The Kalandian Moment

49 2 0
                                    

*ISAY's POV*

Naku naman. First day of classes pa lang pero hindi na ako nakapagconcentrate. Eh pano naman kasi. Si Carl pala yung bago naming classmate. Ang gwapo kaya nun. Lagi ko kayang pinagpapantasyahan yun nung elementary. I mean until now kasi ini stalk ko pa rin yung fb account nya. Haha. Ang dami kayang nakasave na picture nya sa PC ko. Mga isang gazillion lang nman. Haha. Minamanyak ko na nga minsan yung mga topless nyang pictures e. Haha. Ikaw ba naman ang makakita ng chocolate abs. Di ka ba naman maglalaway nyan? Haha.

At ang nakakakilig na moment? Yung nilapitan nya ako at binati ng "Hi Isay :)". Lechugas. Tumagilid bigla yung panty liner ko. Buti na lang hindi nahulog. Haha. Eh yung mga baklitang kasama ko pati panty ata e nahulog na. Haha.

Vacant time na pala namin. Hindi kami agad umalis sa room kasi nga mag uusap daw kami kasi AKO lang daw yung kilala nya. Punyemas. Hindi naman pala! Magkakilala din pala sila nung Nanding na yun este Nadine pala. Kabwiset talaga yang lintang yan. Ayun. Nasa canteen. Nakadikit na parang glue kay Carl. Malandyutay talaga yung babaeng yun.

Nandito kami ngayon sa tambayan namin na kani kanina lang pinalitan na ng pangalan ng abnoy kong kaibigan na si LJ. "Mababang hukuman" na daw ang pangalan na nya ngayon at hindi na tambayan. Siraulo talaga ang mga to. Pagdating sa mga lalake, biglang nawawala yung turnilyo sa mga utak nila kaya kung anu-anong nagagawa nila. Hays. Bat ko ba naging mga kaibigan ang mga lokaret na to? Syempre kauri mo sila Isay!!! Shut up self.di mo kelangang ipagsigawan. Haha.

"Hoy malandyutay na babaeng Isay"- si Kit. Ayan na. Uumpisahan na nila akong gisain sa "hearing" kuno nila. Daig ko pa sina CJ Corona at Janet Napoles neto eh. Kaloka!

"Bakit mga besh?" Sabi ko habang nakangiti.*^▁^*

"Wag mo kaming nginingitian dyan ha"-Aica.

Juice colored. Nakakatakot sila. Parang hindi lang ako gigisain ah. Kakainin pa ata ako eh. Kung ano mang masasamang elemento ang sumanib sa mga kaibigan ko umalis na kayo,pleassssse.

"Bakit mo kilala yung papa na classmate natin? Anong lihim ang tinatago mo dyan? Magsalita ka!" -Lerry

"Pwede bang huminahon kayo at natatakot na ako sa inyo" sabi ko.

"K fine! Kwento na! Gora!"- Jessica.

"Opo boss. Masusunod. Ganito kasi yun" at sinimulan ko ng magkwento. Napapa WHAAATT?! sila habang nagkukwento ako at mas lalo silang napa "HUWHAAAT?!" nung sinabi ko na si Carl yung sinasabi kong childhood crush ko.

"Now i know na kung bakit di mo malet go let go yang childhood crush mo eh kasi ulam naman pala e. Ulalam mga besh. Haha. Ibig sabihin hindi na natin kelangamg sumilip sa Class B para makita si papa Ken kasi nasa klase na natin yung pinakamasarap na ulam! Bwahaha"- Lj. Ang weird talaga mag isip ng loka lokang to.

Si papa Ken. Sya yung pinakagwapo sa Empire high. DATI. haha. Eh kasi andito na yung labidabs ko na si Carl e. haha.

"hahaha. May tama ka"- Aica na ginaya pa talaga si Kris Aquino. Kalurkei!

Natapos din ang araw na busog na busog ang mga mata namin kay Carl. Haha. Syet. Nagkakasala na kami kasi minamanyak na namin sya sa isip namin. Haha. Joke lang. Ganado na tuloy akong pumasok araw araw. May inspiration e. Haha. Wag lang umekstra yang impaktitang Nanding na yan. Tsk. >o<

Hey Crush! I Exist!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon