CHAPTER ONE

11K 155 2
                                    

NAKAPANGALUMBABA si Aika habang nakatingin sa mga pares ng mga magkasintahan sa loob ng tinatambayan niyang café malapit sa kanyang tinitirhan. Mukhang busy ngayon si Kupido at talaga namang ang dami ng resulta sa mga prospects nito.

Napabuntong-hininga siya bigla. Kailan kaya darating ang araw na siya naman ang maililista sa listahan ng mga prospects ni Kupido? Para naman sana hindi laging love life ng ibang tao ang pinapakialaman niya kundi sarili sana niya.

Muli niyang inilibot ang tingin sa loob ng cafe. Ibang klase nga naman ang pag-ibig meron ding iba't ibang types. Ayon sa isang text quote na nabasa niya, meron ang tinatawag na "perfect couple", kung saan parehong maganda at guwapo ang magkasintahan. Ang "true love", maganda o guwapo na pumatol sa mga medyo below sa level ng physical appearance nila. Ang "no choice", pangit na pumapatol sa kapwa pangit dahil naniniwala silang hanggang doon lang ang puwede nilang abutin.

Muli siyang napabuntong-hininga. Nagiging judgmental na yata siya. Marami nga naman ang nagsasabing love moves in mysterious ways kaya hindi talaga mae-expect kung kanino mahuhulog ang puso ng isang tao at kung kailan.

Tiningnan niya ang suot na wristwatch. Malapit nang mag-lunch time pero tinatamad pa rin siyang dumiretso ng Lé Magnifique.

Ang Lé Magnifique ay ang dream business nilang magkakaibigan. Lima silang may-ari ng naturang restaurant at salitan lang sila sa pagma-manage noon. Friday siya nakatoka sa restaurant at since Huwebes pa lang nang araw na iyon, she's spending her time alone at the moment. Parati na rin niya naman nakikita ang mga pagmumukha ng mga kaibigan niya roon sa LM.

Nabitin sa ere ang iinumin niya sanang iced tea nang makita ang pumasok sa cafe. She eagerly watched as a tall and confident-looking guy just came in the entrance. Ang suot nitong dark suit at tila walang kayukut-yukot na shirt ang tila nagpa-emphasize sa pagiging makapangyarihan nito. He carried himself with a confidence that ensured he would never go unnoticed.

Pakiramdam niya ay sumikip ang naturang lugar dahil lang sa presensiya nito. His dark hair was well cut, his eyes were steady and dark, his greek god nose, and full lips were to die for as well.

Bingo! Panalo na sa standards niya si Mr. Coat-and-tie.

Papalapit ito sa bakanteng mesa malapit sa kinauupuan niya nang bago pa ito makalapit doon ay tumayo ang lalaking nakaupo sa mesang nasa harap niya at natabig ang dalang coffee cup ni Mr. Coat-and-tie.

Uh-oh!

"Oh shit! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaan mo!" galit na sigaw ng lalaking tumayo sa upuan nito. Nakasuot ito ng puting Lacoste shirt na sa tingin niya ay sa Divisoria lang naman nito binili. Mukha rin itong buwaya kung siya ang tatanungin.

Nakita niyang tumaas ang kilay ni Mr. Coat-and-tie bago dumako ang tingin nito sa damit nitong natapunan din ng kape. Nababasa niya ang iritasyon sa mga mata nito kaya bago pa ito makapagsalita ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. Sinapian na naman siya ng pagiging pakialamera niya.

"Sandali lang, kuya. Hindi lang naman si Mr. Guwapo dito ang may kasalanan kasi hindi ka rin naman tumingin sa likod mo no'ng tumayo ka. Kung ang inirereklamo mo ang maliit na mantsa ng kape diyan sa likod mo ay uso naman ang tinatawag na Zonrox. Aba naman, eh, tingnan mo naman 'tong kay pogi rito..." Itinuro niya ang suot na suit ng lalaki na may malaking mantsa ng kape bago pumalatak. "Mukhang mamahalin pa naman. Custom-made 'ata 'to. Mahal ang dry cleaning nito samantalang sa 'yo kaunting laba't kusot ayos na diyan sa japeyks mong buwaya," turo niya sa logo ng shirt nito.

The Obnoxious Damsel (published/unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon