CHAPTER TEN

10.5K 278 24
                                    

"WHY THE hell did you do that to her?" galit na bumalandra sa study room si Spencer habang papalapit kay Migi.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "What are you talking—" Bigla siya nitong sinuntok. Napamura siya nang maramdamang pumutok ang mga labi niya.

"Ano ba ang pumasok sa kukote mo at sinabi mo kay Aika na engaged na kayong dalawa ni Yvonne?"

Nagtiim ang mga bagang niya. "It's none of your business."

"Alam mo bang duwag ka? Nalaman mo lang na may gusto ako sa kanya naging duwag ka na at handa ka na agad na sumuko—not that nagrereklamo ako dahil pabor naman sa 'kin iyon pero ang problema, eh, hindi mo man lang inalam ang nararamdaman ni Aika. Matalino ka, kuya, kaya alam kong may alam ka na but if you did something irresponsible at hindi ka pa aaksiyon I'll definitely snatch her from you."

"It's just a game for her..."

Tila ito naman ang natigilan. "What the hell are you talking about?"

"Balak ko naman talaga siyang ligawan kaya lang hindi ako sigurado kung seryoso nga ito. Marami siyang kaibigang lalaki, Spence, at kahit na ayoko hindi ko talaga kayang pigilan ang magselos sa tuwing iisipin kong mas malapit siya sa ibang lalaki kaysa sa 'kin. And the thing with Yvonne, she just implied it herself." He snorted bitterly. "Mukhang tuwang-tuwa pa nga siya nang malaman niyang engaged kami ni Yvonne and it just proved that she wasn't that serious with regards to the things that happened between us."

His heart sank as he remembered Aika's reaction on his office.

"Pero... Imposible iyon. She loves you! Kaya nga nabasted ako," tila hindi pa ring naniniwalang sabi nito.

Nagkaroon ng kaunting pag-asa sa puso niya sa sinabi ng kapatid.

"Sa tingin ko kailangan n'yo talagang mag-usap. Ang labo n'yo," naiiling na sabi nito.

Nang makaalis ito ay nanumbalik sa isip niya ang nangyari sa opisina nang nagdaang araw. Yvonne visited him in the office para ipaalam sa kanya na ipinagkasundo ito ng mga magulang niya sa childhood best friend nito at malapit na kaibigan ng mga magulang nito ang mga magulang ng lalaki.

She even confessed to him that the guy was her first love. Sa lagay na iyon ya hindi naman siya nagselos. In fact, he was happy for her. At noon bigla dumating si Aika.

Maiintindihan niya kung na-misunderstood nito ang nakita sa pagitan nila ni Yvonne pero ang masakit ay parang tila siyang-siya pa ito na engaged na sila ni Yvonne.

On second hand, he remembered the time on the resort. Hinding-hindi niya makakalimutan iyong gabing hindi na niya napigilan ang kanyang sarili kahit na napagpasyahan na niya noon na maghintay muna at mag-obserba. He felt kissing her was the right thing to do. At anong tuwa niya nang maramdaman niyang tila tinugunan nito ang halik na iyon na puno ng pagmamahal.

God! How he felt like he was about to burst nang gabing magkatabi silang matulog. Magkatabi lang sila sa higaan noon at walang nangyari dahil somehow, he respects her. Ayaw niyang madaliin ang luhat tutal hindi pa naman official ang lahat sa kanila. Kaya kahit na pakiramdam niya ay tinotorture siya buong gabi ay wala siyang reklamo. Pinagkasya niya na lang ang sarili sa mga halik at yakap dito.

Napatayo siya pero bago pa siya makalabas ng study ay tumunog ang cell phone niya.

"Hello?"

"Migi? About the date with my niece," simula ng sa kabilang linya.

Pinigilan niya ang mapabuntong-hininga. "Uncle Chad, I think now's not the right time for—"

The Obnoxious Damsel (published/unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon