Chapter 13
Lerry POV
Its Monday!!! So saya. A new day to start gathering chismaks and all. Haha. Well, yan talaga ang rule ko dito. Ang mangalap ng kung anu-anong balita. Lol!alam nyo na rin naman siguro kung sino ako noh? Pero kahit alam nyo na, magpapakilala pa rin ako. Im Lerry Lopez. Ultimate chismosa, ultimate chismosa, ultimate chismosa, and ultimate chismosa. Haha. No boyfriend since breakup, solong anak, a good singer, pretty and ultimate chismosa. Lol. Srsly. Good mood kase ako ngayon pero sa totoo lang, mataray ako. Like opo, mataray ako at pakyu kung ayaw mong maniwala like pake ko po? Ayan tuloy nagiging mataray na ako. Tss! Well, nature ko na yan. Yung parang good mood sa una pero magtataray ulit.
Nandito kami ngayon sa tambayan namin at kainis lang ha? Kanina pa tahimik mga kasama ko like nakakaloka I mean nakakapagtaka.
"Kit..pansinin mo naman ako."-aica
Wrong. Hindi pala tahimik kasi kanina pa nagbabangayan tong magpinsang to. Paano ba naman kasi, first anniversary nila Aica at Manolo ngayon at may date ata ang dalawa kaya ayan si Aica, panay kulit sa pinsan kung anong isusuot. Kung makalablayp kase eh, sarap ihagis sa Mars.
“Kit, cous, ano isusuot ko mamaya?” kulit netong Aica.
“Seriously Aica? Pang isang daang tanong mo na yan. Kanina ka pa. Mula sa bahay, pagpunta sa school, kahit nagkaklase, tinatanong mo ako nyan. At hanggang ngayon ba naman sa lunch break yan pa rin?” reklamo ni Kit.
“Eeeee. Kase naman eh. Ano bang isusuot ko? Yung tipong mapapansin nya agad ako? Yung tipong ako lang titignan nya?” katwiran ni Aica.
“Try mo magbikini pumuntang resto na pagdedate’an nyo, for sure hindi ka lang nya papansinin at titignan, tititigan ka pa nya!”hahaha. Very good Kit. Clap Clap Clap!
“Haha. I agree Kit. O kaya mag Long Gown ka Aica tas sa Jollibee lang pala kayo noh? Bongga yun!” tatawa-tawang sabat ni Lj. Siraulo talagang babaeng to. Napairap tuloy si Aica.
“Ano ba naman kasi aasahan mok ay Kit e ni monthsary nga di pa nya naranasan? Haha.” –ako. Hehee. Yan tuloy, nakatanggap ako ng death glare from Kit. “Peace yow!” sabi ko sabay peace sign. E sa totoo naman eh.
“I agree Lerry besh!”-LJ. See? Nagsasabi ako ng totoo.
“P*tang*na nyo! Pag ako nag ka boyfriend, nakaranas ng monthsary at anniversary, who you kayo saken!”bulyaw ni Kit. Hala. Red day siguro. Haha.
“Ano besh? Tutulungan ka pa naming mag pray? Haha.”-loko pa ni Lj. Lol lang. haha.
“Eh ako nga namroroblema tas si Kit tutulungan nyo? Matagal pa yan sakanya kaya ako muna tulungan nyo. Mamayang gabi na kaya.” Maktol ni Aica.
“Anong sabi mo cous? Matagal pa? wow ha? Pinsan ba talaga kita? Like pakyu cous, itatakwil kita pag nagkaboyfriend ako.” Sabi ni Kit.
“Peace yow. Libre kita ng pizza maya. Hehe” wow. Peace offering? Matapos laitin ang pagiging NBSB? Haha.
“Promise?” tignan nyo tong Kit na to. Mukha talagang pagkain. Pfft!
“Promise.” At nagraise pa ng right hand si Aica acting like she’s really swearing. “Kaya tulungan nyo na ako. Ano gagawin ko mamayang gabi? Ano isusuot ko?”
At yun. Nagsimula ng magpayo si LJ.”Alam mo kasi besh, hindi mo kelangang magpaganda ng bongga para ikaw lang ang pansinin at tignan nya. Kase kahit simple lang suotin mo, kahit powder at lipstick lang gamitin mo, kung mahal ka nya talaga, ikaw lang ang babaeng mapapansin at titignan nya. Di mo kelangang magpakaworry ng bongga kase hindi naman kayo aabot ng one year kung hindi ka nya mahal di ba? At dahil mahal ka nya, kahit simpleng cocktail dress na sky blue, konting blush on at konting kulot lang ng hair tas clip, sa paningin nya, ikaw na ang pinakamaganda at ikaw lang ang babaeng nakikita nya.”
BINABASA MO ANG
Hey Crush! I Exist!
Teen Fictionthis is a story of a girl who lives happily her high school life with her crazy abnormal galprends. but things change when Carl, her childhood crush, transfered to Empire High. Isay never thought of this thing to happen. how can she handle to go to...