CHAPTER FIVE

6.3K 136 2
                                    

"MAY BOYLET ka na, 'no?"

Nagulat si Aika sa biglang pagsulpot ni Spencer sa likod niya. Maaga pa ay nakatambay na ito doon sa restaurant nila. Hindi niya namalayan ang pagdating nito kanina dahil nasa "cloud nine" siya nang mga oras na iyon.

Tumikhim siya. "Boylet ka diyan," deny niya saka tumayo at nagpa-busy-busy-han.

Pinaningkitan siya nito ng mga mata at mapanuring tiningnan na tila nanonood lang ito ng isang specimen sa microscope.

Mayamaya ay tinusok ng daliri nito ang isang pisngi niya. "Obvious ka masyado 'pag nagsisinungaling ka, midget. Pinagpapawisan nang todo ang ilong mo," pambubuking nito sa kanya.

Pinalis niya ang daliri nito na ilong naman niya ang pinagdidiskitahan. "Puwede ba. Panira ka ever!"

Pumalatak ito. "Buking ka na, midget."

She stucked out her tongue at him. "Whatever, Mapa. Stalker ba kita? Ikaw, kung hindi lang kita kilala iisipin ko talagang patay na patay ka sa 'kin. Pero siyempre, wala, kasi magkaibigan tayo. Kaya nga tigilan mo na ang pangti-tripping mo kung pupuwede lang, ano? Sayang lang ang pambili mo ng mga props," paalala niya rito.

Sandali itong tumahimik bago ito sumingasing at tumawa. "Naman! Kahit joke lang hindi mo pa rin ako bibigyan ng chance," napapalatak na sabi nito. "So sino ba ang bagong boylet mo?"

Napangisi siya. "Are you ready for the big reveal?" pambibitin niya pa rito na nakapagpakunot ng noo nito.

"Ano 'to? Game show?" may bahid ng pagkairita at kuryosidad ang tinig nito.

"Anong meron?"

Sabay silang napalingon ni Spence kay Jaeda at Colette na nakisingit na rin sa kanilang pinag-uusapan.

"Guess the boy—"

"Game show," mabilis na putol niya sa sasabihin ni Spence.

Parehong napakunot-noo ang mga ito na tila naguluhan sa sinabi niya. Ginamit niya ang pagkakataon para makatakas sa mga ito. Dumiretso siya sa private office nila at doon nagkulong.

Sa totoo lang, wala naman talaga siyang boylet. Oo nga at nag-date sila ni Migi pero wala namang halong malisya iyon.

Wala nga ba?

Naipiling niya ang ulo sa itinanong ng malisyosang isip niya.

Wala. It was more of a friendly date. A getting-over-the-ex type of date.

Napangiti siya nang maalala ang date nila nang nagdaang gabi. Buong biyahe nila papuntang Enchanted Kingdom ay kinokontra nito ang lahat ng bagay tungkol sa naturang amusement park. Pero pagdating nila roon ay mukhang mas excited pa ito kaysa sa kanya.

"I guess its already been ages since I stepped foot here," pagre-reminisce ni Migi na may ningning sa mga mata nito kaya hindi niya mapigilan ang mapangiti.

"You see? So it wasn't a bad idea that we go on a date here," excited na tugon niya.

Excited na hinila niya ito patungo sa ticket booth. He bought a pair of ride-all-you-can tickets and they were off.

Naisipan pa nilang salitan sila sa pagpili ng mga rides. Sinubukan muna nila ang mga mellow rides ngunit hindi rin nagtagal ay naglevel-up na sila sa mga heart-stopping rides na kadalasan ay si Migi ang pumili. He was teasing her for choosing the mellow rides.

The Obnoxious Damsel (published/unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon