"HINDI ko sinasadya ang nangyari," hinging paumanhin ni Migi kay Aika nang makapasok na sila sa loob ng bahay.
Nakatanga lang siya rito dahil for the first time ay nakita niya ang side nito na hindi seryoso. His facial expression were soft and gentle.
"Hindi, okay lang. Kasalanan ko naman, eh. Ginulat kita. Don't worry about the lasagna... props lang naman iyon," mahinang dugtong niya sa huli. "Thanks for letting me borrow some clothes, pasensiya sa abala..." Pinahiram siya nito ng damit na puwede niyang maisuot besides sa tuwalya habang pinatutuyo ang damit niya.
"It's no trouble at all. It's a good thing at kasya sa 'yo ang mga damit ni Monica. Your clothes would be dry in a minute," anito na ang tinutukoy ay ang nakababatang kapatid nito at ni Spencer.
Sana 'wag nang matuyo 'yong damit ko... piping dasal niya. Kung saka-sakali ay may pag-asa pa siyang magtagal doon. "Thanks... Ah, right. I wasn't able to introduce myself. I'm Aika Rose Chiang, twenty-five years old, single and available," nakangiting pakilala niya rito habang inaabot ang kamay rito upang makipag-kamay.
Hindi niya alam kung guni-guni niya lang o hindi na nakita niya ang isang maliit na ngiti sa mga labi nito bago inabot ang kamay niya. "Gerard Miguel Mapa. But everyone calls me 'Migi' since my father has the same name."
Hmm... hindi nag-comment si Migi-boy tungkol sa relationship status nito. Baka complicated pa rin hanggang ngayon? "Uhmm... kamusta na kayo ng girlfriend mo?" Huli na nang ma-realize niya ang kanyang tinanong. Gusto niyang tirisin ang kanyang bibig dahil sa pagiging taklesa niya. She really wasn't thinking! "I mean, it's none of my business. Hindi mo kailangang sagutin 'yong—"
"I see... You're the girl from last time..." Ang maamong mukha nito ay tila naging seryoso muli nang maalala nito ang behind-the-curtains scene na iyon. "Are you here to spy again?" Napahalukipkip ito at sumandal sa inuupuang sofa bago matamang tumingin sa kanya.
Parang may naputol na pisi sa kanyang utak at tumaas bigla ang kilay niya. "For your information, I wasn't spying! Sinabi ko nang naghahanap ako ng banyo no'n at nagkataon lang na bigla kayong pumasok ng modelong girlfriend mo. Napaka-awkward naman kung bigla na lang akong susulpot at magsasabing 'Hi, may audience pala kayo kaya mamaya na kayo magdrama', gano'n? And I'm here because... because dinalhan ko si Spencer ng lasagna." Kahit na guilty siya, hinding-hindi niya iyon aaminin dito.
Tumangu-tango ito na tila hindi ito kumbinsido. He was looking arrogant and conceited at that moment.
"And for the record, I stand by my opinion na dapat sinunggaban mo na lang talaga ang girlfriend nang hindi na ito nakapalag pa," napapalatak na humalukipkip din siya. Patagalan sila ng titig nang bigla itong ngumisi. Shit! She really felt her heart skip a beat when he saw the mischievousness play on his eyes.
"Oh really? Why don't you show it to me then?"
"Ha?" Loading pa ang brain cells niya at hindi niya agad nakuha ang ibig sabihin nito.
Dumukwang ito na nagpaliit sa distansiya sa pagitan nila. "Why don't you show me how to court a woman then if you know so much," nakangising hamon nito sa kanya. "Mukhang puro salita ka lang naman, eh."
He was obviously teasing her! "Fine. I'll show you, Migi-boy. Kakainin mo ang sinabi mo. Pagkatapos kong ipakita sa 'yo kung pa'no manligaw tingnan lang natin kung tanggihan ka pa ng workaholic mong girlfriend," taas-noong deklara niya sabay walkout.
Makikita nito!
"ARGHHH! What have I done? Stupid, stupid, stupid, stupid," paulit-ulit na sita ni Aika sa kanyang sarili. "What the hell was I thinking?"
BINABASA MO ANG
The Obnoxious Damsel (published/unedited)
RomancePagdating sa pag-ibig ay may dalang kamalasan si Aika. Sa tuwing kasi mai-in love siya ay lagi na lang dead-end ang kinahahantungan ng buhay pag-ibig niya kaya hanggang crush lang ang status na puwede niyang ilaan sa mga kalahi ni Adan. Kaya nang ma...