HINDI MAPIGILAN ni Ethan na mag-alala kay Janelle habang abala siya sa pagre-research para sa project na iniatang sa kanila ng Ninong Julio niya. Panaka-naka siyang napapatingin sa pinto ng kanyang kwarto at parang tumatagos ang isip niya sa natutulog na dalaga sa kwarto nitong katapat niya lang.
Pinipilit niyang i-focus ang isip sa ginawa nang biglang may kumatok sa kanyang kwarto. Hindi naman niya alam kung bakit siya biglang binalot ng kaba at halos madapa pa siya nang halos takbuhin niya ang kanyang pinto. Pero mas nagulat pa siyang hindi si Janelle ang bumungad sa kanya kundi ang lalaking nakilala niya kahapon.
"Joseph?"
Nakangiti ito sa kanya. "Hi, pare!"
Wala naman sa sariling niluwagan niya ang pagbukas ng kanyang pinto para papasukin ang bisita.
"Si Aling Pacita nagpapasok sa akin," anito habang naupo sa kanyang kama.
"Pasensya na. Wala pa kasi akong masyadong gamit. Kakalipat konlang rin dito," paliwanag niya nang sa kama ito naupo at wala siyang maalok na upuan.
"Okay lang," saad nito. "Dito ka pala tumuloy sa kwarto ni Julianne."
Tumango-tango siya. "Ah, si Ninong Julio nagpatuloy sa akin dito. Hindi ko alam na kwarto ni Julianne 'to dati."
"Okay lang naman."
Hindi niya alam kung bakit parang naiilang siya sa asawa ng kaibigan. Ngayon lang naman niya ito nakita at nakausap ng silang dalawa lang.
"Nagpunta lang ako para kunin 'yung sasakyan ni Julianne. Nautusan ni Papa," maya maya'y paliwanag nito.
"Ah," tumango-tango siya.
"Si Janelle?"
Para namang natauhan siya sa tinanong ni Joseph. Pakiramdam niya ay parang bigla niyang nakalimutan abg responsibilidad na bantayan ang dalaga lalo na't may sakit ito.
"May sakit. Nagpapahinga na sa kwarto niya."
"Ha?!" gulat na reaksyon ni Joseph.
"Pero huwag ka na mag-alala. Napunasan ko na naman siya."
Hindi niya alam kung bakit parang nag-uusisa ang paningin ni Joseph sa kanya. Bigla ay nailang siya sa mga tingin nito kahit na pareho silang lalaki.
"Pinunasan mo?"
At biglang nanlaki ang mga mata niya sa tanong ng lalaki. "Ah! I-I mean ni Aling Pacita. Pinainom ko na rin siya ng gamot. P-Pinakain ko ng almusal muna." Hindi niya alam kung bakit bigla siyang natarantang magpaliwanag sa talagang nangyari.
Ngumiti naman ito sa kanya na parang natatawa pa sa pagkataranta niya. "Alam ko namang aalagaan mo siya kahit mukha kayong aso't pusa. Mapang-asar lang tayo pero hindi tayo pabaya."
Natulala naman siya sa sinabi ng huli. Mukhang may ibig sabihin iyon pero hindi na lang niya inintindi.
"Mauna na ako. Bantayan mo si Janelle," paalam nito.
Tumango-tango siya. Palabas na sana ito ng kanyang kwarto nang bigla silang napahinto ng isang kalabog mula sa kabilang kwarto. Sabay pa silang nagkatinginan. Pero hindi niya alam kung bakit kusang tumakbo ang mga paa niya patungo sa kwarto ni Janelle. Muntik pa niyang mabunggo si Joseph sa kanyang pagmamadali.
At ganoon na lang kabang naramdaman niya nang tumambad sa harap niya si Janelle na walang malay sa sahig nang buksan niya ang pinto ng kwarto nito. Mabilis na pinuntahan niya ang dalaga at iniangat ang ulo nito sa kanyang bisig.
"Janelle?!" tawag niya rito. Nakita naman niya si Joseph na nag-aalala rin sa nangyari. "Janelle!" Pilit niyang ginigising ang dalaga pero hindi ito nagpapakita na gising ito. "Dalhin natin siya sa ospital!" Mabilis na binuhat niya ang dalaga palabas ng kwarto.
"Dun sa kotse. Ihahatid ko kayo," kusa ni Joseph at mabilis na binuksan ang back seat ng sasakyan.
Napuno ng pag-aalala ng puso niya sa buong biyahe nila. At halos takbuhin niya ang emergency room. Sinalubong naman sila ng mga nurse at kinuha si Janelle ng mga ito.
"Nawalan siya ng malay! Mataas ang lagnat niya kaninang umaga! Napainom ko lang siya ng gamot para sa pampababa ng lagnat," aniya sa nurse na nag-interview sa kanya.
Halos hindi naman siya mapakali habang tinitingnan ng mga doktor si Janelle. Nakaupo lang sa waiting area si Joseph. Tinawagan naman ng huli ang asawa para sabihin ang nangyari. Lumapit sa kanya si Joseph at hinawakan siya sa kanyang balikat.
"Magiging okay rin si Janelle. Huwag ka masyadong mag-alala," pagpapalaks ng loob nito sa kanya.
Kagat naman ang mga labing napatungo siya sa sinabi ni Joseph pero hindi pa rin siya napaupo at paikot ikot sa labas ng emergency room.
"Tatawagan ko lang si Papa," paalam ni Joseph at lumabas na ito ng ospital.
Naiwan naman siyang hindi mapakali at balot pa rin ng takot dahil sa nangyari sa dalaga. Laking pasalamat na lamang niya at dumating ang asawa ni Julianne at naihatid nila agad sa ospital ang dalaga.
"Ethan?"
Marahas naman siyang napalingon sa tumawag sa kanya. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan nang magtama ang mga mata nila. Lumapit ito sa kanya at kitang-kuta niya ang pag-aalala sa mga mata nito nang makita siya.
"Anong ginagawa mo rito?"
Bigla ay pakiramdam niya ay hinahabol na niya ang kanyang hininga. Naikuyom niya ang mga kamao at napahawak na siya sa kanyang dibdib. Isa-isa namang nagsibagsakan ang mga luha niya mula sa mga mata.
"Kalma! Ethan, kalma!" sigaw nito sa kanya. "Okay lang 'yan. Inhale! Exhale!"
"Isaac!" tawag niya rito. Napahawak siya sa braso ng lalaki at pilit pinipigilan ang sarili. "Si Janelle sinugod ko dito sa ospital!"
"Janelle? Sinong Janelle?"
Hindi na siya nakasagot kundi ay napasabunot na siya sa kanyang buhok at pilit kinukuyom ang mga kamao. Unti-unti naman siyang napaupo sa harap ni Isaac. Hinawakan siya ng huli sa kanyang balikat.
"Ethan, makinig ka sa akin," kalmado lang ang boses ni Isaac sa kabila ng nangyayari sa kanya.
Tumango-tango siya. Sa ganitong sitwasyon, si Isaac lang ang masasandalan niya.
"Kalma, okay?" anito. "Inhale, exhale."
Sinunod niya ang sinabi nito. Pilit niyang pinakalma ang sarili. Binubukas-sara niya ang mga palad. At pilit humihinga ng maayos gamit ang bibig.
"Janelle will be fine. No need to worry," pagpapakalma nito sa kanya.
Tumango-tango siya. Humawak siya sa balikat nito. Isang inhale at exhale pa ang ginawa niya at pakiramdam niya ay maluwag na ang paghinga niya. Tinulungan siya nitong makaupo sa isa sa mga upuan sa waiting area. Nang masiguradong maayos na ang paghinga niya ay naipunas naman niya ang sariling palad sa luhang bumagsak sa pisngi niya kanina.
"Are you okay?" nag-aalalang tabong ni Isaac.
Tumango-tango siya. "Salamat."
"Huwag ka masyadong mag-alala. Iba nag nagiging epekto sa'yo kapag masyado kang nag-iisip," paalala nito sa kanya.
Tumango lang siya ulit. "Sorry."
"Sino si Janelle? Girlfriend mo?"
Bigla ay nagulat siya sa tanong ni Isaac. Umiling-iling siya.
"Nililigawan?"
Umiling ulit siya.
"Hindi siya basta kung sino lang sayo. Hindi ka magkakaganyan kung wala lang."
Hindi siya nakapagsalita sa huling sinabi ni Isaac. Hindi rin naman niya alam ang dapat sabihin.
"Be careful. Simula nang umuwi ka dito sa Pilipinas, hindi ka dumadaan sa clinic ko. Tapos ganito pa unang pagkikita natin. Dalasan mong dumalaw sa clinic ko o ako ang pupunta sayo."
"Sige na. Sige na," pigil niya rito. "Pupunta na ako."
"Good."
Napabuntong-hininga na lamabg siya. Hindi rin niya alam kung bakit bigla siyang inatake ngayon. Ang akala niya ay nakontrol na niya ang sarili. Nang dahil lang sa lagnat ni Janelle ay bigla siyang magkakaganoon ulit. Nawawalan na naman siya ng kontrol sa sarili.
BINABASA MO ANG
BOOK 3: Janelle, The Brave Princess [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #3: Janelle, The Brave Princess "Kapag nagkita ulit tayo pagkalipas ng ilang taon at puwede na, papakasalan kita." Halos gabi-gabing ginagambala si Janelle ng pangako sa kanya ng isang batang lalaking hindi man lang niya...