★ISAY POV ★
Parang tumigil sa pag ikot ang mundo and everything turns into slow motion as he walks towards us. oh no. Dont come nearer or else I die. Putakteng mga babaeng kase to. Pinanganak atang may mga amplifier sa bunganga sa lakas nila kung magsalita.
"Hi Roliza! ツ" he said.
Di ako nakaimik. Napatitig lang ako sa kanya. He still kno me? (⊙o⊙)?
"Hey. hindi mo na ba ako natatandaan? its me. Juan Carlos delos Reyes." nakangiti pa ring sabi nya.
Pano ko naman makakalimutan yang pangalan na yan e nakaukit na sa puso ko since kinder pa tayo. "Ah...uhm..h-hi Carl. Sye-syempre kilala pa rin kita. Hindi pa naman ako ulyanin para makalimutan kita. Ikaw lang naman ang nag iisang kilala ko na super adik sa gitara." Oo.Adik sya sa gitara. Lahat ng gamit nya, kung hindi hugis gitara, may nakadikit na larawan ng gitara. And yes! He's a musician and a good singer. Matagal ko na ngang pinapangarap na haranain nya ako e. Mehehe.
"Buti naman naaalala mo pa ako."
"Syempre naman. Hehe. ツ"
"Usap tayo later ha? Ikaw lang kakilala ko dito e. Andyan na si ma'am." sabi nya sabay balik sa upuan nya.
Anyare sa mga babaeng to?
←_←←_←←_←←_←←_←
"Hala. Bat kayo nakatitig demonyo sakin. Kung makatingin kayo parang papatawan nyo na ako ng reclusion perpetua sa salang panggagahasa ng limamput limang lalakeng fetus ah."
"Magkakaroon tayo ng hearing mamaya sa mababang hukuman pagkatapos ng klase natin" sabi ni Lj na parang judge kung umasta.
"(⊙o⊙)?"
"Kailangan mong ipaliwanag ang paglapit at pagkausap sayo ni papable kanina. We need a fair and just and honest answer." sabat naman ni Kit.
Pagdating talaga sa mga lalake, ang lake ng mga problema ng mga gorang na to. Well, ganun din naman ako. Hihihi.
*CARL'S POV*
Hi guys. Haha. Nakakabading naman nyang hi guys na yan. Haha. Anyways, ako lang naman pala si Juan Carlos delos Reyes. Ang pinakagwapong nilalang sa buong mundo. Haha. Di ako nagbibiro noh. Gwapo talaga ako. Matangkad. Maputi. Talented pa. Musically inclined kasi ako. So ayan, mas lalong naaattract sakin yung mga girls. Marami ng nagkumpisal na babae sa harapan ko. Feeling ko tuloy isa akong god. Haha. Marami na ngang umiyak na babae dahil sakin. Karamihan mga ex ko. Oo. MGA EX talaga. Di kayo nagkakamali sa nabasa nyo. Marami na akong naging girlfriend. Pero hindi ko sila niligawan. Take note. Sila ang nanligaw sakin. Haha. Kasalanan ko pa ba kung gwapo ako? Kasalanan to ng mga magulang ko. Gumawa sila ng napakagwapong nilalang na pinagkakaguluhan tuloy ng mga babae. Hahaha.
Nandito ako ngayon sa classroom. Transferee ako from Victory High. Madaming chicks dun promises. Haha. Bakit ako nagtransfer? Kasi hindi na makafocus sa pag aaral yung mga babae dun dahil sakin. Kaya yun. Kinick out ako. Haha. Syempre joke lang yun. Pero isang dahilan na din yun. Haha. Ikaw ba naman ang may schoolmate na mas gwapo sa sexiest man on earth na si Adam Levine? Makakapagconcentrate ka pa ba nyan? Haha. Pero hindi ko kamukha talaga si Adam Levine. Konti lang. More on kay Lee Min Ho ang kagwapuhan ko kaya no doubt kung bakit ang daming nagkakarandapang mga babae sa akin.
Nagtransfer ako kasi 1) lumipat kami ng bahay. Malamang lilipat din ako ng school. Oo nga pala. Mayaman kami noh. Business man ang papa ko. CEO ng isang malaking company. Ang mama ko naman business woman din. Busy sa ibat ibang branches ng kanyang restaurant. May ate din ako pero nasa Paris. Nag aaral ng fashion.
2) Music at pambabae at pagbabarkada na lang daw ang inaatupag ko dun kaya inilipat ako.
3) Baka sakali daw dito ako sa Empire High tumino. Asa naman sila noh. Haha.
Habang nakaupo ako may lumapit sakin. "Hi Carl. :)" Si Nadine Villanueva. Kilala ko siya kasi isa rin syang model. Nagkasama na nga kami minsan. Ay oo nga pala. Model din ako. Commercial model at print model. Gwapo ko talaga noh? Haha. "Hi" sabi ko na may halong nakakalokong ngiti.
"Bat ka lumipat ng school?"-Nadine
"Para makasama ka" sabi ko pero syempre hindi yun totoo. Ok. Medyo totoo yun. Haha. Kinilig pa nga ata kasi nagblush.
"Bolero ka talaga" sabi niya. Kunwari pa to e kinikilig na mga.
"Bat ayaw mo ba akong makasama" sabay haplos sa buhok nya. Haha. Ang manyak ko din noh. Haha. Konti lang naman.
"Syempre gusto"-Nadine.
May sasabihin pa sana ako kaso may mga dumating na maiingay kaya napatingin ako sa may pinto. Mukhang ako nga yung hinahanap kasi narinig ko yung word na "transferee" eh. Eh ako lang naman yun. Pero teka. Pamilyar yung isang babae. Nakatingin sya sakin. Oh hell! Elementary classmate ko ata. Si Roliza Lorenzo aka Isay. Haha. Cute ng nickname. Kulot pa rin sya at ayun pa rin yung rosy cheeks nya. Pero wow. Ang puti na nya ngayon. Parang uminom ng isang libong galloon ng gluta. De joke lang. Haha. Simple pa rin manamit kaya hindi sya makapasok pasok sa taste ko eh. KahIt uhm oo maganda sya. they are 6 in their group. Girl power. Haha. Magaganda sila pero hindi sila yung type ko. Haha. Malapitan nga baka sakaling may mahimatay.
"Hi Isay :)"-ako.
Hindi sya sumagot. Natameme ata. Haha. Lakas talaga ng kamandag ko e. Haha.
"Hindi mo na ba ako natatandaan? Im Juan Carlos delos Reyes"
Nagsalita na rin sya pero hindi ko na pinatagal pa yung paguusap namin kasi dumating na yung teacher namin. Nakakatawa lang talaga yung reaksyon ni Isay. Haha.
BINABASA MO ANG
Hey Crush! I Exist!
Teen Fictionthis is a story of a girl who lives happily her high school life with her crazy abnormal galprends. but things change when Carl, her childhood crush, transfered to Empire High. Isay never thought of this thing to happen. how can she handle to go to...