Chapter 15

2.7K 69 1
                                    

KAGAT-LABING napatitig si Janelle sa signboard na nakasabit sa pinto sa harapan niya. Hindi niya lubos maisip na makikita niya ang sarili sa lugar na iyon matapos niyang makausap ang kanyang kapatid. Hindi na niya napansin na doon na pala siya dinala ng kanyang mga paa.

Janelle, you just want to know the truth, okay?

Dr. Isaac Panganiban
Psychiatrist

That's what written on the signboard. Hindi naman niya mapigil ang mga dagang nagsisitakbuhan sa dibdib niya. Kanina pa siya binabalot ng kaba.

Napabuga pa siya ng isang malalim n paghinga bago naglakas-loob na pinihit ang sedura ng clinic at binuksan iyon.

"Jen, can you please get the record of Ethan Marquez?"

Bumakat naman ang pagtataka sa mukha niya nang marinig ang pangalan ni Ethan. Hindi pa siya napapansin ng doktor. Inakala siguro nito na siya si 'Jen' na pumasok sa clinic. Nang hindi siya kumikilos ay napaangat na ng ulo ang doktor at laking-gulat nito nang makita siya. Napatayo pa ito sa kinauupuan.

"Janelle?!" tawag nito sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?"

"May record sa'yo si Ethan?" tanong niya imbes na sagutin ang doktor.

Hindi naitago ng doktor ang pagkataranta sa tanong niya. "Ah. A-Ano. W-Wala. A-Ano bang ginagawa mo rito?"

Hindi na lang niya inintindi ang narinig. Mas may kailangan siyang malaman mula sa doktor. "Nalaman kong magkaibigan na kayo ni Ate Julianne since elementary."

Nakita naman niyang nagkunot ng noo ng doktor. "Oo. Bakit?"

Bigla naman siyang napakagat labi. Tama ba itong ginagawa ko? Ako pa ang talaga ang mag-uumpisa?

"Wala ka bang naaalala fifteen years ago?"

Mukhang nagtaka lang ito sa sinabi niya. "Fifteen years ago?"

Hinanap ng mga mata niya ang larawan ng batang lalaki sa table nito pero nawala na. "'Yung batang lalaki sa picture last time, ikaw ba 'yon?"

Saglit na nag-isip ng doktor at parang inaaalala ang picture. "Ano ba talagang kailangan mo? Bakit ang dami mo namang tanong? Ano naman sa'yo kung ako nga iyon?"

Sinungaling talaga ang Ethan na 'yon!

"Wala ka bang naaalala? Fifteen years ago? Birthday ni Ate Julianne?"

Saglit na tinitigan siya ng doktor. Nakita niyang ngumiti ito kaya lumakas ang pakiramdam niya na baka naaalala na nito ang pinangako sa kanya.

"Wala."

At biglang bumagsak ang balikat niya sa sinabi ng doktor. Napapikit pa siya sa sinagot nito at pinipigilan ang sarili na suntukin ang kaharap.

Paasa!

"Nagkita tayo sa birthday party ni Ate Julianne. May sinabi ka sa akin. Hindi mo maaalala?" Kulang na lang ay banggitin niya ang binitiwan nitong pangako sa kanya.

Umiling-iling ito. "Alam kong may kapatid si Julianne. Pero wala akong maalala na nagkita tayo sa birthday party niya."

"Imposible!"

"Posible," biglang tugon nito. "That's fifteen years ago, Janelle. Ilang taon palang tayo n'on? Pito? Walo?"

"So, wala lang 'yon?" Hindi naman niya alam kung bakit bigla siyang nasaktan sa sinabi ng doktor. Ilang taon kang gumagambala sa panaginip ko! Tapos sasabihin mo hindi mo maalala?!

"Ano ba kasi 'yon?" usisa ng doktor. "Sabihin mo sa akin para maalala ko."

"Wala kang kwenta!"

"Excuse me?"

Bigla naman niyang natutop ang bibig ng sariling palad. Hindi na niya nakontrol ang sarili at kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig niya.

"I-I mean... S-Sorry..."

Napabuntong-hininga na lamang ang doktor. "I understand. Psychiatrist ako. I study human behavior. Siguro, napakaimportante sa'yo ng nangyari fifteen years ago but I swear hindi tayo nagkita kahit ilang birthday party pa ni Julianne ang nangyari. Ni anino mo hindi ko kilala."

Nanghihinang napaupo siya sa harap ng doktor. Parang nawala bigla ang lahat ng pag-asa niya na makita na ang batang lalaki sa panaginip niya. Ramdam na rin niyang may namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Lumapit sa kanya si Isaac at napaupo sa kanyang harapan. "I don't mean to offend you, Janelle. Kung gusto mo tutulungan kita. Sabihin mo sa akin ang case mo. Alam kong may gumugulo sa'yo. Alam ko ang kilos ng mga taong may gumagambala sa isip at nakikita ko sa'yo 'yon."

Hindi na niya napigilang mapaluha sa harap ng doktor. Hindi na niya ata kayang umasa pa na makikita ang batang lalaki.

"He promised me that he will marry me."

Nagulat naman siya nang biglang mapatayo ang doktor pagkatapos niyang sabihin iyon. Tiningala naman niya ang doktor. Nakita niyang napakamot ito sa batok at parang natataranta.

"I know. So, lame. Pero gabi-gabi kasi siyang gumugulo sa isip ko. Laging bumabalik sa alaala ko ang tagpong iyon sa garden. Pero hindi ko na maalala ang mukha niya. Nang makita ko ang larawan sa table mo noong isang araw, nakilala ko ang ngiti niya. Oo. Fifteen years tumatak sa isip ko 'yung sinabi niya. Kapag nagkita ulit kami at puwede na, papakasalan niya ako."

Umupo ulit ang doktor at napabuntong-hininga na lamang.

"Parang hindi makatotohanan, no?" Alam niyang nasa modernong panahon na sila at parang sinauna na ang nga ganoong kwento.

"Hindi naman," anito.

"Hayaan mo na. Baka nga hindi na kami magkita ulit. Kinukulong ko lang sarili ko sa nakaraan."

Tumango-tango ang doktor.

"Mauna na ako," paalam niya sa doktor. Lalabas na sana siya nang may bigla siyang naalala. Humarap siya sa doktor at tiningnan ito sa mga mata.

"Bakit?"

"Nalaman kong magkapatid kayo ni Ethan."

Hindi niya nakitang naguat ito. Parang normal lang dito ng sinabi niya.

"Tapos?"

"A-Ah. Wala lang. Nabanggit lang ni Ate Julianne," hindi niya alam kung bakit natakot siya nang magseryoso ito ng mukha.

"Okay."

"Okay," hinawakan na niya ng sedura ng pinto nang bigla siyang tawagin ulit ng doktor.

"Get this," ani ng doktor.

Tinitigan niya ang maliit na papel na inaabot ng doktor. Kinuha niya iyon. "Calling card?"

Tumango ito. "If something happen, call me. ASAP."

Kahit nagtataka ay tumango-tango nanlamang siya sa sinabi ng doktor. "Okay, thank you."

Ngumiti na lamang sila sa isa't isa at lumabas na siya ng clinic ni Isaac at takang tinitigan ang calling card ng doktor.

Dr. Isaac Panganiban
Psychiatrist
+63965********
St. Peter's Medical Center

"Panganiban?" sambit niya sa apelyido ng doktor. Hindi niya alam kung bakit biglang lumihis sa isip niya ng mukha ni Ethan. Kunot-noong binubura niya ang gumugulo sa isip niya. Hindi ngayon ang oras para maging chismosa siya.

BOOK 3: Janelle, The Brave Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon