Geography

32 0 0
                                    

Chapter 10.

ISAY’s POV

TGIF! Uwaaaa! Eto yung pinakahihintay kong araw pag weekdays e. Kasunod kase ng araw na to e weekend. Obviously. Haha. Di nag iisip Isay? Naglalakad na ako papuntang class room namin. Medyo himala kase maaga ata ako ng 15 minutes. Ganun ako kaexcited pag Friday. Haha. Actually sa Friday lang ako hindi nalelate. Ewan ko ba pero maaga talaga akong nagigising pag Friday. Pag Friday lang. Haha. Saturday bukas!!!! Wattpad all the time na naman ako. Uwaaaaa! Magkikita na naman ulit kami ni papa Tyler Smith. (si Tyler Smith yung lead fictional character ng napakagandang wattpad story na TRIP IN LOVE OR FALL IN LOVE aka TILOFIL at ng TILOFIL part 2 na FALL IN LOVE ONCE AGAIN aka FILOA. XDD) Miss ko na rin ang kabudoyan ni Dustin Gonzales (isa ding fictional character sa TILOFIL at FILOA at ang lead character sa FOREVER YOU AND I PROMISE aka FYIP. Kung makapag plug naman e noh? Haha. Basahin nyo ang ganda po nee.)Magpapatayo na kaya ng sariling airport si Dustin para sa kakaibang Airplane nya? Hahaha. Di ko talaga mapigilang matawa pag naaalala ko yung mga kaabnormalan ni Dustin. Kahit nasa crowded place ako basta pumasok sa isip ko si Dustin, natatawa na lang ako. Napagkakamalan pa akong baliw. Naranasan ko na yan, sa mall pa.

*FLASHBACK*

“Besh sige na. samahan mo na ako sa mall” kanina pa ako pinipilit ni Kit na samahan sya. Pero tinatamad talaga ako. Saturday ngayon at every Saturday, pinakamaagang gising ko na ang 10am. Pero wala pang 10 am nagising na ako dahil sa loka lokang babaeng to. Nagtatakip na nga ako ng unan para di marinig ang boses nya e di pa rin epektib. Pano kasi, ang lakas ng boses ng babaeng to. Sa aming anim, sya ang may pinakamadaming mic na nakain. Ang bulong nya e katumbas na ng average normal pitch ng isang tao. Imagine’nin nyo na lang kung pano pag nagsalita pa sya sa normal voice nya diba? Para magkaroon kayo ng idea, pag nagsalita yan in her normal voice and pitch, aakalain mong nakamic na sya. Ganun lang naman kalakas ang boses nya. At pag tumawa yan, kita mo pati ngala ngala. Exaggerated ba? Hindi rin kase totoo po yan.

“BEEEEESSSSHHHH!” ay ayan na nga sinasabi ko. Nag pasabog na naman ang malabulkan nyang bunganga.

“OO na. Oo na. sasamahan na kita kaya tumigil ka na at parang awa mo, wag ka ng sumigaw dyan dahil kanina pa nabasag ang eardrums ko sa laki ng boses mo” sabi ko at padabog na bumangon. Pano ho bumangon ng padabog? Haha. Try nyo nga? Parang nahirapan ako e. Hehe.

At laking sisi ko talaga na sinamahan ang babaeng to. Nasa mall na kami, sa loob ng isang parlor. Akala ko magpapagupit lang sya, yun pala magpaparebond sya! Nakng! Alam nyo yun? Matagal na proseso po ang pagrerebond. Almost 8 hours po! Tas ako? Anong gagawin ko dito? Magdadalawang oras na akong nakaupo dito sa sofa nila. Buti na lang may sofa dito e. Naubos ko na nga yung inorder kong mcfloat at fries. Halos mabasa ko na rin lahat ng magazines nila dito. Walang hiyang babaeng to! Lakas ng loob isama ako sa pagpaparebond nya! Ok lang sana kung ititreat nya ako kahit hot oil lang e hindi naman. Asa pa ako sa babaeng to. Ang kuripot kaya neto. Kahit pisong sukli lang nya, big deal yan sa kanya. At kung manlilibre man yan, kahit bente pesos lang hirap na hirap pang maglabas yan. Hays. Baka makatulog ako sa kakahintay dito e. Ah! Alam ko na. Magbabasa na lang ako ng wattpad. Yung FYIP kasi may update na si otor. Habang nagbabasa ako, di ko mapigilang hindi matawa. Nakakahiya nga kasi pinagtitinginan na din ako ng ibang customers dito. Pati na yung mga bebeking busy sa pagpaparlor. Pero paki ko ba? E sa di ko mapigilang matawa e. Haha. Kayo ba naman makabasa neto?

Hey Crush! I Exist!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon