Chapter 12
Isay’s POV
Pagkatapos kong maghilamos, magtoothbrush at magsuklay, bumaba na agad ako papuntang sala.
Humanda ka sakin kung sino ka mang rule breaker ka.
Pagbaba ko, nakita ko si mama na nakaupo sa kabilang sofa at nakangiti. Mukha syang matamlay at pagod pero ang ganda pa rin ng mama ko. No doubt kung bakit maganda ako. Idagdag nyo pa ang heartthrob na papa ko. Haha! And there is that fucking bwisita. Oh wait! Short hair, mukhang matangkad kahit nakaupo, maputi at…..at….at LALAKE! Takte! Sinong lalake to?! Paharapin nyo nga sakin ng mabigyan ko ng flying punch este upper cut!
“Oh ayan na pala si Isay” sabi ni mama.
At parang slow motion na lumingon sakin yung lalake.
*blink*
Si Carl?!
*blink*
Ganito na ba talaga kalakas ang tama ko sa kanya dahil pati tong buwisita naming napagkakamalan kong sya?
*blink*
“Good Morning Isay.” Wait, kaboses nya din si Carl. Sino to? Kakambal ba nya? O si Carl ba talaga to? Pero di nya alam ang bahay namin di ba?
*blink*
“Araaaaay!” tengeners naman na Renz Marco to oh! Batukan ba naman ako sa harap ni C---CARL?! NO JOKE? SI CARL TO?!
CARL’S POV
Nandito ako ngayon sa bahay nila Isay. Kaharap ko ngayon ang mama nya. Ang ganda ng mama nya pero mukhang may sakit pero maganda pa rin sya. Kanina pa ako dito. Mga 15 minutes na. Nalaman ko na may 10am rule pala si Isay. Ayaw nyang may dumadalaw sa kanya pag weekend kung wala pang 10. Haha. Tulog mantika siguro sya. Pero natakot ako sa sinabi ng mama nya.
“Walang naglalakas ng loob na i-violate ang rule nya kase nagta-transform yan. From being an angel to a hungry dragon. Haha! Nakakatakot sya pag naiistorbo ang tulog nya. Kulang na lang murder’n ka palabas ng kwarto nya. Haha!” tumatawa pa si Tita Eliza sa pagkukwento samantalang ako eh kulang na lang kumaripas ng takbo palabas ng bahay nila. Naku po! Ayoko pong makain ng isang dragon. Magpapadami pa ako ng lahi. Sayang naman ang gwapo kung mukha kong hindi ko ipagkakalat di ba?
BINABASA MO ANG
Hey Crush! I Exist!
Teen Fictionthis is a story of a girl who lives happily her high school life with her crazy abnormal galprends. but things change when Carl, her childhood crush, transfered to Empire High. Isay never thought of this thing to happen. how can she handle to go to...