Torete

37 0 2
                                    

Chapter 8.

ISAY’s POV

Hala lagot. Malelate na ata ako. Late na kasi akong nakatulog kagabi kakaisip at kakapraktis ng kakantahin ko mamaya sa music class naming. Dapat maimpress ko si Carl. Ay shet! Bat sya na naman. Halos takbuhin ko na yung paradahan ng trike kahit ang lapit lang naman. Habang tumatakbo ako, may humintong kotse sa tapat ko. Ang bigat netong gitara ko. Tinignan ko yung kotse. Waaaah! Si carl! Ke aga aga naman Lord pinapakilig nyo na ako. Hehehe. Pero teka? Bat sya huminto sa tapat ko?

“good morning!” bati nya. Uwaaaaa! Ang gwapo nya talaga. Fresh na fresh. Ay ano ba yan. Natatameme na naman ako.

“g-good m-morning din Carl” hala nautal na naman ako.

“sabay ka na sakin. Wala bang maghahatid sayo?” huwat?! Pakiulit nga yung sinabi nya. Sasabay ako sa kanya? Oh no. baka matunaw ako este sya pala. Pero sige na nga. Malelate na ako eh. Pero papakipot muna konti. Haha. Konti lang naman.

“ah wag na. magtatrike na lang ako.” Arte ko noh?haha

“tara! I insist.” Sabi nya tas bumaba sya para pagbuksan ako ng pinto. Oh Carl, wag kang ganyan, yung puso ko nagiging abnormal na naman.

“ah..a-ano magtatri-“ naputol yung sasabihin ko ng hawakan nya ang kamay ko at pinasok sa loob ng kotse nya. Shet. Parang lumutang ang pakiramdam ko kaninang hinawakan nya ako. Tapos may dumaloy na kuryente. Uwaaaa. Hmmm. Ang bango naman ng sasakyan nya. Pati sya. Ano kayang pabango nya?

“ikaw ha. Gusto mo pang tanggihan ang pinakagwapong nilalang sa mundo.” Sabi nya sakin sabay nag pout. Waaaa! Ang cute nya. Tama na Carl pls.

“ha? A-ano h-hindi naman. Na-nahihiya lang k-kasi ako” anyare sakin?

“sus. Wag ka ngang mahiya. Naging friends na din tayo e tsaka magkaklase tayo nung elem. Grade 5 hanggang grade 6 nga lang.” ha? Pati din nung kinder ah. Nakalimutan nya? Ouch. “kaya wag ka ng mahihiya a?” sabay tingin sakin. Oh Lord. I cant breathe. Haha.

“ah e. s-sige.”

“mayabang lang ako pero di ako masama. Haha.” Aww. Ang cute ng tawa nya. Paulit nga ng mairecord. Haha.

Hey Crush! I Exist!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon