Chapter 9.
CARL’s POV
Nakakabagot ang araw na to. Alam nyo yung feeling na yun? Yung parang ayaw mo ng pumasok kase nakakabored? Ganun nga yung feeling ko ngayon.
Nagtataka kayo kung bat ako nabobored e may Nadine naman ako diba? Isa pa yan e. Parang netong mga nakaraang araw e ang layo layo ng loob sakin ni Nadine. Minsan nahuhuli ko na may katext sya e andito lang naman ako sa tabi nya. Tinatanong ko kung sino yun pero iisa lang ang sagot nya sakin: “YUNG MANAGER KO LANG YUN. TINETEXT YUNG SCHEDULE KO.” Laging yan ang rason nya. Syempre naniniwala naman ako agad. Girlfriend ko yan kaya natural lang na magtiwala ako.
Kaso napansin ko din na madalang na kaming lumabas. Dati rati, ako na yung naghahatid sa kanya pauwi pagkatapos ng klase namin. Nakukuha pa nga namin pumunta ng mall at magdinner sa labas. Pero ngayon, dalawang beses ko na lang ata syang ihatid sa bahay nila. Di na nga kami pumupunta ng mall o kumakain sa labas. Tinatanong ko naman kung bakit. Eto lang naman mga sagot nya.
1) Busy ako Hon. May shoot pa ako eh.
2)May pupuntahan kami ng cousin ko Hon.
3)Hon pagod ako e.
Yan lang naman mga sagot nya. Model din ako pero hindi na ako masyadong tumatanggap ng projects. Ayokong maging busy sa iba maliban sa girlfriend ko. Pero mukhang yung girlfriend ko naman ang busy. Sikat talaga sya sa modelling world. Alam ko na mahal nya yang career nya. Pero paano naman ako?
Pag nasa classroom kami at walang teacher, sinusulit ko talaga yung oras na makasama sya. Para ba kasing minu-minuto e namimiss ko sya. Nagpaparinig na nga yung iba na masyado na kaming PDA. Paki nila? Buhay namin to.
At eto ako ngayon sa music class ko. Ako ang isa sa mga magpeperform ngayon. Pati si Isay ngayon din magpeperform. Tinawag na kami ni Miss G para bumunot ng number. Kahit anong number ang mabunot ko ok lang. Sanay naman akong magperfom. Di nga lang ako naghanda ngayon. Bahala na kung anong unang kanta ang pumasok sa isip ko mamaya.
Unang nagperform yung kaklase naming si Grace. Uhm, oo. Maganda boses nya at mahusay syang mag piano. Tas sumunod ako. Nakaupo na ako ngayon sa may upuan sa gitna ng mini stage ng classroom. Ano bang kakantahin ko? Gusto ko sanang haranahin si Nadine pero sa dance class naman sya. Di naman ako pwedeng lumabas at doon magperform sa harap nya noh. At lalong hindi rin ako pwedeng magharana dito ng wala naman yung haharanahin ko dito. Parang nagsayang lang ako ng laway pag ganun. Pero di bale na. Aha! Mukhang alam ko na kakantahin ko. Fall by Ed Sheeran. Sigurado akong aasa na naman ang mga babaeng nandito. Alam nyo naman yung lyrics nun diba? Mag uumpisa pa lang akong mag strum pero nagsitilian na ang mga girls. Alam na this! Haha. Gwapo ko e.
BINABASA MO ANG
Hey Crush! I Exist!
Teen Fictionthis is a story of a girl who lives happily her high school life with her crazy abnormal galprends. but things change when Carl, her childhood crush, transfered to Empire High. Isay never thought of this thing to happen. how can she handle to go to...