10AM Rule Breaker

29 0 0
                                    

Chapter 11.

Carl’s POV

Excited na ako para bukas. Yung feeling na parang first time naming magdedate. Di niyo naman ako masisisi kung ganito ako kaexcited di ba? Ang tagal na kaya kaming di nagdedate. Mga 2 weeks na since our last date. And I want to make our pre-monthsary date a memorable one. May tendency kase na di kami makapag date sa Wednesday kaya kahit paano e paghahandaan ko ang date namin bukas. Napatingin ako sa alarm clock na nasa side table ng bed ko. Shet! 1:46 AM na pala! Masyado akong naeexcite sa date namin kaya inabot na ako ng madaling araw. Kelangan ko ng matulog. Ayokong maging zombie ang kagwapuhan ko bukas sa harap ng napakaganda kong prinsesa. Matutulog na ako. Matutulog na ako. Zzz!

Nagising ako bigla. Akala ko tanghali na pero pagtingin ko sa orasan 4:09 AM pa lang. shet talaga! Masyado ata akong naeexcite ah. Grrr. Nag set na ako ng alarm kaya hindi ako malelate ng gising bukas. 9:30 ang usapan namin bukas kaya dapat 7:30 pa lang gising na ako. Bat ba ako nagkakaganito? Masyado akong naeexcite. Hays. Makatulog na nga ulit.

Riiiiiiing! Riiiiing! Riiiiing!

Nagising ako sa lakas ng alarm clock ko. Agad ko itong inabot at pinatay. Takte! 7:30 na pala! Antok pa ako eh. 30 minutes pa baka sakaling mabawasan tong eye bags ko. Zzz!

Riiiiiiing! Riiiiing! Riiiiing!

Shet 8 na! may isang oras na lang akong mag aayos ng sarili ko. Ok lang. Di ko naman kelangang mag ayos ng matagal kase kahit bagong gising pa akong lumabas, gwapong gwapo pa rin ako. Juan Carlos delos Reyes to noh! Haha!

30 minute drive ang layo ng bahay nila Nadine samin kaya 9 palang, aalis na ako. Para eksaktong 10 am na sa mall na kami at manonood sa pinareserba kong sine at kumain sa pinareserba ko ring resto. Actually, resto ni mama yun. Tatawagan ko muna si Nadine para makasigurong ready na sya. Ida-dial ko pa lang yung number nya, tumatawag na sya. Excited na rin siguro siya. Haha!

Hon <3 calling…

“Good morning Hon. Ready ka na ba?”nakangiting sabi ko.

[Hon sorry. I cant make it up today. May biglaang shoot kase kami ngayon. Hon im so sorry.]

Parang gusto kong maiyak sa sinabi nya. Pinaghandaan ko to tas di siya makakapunta? Dapak naman e!

“Hon di ba pwedeng i-cancel mo muna yan? Hon nagprepare kase ako ng sobra para sa date natin eh.”

[Hon sorry. You know naman my manager di ba? He will not let me off of this shoot.]

Hey Crush! I Exist!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon