CHAPTER FOUR

6.3K 125 1
                                    

"TIP NUMBER sixteen, dapat iparamdam mo sa babae na importante siya. Make her feel special," payo ni Aika kay Migi habang nangangape sila sa Starbucks sa isang mall.

Laking tuwa niya nang yayain siyang lumabas ni Migi. Magkasama pa sila ni Spence noon at ganoon na lang ang taranta niya para mamili ng susuotin. Nainis pa siya nang tinopak si Spencer at dini-discourage pa siyang huwag pumunta.

Sandali silang nagsagutan hanggang sa sumuko na ito at umuwi. Sa susunod na niya ito iinterogahin at kukulitin kung ano ang problema nito. May "Courting 101" lesson pa siya kay Migi-boy.

"And how would I do that?"

Naitirik niya ang kanyang mga mata. Napansin niyang sa tuwing magbibigay siya ng payo rito ay sasagot ito ng slightly stupid na tanong o statement. Hindi niya alam kung sinasadya nito iyon o kaya naman ay totoong wala talaga itong alam.

"Tip number seventeen, make an effort. Hindi mai-impress sa 'yo 'yang syota mo kung parati kang magtatanong kung ano ang gusto niya," parinig niya.

To her surprise he wrinkled his nose. Nate-tempt tuloy siyang pisilin iyon. "Girls are complicated."

"Akala n'yo kayong mga lalaki hindi," salansa niya. Napabaling ang atensiyon niya sa paligid. "Kailan ka ba huling bumisita sa girlfriend mo para sorpresahin siya?"

Kumunot ang noo nito saka gakibit-balikat.

"I'm guessing, it's been ages." Nang bumuntong-hininga ito ay kinompirma lang nito ang hinala niya. "Right."

"Is it a bad thing?"

"Yes."
"But—"

"Effort remember?"

"Bakit ba kasi hindi puwede na go with the flow na lang ang lahat?"

"Eh kasi po, pareho lang po 'yan na hindi ka na lang nag-girlfriend in the first place," medyo naiirita ng sagot niya. "Kaya puwede bang huwag ka nang kumontra at tawagan mo na lang siya para mapakita mo ang effort na tinatawag."

Mayamaya ay tumunog ang cell phone nito. Tiningnan nito kung sino ang tumatawag. Napaangat ito ng tingin. "It's her."

"Ano pa ang hinihintay mo? Sagutin mo na. By the way, remember to act cool and sweet at the same time," paalala niya rito.

Sa pagtataka niya ay hindi ito tumayo sa puwesto nito. Sinagot na lang nito ang tawag doon mismo sa harap niya.

"Yvonne..." Tumingin ito sa kanya na tila humihingi ng tulong. "You want me to go to your fashion show tomorrow? I have work that day so—" Mabilis niya itong sinenyasan na huwag tatanggi. "But I'll take time off from work. Yeah... yeah. See you. 'Bye."

Hindi niya alam kung bakit tila nanikip ang dibdib niya nang marinig ang pag-uusap nito. Naiinggit siguro siya sa ka-sweet-an ng mga ito. Puwede naman palang maging sweet si Migi-boy kung gugustuhin nito—kailangan nga lang ng tutor for the mean time.

Tapos na ito sa tawag nito nang nakangiting bumaling ito sa kanya. "Good thing you're here."

"Yup. Dahil kung wala ako dito malamang disappointed na naman 'yang honey mo." Napapalatak siya. Kumuha siya ng malinis na table napkin at kumuha ng ballpen sa bag niya. "O 'ayan, at nang hindi ka magmukhang lost sa date n'yo," aniya sabay abot ng table napkin rito.

Tipid na ngumiti ito na tila nagpapasalamat sa ginawa niya. "You're really good at this." Laking gulat niya nang bigla na lang siya nitong yakapin.

The Obnoxious Damsel (published/unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon