ILANG minuto nang nakatayo sa harap ng bahay ni Aika si Migi ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kumakatok.
What would he say to her? Na napadaan lang siya dahil may ikaklaro lang siya regarding sa mga tsismis tungkol dito? Hindi kaya magmukhang naniniwala siya sa tsismis kapag ganoon? Pero mas mabuti na siguro ang sigurado, so that all things would clear up.
Nagpalinga-linga siya. He saw some flowers on the garden. Pasimple siyang kumuha ng ilang pirasong bulaklak. Hindi naman siguro mahahalata ng dalaga iyon.
Akmang magdo-doorbell na siya nang biglang bumukas ang pinto.
"Yo! Wazzup, bro?" nakangiting bati sa kanya ng isang lalaking mukhang malapit-lapit sa edad niya.
Does Aika have a brother? Hindi sila magkamukha ng lalaking ito. "Is Aika there?"
Sumandal ito sa hamba ng pinto at humalukipkip. Mayamaya ay may isa pang lalaking sumulpot sa tabi nito. "Jorick, anong ginagawa mo? Sino'ng dumating?"
"Who are you?" tanong sa kanya ng lalaking tinawag na Jorick.
And who the hell are you, guys? naiiritang tanong niya sa isip niya. "Migi. A friend of Aika."
Nagkatinginan ang mga ito bago muling bumaling sa kanya. "Right... Friend..." ulit ng mga ito na obviously ay hindi naniniwala.
"Well, come in. Nasa taas pa siya." Inabot nito ang kamay sa kanya upang makipag-kamay. "I'm Jared, by the way," pakilala nito.
May pag-aatubiling inabot niya ang kamay nito.
"Migi, meet Caleb and Ziggy," turo nito sa dalawang lalaking nasa sala. Now he didn't expect that. Mukhang wrong timing yata ang dating niya.
Tumango ang nakasalaming lalaking tinawag na Caleb habang ngumiti naman ang mestisong lalaking tinawag na Ziggy.
"Matagal mo na bang kilala si Aika?" usisa ni Jared.
"A couple of months," sagot niya.
"She's great, isn't she?" ani Jorick.
Hindi siya sigurado kung saan ang patutunguhan ng pag-uusap nilang iyon. "She is."
Nagkatinginan na naman ang mga ito. A smile curled up on their lips. Biglang nagkuwento ang mga ito tungkol sa babae. Half of it he didn't even know of. Naramdaman niya tuloy na nalamangan siya ng mga ito dahil mas marami pang alam ang mga ito tungkol sa dalaga. He thought he was feeling jealous, a bit.
Napabaling ang atensiyon niya sa lalaking bumaba ng hagdan. He was half-naked with a towel hanging on his shoulder.
"Rieley, si Ai 'asan?" tanong ni Jorick rito.
"Nasa taas. Naliligo pa."
"Sabay kayong naligo?" tanong ni Ziggy. Binato ito ni Caleb ng throw pillow na tumama sa mukha nito.
Napakunot-noo siya. So they were together upstairs?
Tumikhim si Jared. Nakita niya nang tapunan nito ng nagbababalang tingin si Rieley. At that point ay biglang sumama ang pakiramdam niya.
"I think now's a wrong time. Babalik na lang uli ako," palusot niya. Hindi na siya pinigilan ng mga ito nang umalis siya.
He thought he needed time to think things through...
BINABASA MO ANG
The Obnoxious Damsel (published/unedited)
RomancePagdating sa pag-ibig ay may dalang kamalasan si Aika. Sa tuwing kasi mai-in love siya ay lagi na lang dead-end ang kinahahantungan ng buhay pag-ibig niya kaya hanggang crush lang ang status na puwede niyang ilaan sa mga kalahi ni Adan. Kaya nang ma...