ na ang weird ng thoughts pero balahura din kung magsalita. They have different social status but they have common preferences that bind them together---and thats being crazy and bitch!

"Ano ba yan Isay! First day of school late ka na naman!" Sabi namam ni Kit.

"Nahiya naman ako sayo Kit! Kung makapanlait ka parang ako lang lage yung nalelate ah. Yung isa nga dyan nagpapasundo pa sa labas ng gate kapag nalelate eh." Si isay at sabay sabay silang tumingin kay Lj.

"Tse! Mga hinayupak kayong tao. WAg nyo nga akong tignan ng ganyan. tinaga ko na sa bato na ngayong 4th year tayo, hindi na ako malelate. Peksman. Mamatay man lahat ng kabit ngayon!"

At sabay silang nagtawanan.

"Awat na mga gorang. Gorabels na tayo sa klase. Balita ko may new classmate daw tayo." sabi naman ni lerry. Sa ganda mg babaeng to sya namang kinatsismosa nya. Hindi pa man nai-a-announcw ng teacher na walang pasok alam nA nya agad. sya yung taong perfectly suited sa broadcasting world. Sa lakas ba naman ng radar nya, talo pa niya sina Mel Tiangco at Korina Sanchez.

"Lalake ba?" Excited na tanong ni Aica. "Gwapo? Hot? What?"

"Hindi rin halatang malandyutay kang babae noh?" Sabat ni jessica sabay tawa.

"Uwaaa. Kung makaPagsabi ka naman ng malandyutay teh nahiya ako. Hey. Baka nakakalimutan nyo, pare-pareho lang tayo noh!"

"haha oo na awat na. Tara na sa classroom at tignan ang bagong classmate."si jessica na referee na ang role sa group.

"Hoy lerry. Siguraduhin mong papable yung transferee ha? Baka naman papabull dpg. Ipapakain ko talaga yang tenga mo sa aso." paninigurado ni Lj. Kahit malandyutay tong babaemg to pihikan naman sa pagpili ng lalaki. Kasing level ni Lee Min Ho oppa ang standards nya.

★ISAY POV★

Dali dali kaming pumunta sa classroom para makita ang papable naming new classmate. I rolled my eyes at the four corners of the room and i was surprised to see that transferee. "What the fucking tape?" I mumbled. Lahat na ata ng dugo sa katawan ko nagtago upon seeing his face. Pero etong mga kasama ko, tulo laway laglag panty ang peg nila. At sa sobrang ingay nila, they caught his attention. "oh no! Wag kang lumapit at baka lumipaypay ang katawang lupa ko" i said to my mind. And there he goes......walking towards us.

***###***

Thankee for reading guys. ツ

Hey Crush! I Exist!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon