Maling Akala

16 0 0
                                    

Aica's POV

Kanina pa ako umiiyak dito sa kwarto ko. Halos 12am na pero wala pa ring Manolo na nagpaparamdam. Walang text. Walang tawag. Kahit missed call lang sana eh pero wala. As in butata! Naku lang po. Mapapatay ko talaga yang lalaking yan bukas. May pa i love you i love you pa syang nalalaman. May pa forver forever pa sya pero ano? Anong nangyari sa anniversary date namin? Wengya! Huhu. Di ko mapigilang hindi umiyak kase naman. Kayo kaya na sa sitwasyon ko? Alangan naman na matutuwa pa kayo? Huhu. Baka naman...NO....nooooooooooooo! Walang iba ang rain ko. Wala syang iba. Promise AIca maniwala ka sakin. WAla talaga. Baka nagka LBM lang sya. Tama. Nag ka lbm lang sya. But still, REMIND ME TO KILL HIM TOMORROW!!!

Since hindi na rin naman ako makatulog, mag iisip na lang ako kung saan maganda ipwesto ang libing nya. Yup. Tama kayo ng basa. Nag iisip ako kung saang banda ng bahay nila pwedeng maghukay ng paglilibingan ko sa kanya. Aha!!! Sa garden nila! Tama! Dun nga. Dun sa may mga roses. Perfect!

-kinabukasan-

Manolo's Pov

Argh! Ang sakit ng ulo ko. Naparami ako ng inom kagabi. Bat bba kasi sumama pa ko sa alok ni coach eh. May laban kasi kami kahapon kontra sa isa sa pinakamalakas na team sa district namin. Dahil sa mas magagaling kami, malamang ami ang nanalo. Luh! Hindi na yun nakakapagtaka kasi magagaling taaga ami at puro gwapo pa. Edi hakot cheers at fans pa kami sa gym kagabi. Madaming chix pero para sa akin, si Aica lang. Hindi man halata pero loyal ako sa Shine ko noh. Hays. Namimiss ko na sya.

Kukunin ko sana yung picture namin na nasa side table ko ng mapansin ko na may gift sa isang side.

"Gift? Huh?" Kanino naman kaya to? Kinuha ko iyon at halos mapalundag ako at lumabas ang bituka ko sa nabasa ko sa greeting card na nakalagay sa gift.

HAPPY ANNIVERSARY SHINE KO! <3

Lagot na! Anniversary namin kahapon pero di ako sumipot. Pucha! Ang sarap  magmura! Hays!

-Meanwhile-

KIT's POV

Na sa school na kami ngayon. Patapos na ang flag ceremony. Nagkukwentuhan lang kaming magbabarkada except kay Aica. Alam nyo na. Uhm. Natatakot nga ako sa aura nya eh. Parang may binabalak na kademonyohan. Hays. Nangangamoy lamay na si Manolo ah. Tsk. Sana wag na lang syang magpakita. Aba malay ba natin kung anong binabalak ng babaeng to noh. Malay ba natin kung may machine gun syang dala o kaya katana. Naku. Nakakatakot. Masasangkot sa isang karumal dumal na krimen ang apelyido namin. Waaaaaa.! Tama kayo. Hindi ako nag aalala kay Aica. Sa apelyido namin ako nag aalala. Madudungisan na ang napakaganda naming pangalan. Babaho na ang kelan man ay di nasangkot sa kahit na anong masamang gawain. At ngayon masisira laht ng reputasyon ng pamilya Chan dahil lang sa letseng putanginang pag ibig at anniversary na yan?! Langya!

At sa inaasahang pangyayari eh nagkasalubong nga kami nina Manolo. Naku po. Ayokong makasaksi ng isang krimen. My eyes! MY VIRGIN EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEYYYYEES!!!

Tinignan ko si Aica. Harujusko! Parang demonyitang impakta ang nakikita ko. Walang sinasanto. Nakakatakot. Ops. Sorry insan sa words. Hehe.^___^\/

"Cous kung ano man ang binabalak mo wag mo ng ituloy. Madaming tao oh. At may mga gwardya pa. Hindi ka agad makakatakas. Tsaka insan, hindi naman makatarungan na dahil lang sa cancelled anniversary date ay dudungisan mo na ang apelyido natin. Wag mong pairalin ang emosyon mo insan. Dapat pag isipan mo yan dahil alam  mo ba ang magiging kapalit nyan? Makukulong ka! Wag mong hayaan na mabahiran ng malansang dugo ni Manolo ang kamay mo. Please.."pag mamakaawa ko kay Aica pero bat ganun, hindi ganun ang inaasahan kong reaksyon nya. Yung tipong magwawala sya at ipagpiplitang ang kagustuhan nyang katayin si Manolo. Pero hindi eh. Nagtatanong yung mukha nya. Si Lj napa "EH?" pa eh with matching (?_?) pa anf face.

"Anong pinagsasabi mo dyan Kit ha?"-tanong ni insan.

"Di ba balak mong patayin si Manolo?" tanong ko sabay tingin kay Manolo na halos malaglag na ang panga sa sinabi ko. Tapos biglang tumawa sina LJ. "Di ba? Kaya nga kita pinipigilan eh. Dapat pag isipan mo yan insan. Madadaan naman sa maayos na usapan ang lahat."

Tinignan lang ako ni Aica na parang sinasabng "what-the-heck-are-yoou-talking-about?" look.

Tapos yung iba nagsihagalpakan ng tawa. Mali ba ako? Mali ba ako ng akala? Eh?

-------------

A/N: Nilagay ko talaga to sa hulihan para mabasa nyo belat! :p haha. *insert evil laugh here*

Pasensya kung ang tagal ko nag update. Eh kase tinatamad na ako. Ngayon lang ulit ginanahan. Haha. Sabi kasi bigyan nyo ako ng junakis para ganahan ako. Lol. Joke lang. Well, anyways, pasensya kase ang ikli ng update. Wala talaga akong maisip. Napakawalang kwenta ko ngayon. Tsaka nagugutom kasi ako kaya ganito. haha. Walang laman ang tyan ko kaya di ako makapag isip ng maayos kaya sige bye na. dyan na lang muna. haha.

PS: ANG GANDA KO! CAPSLOCK PARA FEEL NYO! HAHA. :p

Hey Crush! I Exist!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon