CHAPTER SIX

5.7K 111 2
                                    

"I KISSED a boy and I liked it... Lala lala lalalala..." pasipul-sipol na kumakanta si Aika habang nagpupunas ng mesa.

"Ang sipag ng ale!"

"Yey, may himala! Naglilinis ang numero unong tamad sa LM."

"Tumigil kayo kung ayaw niyong dumapo sa mga mukha n'yo itong basahan," banta niya sa mga kaibigang gumambala sa paglilinis niya.

"Ang sungit mo, girl. Itsitsismis lang namin na umuwi na si Elise galing Negros," balita ni Jaeda.

Napangiti siya. "Mabuti kung ganoon. Malamang may nadagit 'yon doon," mapanuksong hayag niya.

"Korek ka diyan, mare!"

"Umandar na naman pagkatsismosa n'yo," naiiling na komento ni Colette.

"Aruuu... At nambintang ka pa, eh, pareho lang naman tayong tatlo," pambubuko niya rito.

"Besides, maniningil na rin tayo ng pasalubong," dagdag ni Jaeda. "Balita ko malalambing ang mga boylaloo sa Bacolod..." Pinagalaw-galaw nito ang mga kilay nito, nang-uudyok.

"Akala ko ba may Spencer ka na?"

Umismid ito. "Hard to reach ang isang iyon. May iba na kasing gusto ang mokong," nakalabing sabi nito.

Napakunot-noo siya. Wala siyang alam tungkol doon. "Ha? Ba't hindi ko alam ang tungkol diyan? Sino naman daw ang girl?" naiintrigang tanong niya. Ang akala pa naman niya magkaibigan sila ni Spencer ngunit hindi man lang nito naisipang sabihan siya tungkol sa importanteng bagay na iyon. Kapag nakita niya ang lalaking iyon ay gigisahin niya talaga ito.

Sandaling napatingin si Jaeda sa kanya, nag-isip bago sumagot. "Unfortunately, it's not for me to tell..." pambibitin pa nito.

Napabusangot siya. She got the face that says "no matter what, I won't tell you" kaya hindi na siya namilit. "Ang galing mo mambitin. Grabe."

Ngumiti lang ito nang matamis habang si Colette ay nakatingin lang sa kanilang dalawa. "Itanong mo na lang sa kanya at baka sabihin niya sa 'yo."

"At ngayong tapos na ang isyu sa secret love ng sikat na race car driver ay dumako na tayo sa isyung pagbabalik ni Elise," singit ni Colette.

"Surprise visit!"

"Ang hilig mo talaga do'n kahit kailan."

Ngumisi siya. "Para exciting!"

Natawa ang mga kasama niya. "Tapos natin dito diretso na lang tayo sa unit niya mamaya. Game!" Parang mga basketbolistang pinagsama-sama nila ang mga kamay at itinaas sa ere matapos sumigaw ng "Darna!"

Matapos ang pag-uusap nila ay biglang pumasok sa isip niya ang tungkol kay Migi. Nagdadalawang-isip siya kung sasabihin niya ba sa mga kaibigan ang tungkol dito. Mahirap na ang masingil sa huli kapag sinekreto niya ang tungkol sa kanila.

Pero ang tanong... Ano ba ang meron sila ni Migi?

Natigilan siya. In the first place, wala naman silang usapan ng binata. Napailing siya. Sa susunod niya na lang poproblemahin ang tungkol doon kapag nakausap na niya talaga ito.

Besides, wala pa namang tinatanong ang mga kaibigan niya sa kanya tungkol doon kaya no worries...

NAPABUGA ng hangin si Migi upang mawala ang tension sa katawan niya. Today is the launching of their new software for IT Global. It's a software that focuses on multimedia editing and production. They were ambitious enough to create a software na ipangtatapat nila sa Adobe at Nero.

The Obnoxious Damsel (published/unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon