CHAPTER NINE

5.8K 131 3
                                    

PASIPUL-SIPOL si Aika habang iniisa-isang ayusin ang mga libro sa display cabinet sa sala niya.

"So, kayo na?" tanong ni Spencer na hindi inaalis ang tingin sa binabasang car magazine habang nakahilata sa sofa niya. Naisipan nitong tumambay sa bahay niya nang araw na iyon dahil matagal na raw silang hindi nagkikita.

Isang linggo rin kasi itong nawala dahil sa sinalihan nitong car racing competition sa Greece. Sa pagkakaalam niya ay kasama nito si Jaeda dahil kinareer talaga nito ang pagiging bodyguard-slash-personal assistant ng binata kahit na duda siyang kailangan pa ni Spencer ng isang bodyguard. Hindi pa nga lang sila nagkakausap ni Jaeda mula nang dumating ang mga ito.

"Hindi pa namin napapag-usapan."

Nakakunot-noong umangat ang tingin nito sa binabasa. "Bakit?"

Hindi niya rin alam. She was too busy living the moment. Natatakot kasi siyang baka panaginip lang ang lahat at bigla na lang siyang magising. Pero nang nagising siyang si Migi ang nakita niyang katabi kinaumagahan ay nakahinga siya nang maluwag. Heaven talaga ang pakiramdam niya.

It was as if they had had a mutual understanding of what was happening between them. Naramdaman niyang mahal din siya nito.

"Did you sleep with him?"

Nilingon niya ito at inirapan ngunit dead-ma lang ito. "Pakialam mo ba?"

"So walang nangyari?"

Paano ba niya sasabihin dito na ang nangyari lang sa pagitan nila ng kapatid nito ay ang magkasamang matulog magdamag? At bakit ba niya sasabihin dito in the first place? Baka kantiyawan pa siya at sabihang natatakot ito para sa puri ng kapatid nito.

"Mind your own business, Mapa," irap niya rito.

Nagkibit-balikat ito. "Concerned lang naman ako."

Matapos ayusin ang hilera ng mga libro ay sinunod niya ang taas na hilera ng display cabinet ngunit bahagya niya lang iyong abot kahit na kasalukuyan na siyang nakatayo sa itaas ng bangko. Nahirapan siyang ayusin iyon.

"Tulungan mo na nga lang ako dito, Mapa," baling niya kay Spence na kung makahiga sa sofa niya ay tila ito pa ang nakatira roon.

Umakto pa itong tinatamad ngunit mayamaya ay ito na ang nakasampa sa bangko. Nagmukha tuloy itong kapre sa tangkad nito.

"Spencer?"

"Hmm?"

"'Pag naging bayaw na kita huwag mo na akong tatawaging 'midget', ha?"

Marahas itong napalingon sa kanya kaya bumigay ang upuan sa bigat nito. Pagkaapak nito sa sahig ay nadulas ito kaya padapa itong tumama sa sahig. Sa pagkataranta ay nahawakan niya ang jersey shorts nito at hindi sinasadyang nahatak niya iyon.

Natigilan siya hindi dahil sa sumama ang boxers nito sa nahatak niyang shorts kundi sa nakita niyang nunal sa itaas ng kaliwang butt cheek nito. Hindi man bumalandra sa mga mata niya ang buong left butt cheek nito ay klarong nakita niya ang nunal sa itaas niyon.

"Ang makakatuluyan mo ay may tatlong nunal sa may bandang puwit..." bigla na lang pumasok sa isip niyang hula sa kanya ng ala-Madam Auring na manghuhula noon.

Sa lahat ba naman ng puwedeng tubuan ng nunal ay doon pa sa puwit banda ito nagkaroon. Paano kung hindi lang isa ang meron ito? Hindi naman kasi niya nakita nang buo ang puwit nito. At wala siyang balak, ano!

The Obnoxious Damsel (published/unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon