Chapter 16

2.8K 72 0
                                    

NAABUTAN NI Ethan si Janelle na busy habang kaharap ang laptop sa sala. Lumapit siya rito at naupo sa kaharap nitong sofa. Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Abala pa rin itong nakaharap sa laptop.

"Saan ka galing?" wala sa sariling natanong niya rito.

Saglit naman siyang nitong tinapunan ng tingin pero binalik rin sa screen ng laptop. "Kay ate."

Napatungo na lamang siya. "Ahm."

"Bakit?" usisa nito. Nahalata siguro nito ang pagkabalisa niya. "Okay ka lang?"

Nakagat niya ang kanyang labi. "I just want to say sorry for what happened yesterday."

"Okay lang. Naging masyado rin akong pakilamera."

Tumango-tango siya.

"Ayos na 'yung project natin. Kahit papaano nakikita ko na future natin."

Bigla naman siyang natulala sa sinabi ni Janelle. Hindi namn niya alam kung bakit iba ang pumasok sa isip niya. Bumalik naman sa realidad ang utak niya nang batuhin siya nito ng throw pillow.

"I mean 'yung project natin!" pagtatama nito.

"Bakit? Ayaw mo ba?" wala sa isio na tanong niya.

Tinitigan naman siya ni Janelle. Parang hinahanap nito ng joke sa sinabi niya. Natawa naman siya sa sariling kalokohan. "Joke lang."

Tinuon ulit ni Janelle ang tingin sa screen ng laptop. Pinagmasdan niya lamang ito habang busy sa ginagawa.

"Uy, nalaman ko nga pala..."

Halos ilang segundo pa silang nagkatitigan. Nahahamigan niyang nagdadalawang-isip ang dalagang magsalita.

"Anong nalaman mo?"

Napalunok naman ito nang magtanong siya. Iniba rin nito ang tingin na para bang iniiba na lang ang usapan. "W-Wala."

"Ano nga?"

"Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin. Parang wala na rin naman akong karapatan."

"Spill it."

Napakagat-labi muna ito bago magsalita. "Magkapatid pala kayo ni Isaac?"

Natulala naman siya sa sinabi nito. Hindi niya inaasahan na malalaman nito ang katotohang iyon sa kanilang dalawa ni Isaac. "Paano mo nalaman?"

"Kay Ate Julianne," sagot nito. "Nabanggit niya. Kaibigan niya si Isaac."

Bigla niyang naiwas ang mga mata dito. "Magkaibigan nga sila."

"Alam mo rin?" takang tanong ni Janelle.

Tumango siya. "Oo."

Hindi niya alam kung bakit parang tinititigan siya ni Janelle na parang inuusisa siya. "Naka-attend ka ba ng mga birthday parties ni ate dati?"

Hindi naman niya inaasahan ang naging tanong nito. Hindi agad siya nakasagot.

"Inaanak ka ni daddy so it means lagi kang imbitado sa birthday party ni ate. At isa pa, laging imbitado si Isaac. Syempre kasama ka rin dapat."

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan sa mga sinabi ni Janelle. Pakiramdam niya ay may pinupunto ito. Wala sa sariling napatayo siya. Akmang hahakbang na siya palapit sa hagdan pero nahawakan siya ni Janelle sa braso niya.

"Ikaw 'yung batang lalaki?"

At napaatras siya nang wala sa oras sa tanong ng dalaga. Hindi naman niya alam kung paano tatakas sa mapanuring mga mata nito.

"Ikaw 'yung batang lalaki?" ulit nito. Nanlaki naman ang mga mata niya nang bigla siya nitong hawakan sa magkabilang braso niya. "Ikaw 'yung batang lalaking 'yun, 'di ba? Alam kong alam mo kung anong ibig kong sabihin!"

"Janelle," hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa kaliqng braso niya para sana tanggalin pero mukhang hindi siya nito papakawalan.

"Aminin mo na!"

"H-Hindi," ngarag ang boses niya. "H-Hindi ako 'yun."

Nakaluwag naman siya ng paghinga nang bitawan siya ng dalaga pero bigla naman siyang inusig ng konsensya nang makita niyang may lungkot sa mga mata ng dalaga.

"Janelle."

"It's okay."

Sinubukan niyang hawakan si Janelle pero umilag ito. Nakita niyang nagbuntong-hininga ito.

"Bakit kaya gan'un?"

Kahit nagtataka ay nakinig lang siya sa sasabihin ng dalaga. Alam niyang may gusto itong sabihin.

"Babalikan niya kaya ako?"

"Sino?"

"'Yung batang lalaki."

Nakaramdam siya ng kaba sa puwedeng patunguhan ng pag-uusap nila ni Janelle. Alam niyang may pinupunto ang mga salita nito. "A-Ano bang meron sa b-batang lalaking 'yon?"

Umiling-iling si Janelle. "Broken promise."

Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng sakit sa sinabi ni Janelle. Pakiramdam niya ay para sa kanya ang mga salitang iyon.

"He promised that he would come back and marry me."

Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ni Janelle. Hindi niya alam kung para saan ang takot na naramdaman niya. Hindi niya alam kung saan galing ang ideyang ikakasal ang dalaga sa ibang lalaki.

"Pero hindi na rin naman ata siya babalik. Ni pangalan nga niya hindi man lang niya binigay. Alam mo, kakalimuta---"

Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng takot sa sasabihin ni Janelle at kusang gumalaw ang mga kamay niya para kabigin ito at ikulong sa mga bisig niya. Mahigpit ang pagkakayakap niya rito at nagawa pa niyang isiksik ang ulo sa balikat nito.

"E-Ethan?" tawag ni Janelle sa kanya sa pagitan ng yakap niya. "O-Okay ka lang?"

Hindi siya nagsalita. Hindi rin niya alam ang dapat sabihin. Basta ang gusto niya lang ay manatili si Janelle sa tabi niya. Nandoon ang pakiramdam na hindi dapat nito kalimutan ang pangako ng batang lalaki.

HINDI NAMAN maintindihan ni Janelle kung bakit ganoon ng naging reaksyon ni Ethan. Sinubukan man niyang makawala sa mga yakao nito pero mukhang hindi talaga siya nito papakawalan ng ganoon-ganoon lang.

"Ethan," tawag niya ulit.

Mukhang nakabalik na ito sa huwisyo at pinakawalan na siya. "S-Sorry."

"Okay ka lang?" aniya nang pakawalan na siya nito.

Tumango-tango naman ang binata. "O-oo. P-Pasensya na."

"Sige," aniya. "Balik na tayo sa work."

Hindi na niya inantay na sumagot pa ang binata. Bumalik na agad siya sa sofa at inabala ang sarili sa harap ng laptop.

Hindi naman niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng awkwardness sa biglang pagyakap ni Ethan sa kanya kanina. Hindi rin naman niya alam kung bakit parang nagustuhan niya ang ginawang iyon ng binata.

Kalma, Janelle! Yakap lang 'yon! Haler!

BOOK 3: Janelle, The Brave Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon