MAGHAPON LANG inabala ni Janelle ang sarili sa pagre-research para sa binigay na project sa kanya, sa kanila, ng kanyang ama. May mga napili na siyang theme na puwede niyang gamitin para sa advertisement proposal na ibibigay niya sa ama.
"Hindi ka pa rin ba tapos? Uwian na."
Bigla naman siyang napatingin sa kanyang likuran. Napangiti siya nang makita niya ang kanyang kapatid.
"Tinatapos ko lang 'tong research para sa advertisement," aniya.
Umupo ang kanyang ate sa kanyang tabi. "Hindi mo kailangang gawin 'yan mag-isa. May kasama ka, 'di ba?"
Napasimngot siya nang makita sa isip ang mukha ni Ethan. "E, baka kasi hindi lang siya makatulong. Guluhin niya lang ko."
"I know Ethan," ani ng ate niya. "Maloko. Makulit. Pasaway. Kaya siguro 'yan pinaampon muna kay daddy para matutong mamahala ng kumpanya. Pero malaki takot niyan kay daddy. Lagi kasing napagsasabihan noong maliliit pa kami."
Bigla naman siyang napatingin sa kapatid. "Noong maliliit pa kayo?"
Tumango-tango ng Ate Julianne niya.
"Bakit parang hindi ko siya matandaan?" takang-tanong niya sa kapatid.
Pero natawa lang ito sa kanya. "E, paano, hindi ka naman lumalabas ng k'warto mo tuwing may okasyon sa bahay at naghahanda dati sila mommy at daddy."
Napanguso na kang siya sa sinabi ng kapatid. Tama rin naman ng ate niya. Hindi nga siya mahilig makihalubilo sa mga bisita nila dati.
"Maligpit ka na d'yan. Uwian na. Hahatid ko kayo. Maghihintay ako sa lobby."
"Sige," aniya. Pagkatapos ay lumabas na ang kanyang kapatid sa kanyang opisina. Mabilis na inayos niya ang kanyang gamit at kinuha ng kanyang bag saka dumiretso ng looby.
Pagdating niya sa loob ay nakita niya ang kanyang Ate Julianne kaya agad na lumapit siya rito. Hindi naman na siya nagulat nang bigkang sumulpot sa kanyang likuran si Ethan.
"Tara na?" aya niya sa kanyang ate.
"Hello, everyone!"
Nanlaki naman ang mga mata niya nang makilala ang bagong dating. Nagawa pa nitong itaas ng mga kamay na parang yayakapin silang lahat. Pero natawa na lang siya nang bigla nitong yakapin ang ate niya at kintilan ng halik sa noo.
"Hindi ko na kayo maiihahatid, Janelle, Ethan," ani ng ate niya na kinalaki ng mga mata niya.
"What?" takang tanong niya rito.
"Siya nga pala, Ethan, this is Joseph, my husband. Love, si Ethan, childhood friend ko. Inaanak ni daddy. Dito na siya nagwowork," pakilala ng ate niya sa dalawang lalaking nasa harapan nila.
Napangisi na lang siya nang makita na parang gulat na gulat si Ethan nang makilala ang asawa ng ate niya. Kung hindi lang siya chismosa, nagpagkamalan na niya si Ethan na may gusto sa ate niya.
"Hello, pare, nice to meet you!" masiglang bati ni Joseph kay Ethan habang nagyaya ng shakehands na tinanggap naman ng huli.
"Nice to meet you, too," si Ethan.
"Hindi ko na kayo maihahatid. Sasabay na ko kay Joseph. Gamitin niyo ang kotse ko," ang Ate Julianne niya.
Lumawak naman ang ngiti niya sa sinabi nito. "Talaga?!"
"Si Ethan ang magda-drive."
"Ate?!" gulat na tawag niya rito.
"Gusto ko lalaki ang magda-drive. Janelle, huwag makulit."
Napairap na lang siya nng tanggapin ni Ethan ng susi ng kotse ng ate niya. "Pinagkakaisahan niyo ako ni daddy!"
"Ay sus! Ang baby girl ko, nagtampo," sabay hawi sa buhok niya na tinabig naman niya.
"Baby girl," biglang tawag sa kanya ni Joseph. "Huwag makulit."
"Tse!" sigaw niya sa asawa ng ate niya pero tinawanan lang siya nito.
"Pare, ingatan mo ng baby girl namin," biglang baling ni Joseph kay Ethan.
"O-oo," sagot naman ng huli. "Makakaasa kayo."
"Good," nakipag-fist bomb pa si Joseph kay Ethan. "O, sige, mauna na kami ni My Love ko, ha."
"Sige, sige, salamat," si Ethan.
"Janelle! Huwag makulit," si Ate Julianne niya.
"Pare, ingat ka, ah! Nangangagat 'yan!"
Pinanlakihan naman niya ng mga mata si Joseph sa huling sinabi nito kay Ethan. Sinundan na lang niya ng tingin ang kotse ni Joseph na dumaan sa harapan nila.
"O, siya, tara na!"
Pero inirapan niya lang si Ethan sa yaya nito at sa halip ay iniwan niya ito at dumiretso sa parking lot ng Ramirez Empire.
Bwiset!
BINABASA MO ANG
BOOK 3: Janelle, The Brave Princess [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #3: Janelle, The Brave Princess "Kapag nagkita ulit tayo pagkalipas ng ilang taon at puwede na, papakasalan kita." Halos gabi-gabing ginagambala si Janelle ng pangako sa kanya ng isang batang lalaking hindi man lang niya...