CHAPTER EIGHT

5.6K 153 5
                                    

INAYOS ni Aika ang suot na shades habang nakamasid sa dalampasigan habang nakaupo sa isa sa mga chaise lounge doon. The clean white sand, fresh air, and clear blue water was perfect in that scenic view. If she was on vacation she would've chose to spend her entire vacation on that resort.

Ngunit ang pakay niya roon ay hindi bakasyon. She was on a hunt.

Napangiti siya nang makita niya ang kanyang biktima sa kalapit na restaurant ng resort. Kasalukuyang nakaupo sa isang mesa si Migi kasama ang mga ka-meeting nito. They were probably talking about business stuff with the way they look.

And how did she know of this stuff? B-in-ribe niya lang naman ang sekretarya nito. Tutal ay naniwala naman itong fiancée talaga siya ni Migi kaya suko na ito sa binata.

Ang mahirap nga lang na parte ng plano niya ay kung paano niya ito kukumbinsihing sumali sa "dark side". Kaya wala na siyang ibang naisip gawin kundi ang alukin ito ng lalaki. Not that she was pimping any male prostitute or escort but she thought of offering her someone to date.

Kumagat ito sa pain niya nang inalok niya ito nang ganoon. She even went her way to give her some tips and advices. Kaya ngayon ay kakampi na niya ito.

Tila nagde-daydream na napabuntong-hininga siya nang pinagmasdan niya ang binata. Instead of wearing his usual coat and tie ay naka-board shorts ito at plain black button-down shirt na hinayaan lang nitong naka-unbutton. Tisoy ito kaya umangat ang kulay ng balat nito sa suot. Bahagya pang namumula-mula ang balat nito dahil nababad sa arawan. Nakagat niya ang ibabang labi nang bumalandra sa mga mata niya ang malapad na dibdib nito at sneak peek ng abs nito.

He had his usual confident aura. Naalala niya tuloy nang una sila nitong magkita. Aakalain mong hindi ito puwedeng kalabanin dahil tila maglalabasan ang mga laser beam sa mga nito dahil sa kaseryosohan at kasungitan ng anyo nito. Kaya nga laking gulat niya nang makilala niya ito nang lubusan dahil nalaman niyang hindi lang "serious personality" ang meron ito. He can be serious and mischievous if he wanted too.

Nakita niyang seryoso itong nakikinig sa mga kausap. She sighed at his features. Tinamaan na talaga siya sa lalaking ito. She's even acting like a stalker. Pero ano ba naman kasi ang magagawa niya kung ang lalaki ay mukhang wala namang balak gumawa ng paraan para l-um-evel-up sila kahit na nararamdaman naman niyang M.U. na sila nito.

"Hindi naman ako normal na damsel-in-distress na maghihintay na lang kay Prince Charming," aniya sa sarili.

Nang makitang papatapos na ang meeting ni Migi at ng mga kasamahan nito ay tumayo na siya sa kinauupuang chaise lounge upang maisakatuparan ang binabalak.

Ngunit bigla na lang may dalawang lalaking humarang sa daraanan niya. Tinangka niyang umiwas sa mga ito ngunit humarang muli ang isa habang ang isa ay pumuwesto malapit sa likuran niya.

"Puwedeng makiraan?" sarkastikong tanong niya sa mga ito na nagtitimpi lang ng pagkairita niya.

"Baka puwedeng makipagkilala sa 'yo, miss..." nakangising tanong ng isang lalaking naka-blue sando at orange board shorts. Talk about fashion sense.

Tumaas ang isang kilay niya. Mukhang natipuhan pa siya ng mga loko. "Sorry but my mom told me not to talk to strangers," aniya sa pagbabaka-sakaling tantanan na siya ng mga ito. Pero mukhang manhid ang dalawang ito dahil dead-ma lang ang mga ito sa sinabi niya.

Wala naman sanang problema kung may gustong makipagkilala sa kanya ngunit wrong timing ang mga ito. Besides, hindi niya gusto ang karakas ng mga ito. They had the playboy aura with them.

The Obnoxious Damsel (published/unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon