Chapter 4

3.4K 68 0
                                    

NAPAKAMOT NA lamang si Ethan habang naghihintay na magbukas ang pinto ng elevator. Hindi niya akalain na tototohanin ng ina ang panakot nito sa kanya at ito nga siya, natagpuan na lamang niya ang sarili sa poder ng kanyang ninong. Hindi naman niya inasahan na makakatagpo siya ng katapat sa katauhan ng anak nito. Mukhang hindi magiging maganda ang relasyon niya sa dalaga. Sinasabayan nito ang pagiging pasaway niya at mukhang kaya siya nitong higitan.

Kung anu-ano nnag tumatakbo sa isip niya habang lulan ng elevator. Kahit papaano alam naman niya kung saan pupunta. Saktong pagbukas ng pinto ng elevator ay nagulat pa siya nang makilala ang tumambad sa aharapan niya. Ginantihan niya ito ng ngiti nang ngumiti ito sa kanya.

"It's good to see you, Ethan!" bati sa kanya ni Julianne.

"Long time no see," aniya. "Kumusta?"

"E' to, ayos naman. Ikaw?"

Napakamot naman siya sa kanyang batok sa tanong nito. "Ito, pinatapon ni mama rito."

Natawa naman ito sa sinabi niya. "Pasaway ka pa rin?"

"Hindi, ah!" tanggi niya. "Med'yo makulit lang."

Sabay pa silang natawa sa sinabi niya. Hindi naman niya napigilang mapatitig sa maamo nitong mukha. Hindi naman niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan habang nakatitig sa babae. Hindi niya akalain na makikita niya ulit ang babaeng unang nagpakilala sa kanya ng salitang 'pag-ibig'. Hinding-hindi niya makakalimutan kung paano nito pinatibok ang bata niyang puso halos labinlimang taon nang nakakalipas. Pero hindi naman niya alam kung puwede pa niyang pausbungin ang dating paghanga para sa babae.

"Welcome to Ramirez Empire. I'm sure you would enjoy here."

Tumango-tango naman siya. "Salamat."

"See you at the conference room later," anito.

"Sige."

Sinundan na lamang niya ng tingin ang babae nang sumakay ito sa elevator. Isang ngiti pa ang binigay nito sa kanya bago tuluyang magsara ang pinto niyon. Pinakalma naman niya ang dibdib na kanina pa kumakabog nang magkasalubong sila ni Julianne. Kahit papaano naman siguro magugustuhan niyang magtrabaho sa kumpanya ng kanyang ninong. Napangiti na lamang siya habang tinatahak ang opisina ng kanyang ninong.

This would be a great day!

-------------------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile 

BOOK 3: Janelle, The Brave Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon