"NAPANAGINIPAN KO noong isang araw 'yung nangyari sa akin bago ako nagkasakit."
Napasandal si Janelle sa kanyang office table nang magsalita sa kanyang likuran si Ethan. After ng presentation ay dumiretso sila sa kanyang office. Inayos niya ang mga ginamit sa presentation.
Lumingon naman siya sa binata na nasa harap na pala niya at nakapamulsa pa. Mahahalata naman ang pag-aalala sa mukha niya sa sinabi ng binata. "O-Okay ka lang? H-Hindi ka ba inatake?" Napahawak siya sa mga braso nito hanggang sa kamao nito. Tiningnan niya iyon at napasalamat naman siya nang wala siyang nakitang benda.
"Wala. Okay naman. Nasa clinic ako ni Isaac noong nangyari iyon," hinawakan nito ang mga kamay niya.
"Sa clinic ni Isaac? Anong ginagawa mo roon?" usisa niya.
Ngumiti muna ito bago sumagot. "Tinutuloy ko 'yung session ko. Positive naman 'yung reactions ng body ko. Nakokontrol ko na ang emotions ko. Hindi na ako inatake noong maalala ko."
Lumuwag naman ang paghinga niya sa binalita ng binata. Napahigpit na rin ang pagkakahawak niya sa kamay ng binata.
"Tinakot kasi ako ni Isaac, e," sabay hawi ng bihok niya at inipit nito sa likod ng kanyang tainga.
Napakunot naman siya ng noo. "Ano namang sinabi niya?"
"Ibabalik niya raw ako sa States kapag nagtuloy-tuloy ang low moods ko."
Naging seryoso naman ang mukha ng binata na kinakaba niya. "Pumayag ka?"
Laking pasalamat niya nang umiling-iling si Ethan. "S'yempre, hindi. Hindi pa nga kita napapakasalan, e."
"E, bakit parang ang lungkot mo?" Napansin niya ang pagkawala ng sigla sa boses nito.
Nakagat nito ng ibabang labi. "Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang kontrolin ang sarili ko. Baka masaktan ulit kita."
Kusang gumalaw ang mga kamay niya at niyakap niya ang binata. "Tutulungan kitang makontrol mo ng emosyon mo kahit masaktan pa ako, hindi kita susukuan hanggang sa gumaling ka na nang tuluyan."
Naramdaman niyang binalik nito ang mga yakap sa kanya at siniksik pa nito ng mukha sa balikat niya. Napasandal tuloy siya sa office table niya.
"Pinatay ang mga magulang ko sa mismong harapan ko ng mga sindikatong nagnanakaw ng mga mamahaling bagay sa mga mayayamang tao. Nasaksihan ng mga magulang ko ang ginagawa nila. Nalaman rin ng ama ko ang hide-out nila. Sinumbong sila ng mga magulang ko kay Governor De Alegre na sa mga panahon na iyon ay mainit ang mga mata sa mga sindikatong 'yon. Nabalitaan ko na lang na nakatakas sila at nagtago na. Inampon ako nila Tita Isadora at Tito Paolo na mga magulang ni Isaac at naging magkapatid kami. Dinala nila ako sa Amerika para makalimot. Habang dinadala ko ang alaala ng gabing iyon, hindi pa rin sila nakukulong. Hanggang sa ma-diagnosed ako ng bipolar disorder dahil nagwawala ako tuwing nagagalit ako. Hindi ko nakokontrol ang sarili ko. Dahil doon, nagawang piliin ni Isaac na mag-aral ng psychology to help me. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya."
Mas lalo niyang nahigpitan ang pagkakayakap sa binata. Alam niyang sa kanya humuhugot ng lakas ng binata para hindi ito atakihin. Ramdam niya ng pagpipigil nito sa sarili.
"Five years ago, nabalitaan na lang namin na napatay sa shoot out ang sindikato na pumatay sa mga magulang ko. Napatay sila ng mga tauhan ng ngayo'y Senator De Alegre na. That time, I felt the justice I was hoping for my parents. Akala ko okay na ako. Hindi na ako inaatake. But when I came here, bumalik ang lahat. That night, I was mesmerized of the strong rain. Siguro, naalala ko lang na gabing maulan rin iyon kaya lumabas ako. I am thankful na sinundan mo ako. Thank you."
Naramdaman niyang mas humigpit pa ang pagkakayakap nito sa kanya. "You can fully recover from that. Naniniwala akong magiging okay ka na dahil nababalikan mo na ang lahat ng nangyari. Nakukwento mo na ang nangyari ng hindi ka inaatake. Finally, you can overcome it."
Nanatili silang sa ganoong posisyon. Kahit hindi sila nagsasalita ay ramdam nila ang pagmamahal para sa isa't isa. Nandoon sa kanyang puso na hinding-hindi niya iiwan ng binata sa laban nito. Mananatili siya sa tabi nito hanggang sa kaya na nitong makontrol ang sarili.
BINABASA MO ANG
BOOK 3: Janelle, The Brave Princess [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #3: Janelle, The Brave Princess "Kapag nagkita ulit tayo pagkalipas ng ilang taon at puwede na, papakasalan kita." Halos gabi-gabing ginagambala si Janelle ng pangako sa kanya ng isang batang lalaking hindi man lang niya...