"MASYADO MONG pinapagod ang sarili mo sa trabaho. Bakit hindi mo subukang magliwaliw?"
Kasasara niya lang sa laptop nang pumasok sa kanyang office ang Ate Julianne niya. Nginitian niya ito nang lumapit sa kanya.
"Kumusta si Ethan?" maya-maya'y tanong nito sa kanya. "Nagkakausap naman kayo?"
Bigla namang nabura ang ngiti sa labi niya nang banggitin nito ang pangalan ng huli. Almost a year na ang nakalipas after bumalik ni Ethan sa States para ipagpatuloy ang therapy nito. Miss na miss na niya ang binata pero kailangan pa niyang magtiis.
"Okay naman. Nakakapag-usap naman kami through video call," aniya.
"Gaano kadalas?"
Napabuntong-hininga siya sa tanong ulit nito. "Paminsan-minsan. Madalas kasi 24/7 siya sa clinic ni Mr. Morsh."
"I know you miss him so much but just think that after all of this, you will both happy," pagbibigay lakas-loob sa kanya ng kapatid.
Tumango-tango siya. "Salamat, ate."
Hinatid na lang niya ang tingin hanggang sa makalabas ito ng kanyang office. Bigla ay nakaramdam naman siya ng lungkot. Tatlong araw na niyang hindi nakakausap si Ethan. Nagsinungaling siya sa kanyang kapatid. Ayaw niyang mag-alala ito sa kanya. Noong huling nakausap niya ang binata ay para itong balisa at hindi mapakali. Kahit gusto niyang magtanong sa binata ay hindi niya nagawa. Ayaw naman niyang dagdagan ang kung anong bumabagabag sa isip ni Ethan.
Kailangan niyang malaman ang nangyari, isang tao lang ang nasa isip niya para malaman niya ang totoo. Tumayo siya at inayos niya ang mga gamit. May pupuntahan siya.
HINDI NA nag-abala pa si Janelle na kumatok sa clinic ni Isaac at padabog pa niya iyong binuksan. Gulat na mukha naman ng doktor ang tumambad sa kanyang harapan. Kitang-kita pa niya ang panlalaki ng mga mata nito.
"Where is Ethan?" tanong niya rito kahit mukhang hindi pa ito nakakahuma sa gulat. Napatingin naman siya sa gilid. Bigla naman siyang kinabahan nang ma-realize na hindi pala ito nag-iisa sa clinic. Pinasadahan niya ng tingin ang isng babae na nakaupo at nakatingin sa kanilang dalawa. Mukhang nagulat rin ito sa padabog niyang pagbukas sa pinto. Nakaramdam naman siya ng hiya.
Naku! Baka isipin nito isa akong girlfriend na galit!
Humarap siya rito at tumango. Handa na siyang ngumiti at humingi ng paumanhin nang biglang tumambad sa harapan niya ang isang white folder. Nakataas naman ang kilay na tinapunan niya ng tingin si Isaac. Hindi niya maintindihan ang pagme-make face nito. Iniiling nito ang ulo habang tinuturo ang labi nitong nakangiti.
"Huwag ngingiti?" bulong niya kay Isaac. At tumango-tango naman ang doktor. Nakuha naman niya ang pinupunto nito at tumango-tango siya.
Binaba na ni Isaac ang white folder na pinangharang sa mukha niya para hindi siya makita ng babae. "She's Margaux Chen. My patient."
"Hi!" pilit niyang sineryoso ng mukha. Pinipigilan niya ng ngumiti. "I'm Janelle. Girlfriend ng kapatid ni Dr. Isaac."
"Hi!" mukhang mahiyain ang babae. Kumaway lang ito sa kanya.
Hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin at lumingon na siya kay Isaac. "Nasaan na si Ethan?"
Kunot-noo naman ng doktor sa kanya. "Bakit hinahanap mo sa akin? 'Di ba nasa Stated pa?"
"Tatlong araw na kaming hindi nakakapag-usap," malungkot ng boses niya.
"Huwag kang mag-isip masyado. Malay mo naging busy lang dahil tinatapos na ang therapy niya."
Kahit hindi kumbinsido ay hindi na lang niya masyadong inisip iyon. Ayaw naman niyang mag-alala sa binata.
"Magpaparamdam rin iyon. Umuwi ka na. May trabaho pa ako."
BINABASA MO ANG
BOOK 3: Janelle, The Brave Princess [COMPLETED]
Любовные романыAngel With A Shotgun Series #3: Janelle, The Brave Princess "Kapag nagkita ulit tayo pagkalipas ng ilang taon at puwede na, papakasalan kita." Halos gabi-gabing ginagambala si Janelle ng pangako sa kanya ng isang batang lalaking hindi man lang niya...