Makalipas ang isang buwan...
Isang buwan na. Isang buwan na simula no'ng huli kaming mag-usap ni Zach. Last naming pag-uusap ay no'ng pumunta siya sa classroom namin at sinabi na plano na niyang umamin sa nararamdaman niya para kay Angela.
Flashback:
"I forgot to tell you. I'm planning to confess my feelings for her and if she would let me, I'll court her." sabi niya dahilan para ma-estatwa ako sa kinatatayuan ko. Tila namanhid ang mga paa ko kaya hindi ko alam kung pa'no humakbang papalayo sa kaniya. Hindi kaagad naproseso sa utak ko ang sinabi niya. Nang maka-recover ako ay tumayo ako nang tuwid. Bakit ako nagkakaganito? E'di kung aamin siya, e'di umamin. Pero bakit, parang pinipiga ang puso ko? Bakit parang....nasasaktan ako?
"If you want to court her, go on. I don't want to interfere with your decisions. It's your life, not mine. You can do whatever you want to do. I won't stop you. If you really want to do it, then go," sabi ko sa kaniya. Hinintay ko siyang magsalita pero wala e. Hindi ko siya narinig na magsalita. Huminga ako ng malalim. "This is the right time, don't waste it. You might regret it. You may go now. I have something to do." sabi ko habang nakatalikod sa kaniya at nagsimula nang maglakad papunta sa kinaroroonan ng upuan ko. Nang makarating ako sa upuan ko ay napahilamo ako ng aking mukha gamit ang aking mga palad. 'Yon naman talaga ang gusto kong sabihin e. Pero bakit ang bigat sa dibdib? Bakit ang sakit? Bakit parang unti-unting nawawasak ang puso ko?
(End of Flashback)
That was the last time I talked to him. Simula no'n, umiwas na ako sa kaniya. Sa tuwing walang pasok, palagi akong maagang umaalis at pumupunta sa iba't - ibang lugar na pwede kong mapuntahan para makapag-isip-isip. Dala-dala ko lang 'yong camera ko sa tuwing umaalis ako. Palagi akong maagang nagigising para hindi ko siya maabutan. Palagi kasi siyang pumupunta sa condo unit ko sa tuwing wala kaming pasok. Pinagluluto pa nga niya ako ng pagkain e.
Sa tuwing may pasok naman, maaga akong nagigising para makapasok kaagad nang maaga sa school para hindi kami magkasabay sa pag-alis ng condo. Sa tuwing uwian naman, magsasabi palang 'yong prof namin ng "Class dismissed", agad-agad kong hinahakot kaagad ang mga gamit ko at tatakbo palabas ng campus namin. Tapos kapag nakauwi na ako sa condo ko, kumakain ako kaagad at gagawa ng assignments, projects, etc. at matutulog kaagad. 'Yon na ang naging gawain ko simula no'ng time na huli kaming nag-usap. But he didn't bother to approach me na, kasi todo iwas talaga ako. Sa tuwing makikita ko siyang papalapit na sa direksiyon ko habang hindi nakatingin sa akin ay iniiba ko ang daan ko. And everytime I see him, he's always with Angela. Palagi nga silang masaya e. You can really see in their eyes that they're really happy when they are together. Those twinkle in their eyes says it all.
Napahinto ako sa paglalakad at tumingala sa kalangitan. Nagsisimula nang sumikat ang araw. Oo, pasikat palang ang araw dahil maaga nga akong pumapasok para hindi kami magkasabay o magkita ni Zach. Me, avoiding him? I'm really avoiding him.
Saglit ko lang tiningnan ang kalangitan at tumingin nang diretso sa nilalakaran ko. Napabuntong-hininga muna ako bago magsimulang maglakad ulit. Konti palang ang mga estudyante, siyempre ang aga pa kaya. Maglalakad na sana ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko!
"Abi!" narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Pamilyar na boses ---- at isa lang ang tumatawag sa akin ng 'Abi'. Napalingon ako sa likod ko at nakita kong papalapit na sa kinaroroonan ko si Zach. Oh My God! What am I going to do?! Help me! How can I escape?!
Nataranta ako. Lumingon-lingon ako sa paligid at tumingin kung saan ako pupunta. Sobrang bilis na ng pintig ng puso ko! Bahala na!
Tumakbo ako nang mabilis. Bahala na kung saan ako dadalhin ng mga paa ko as long as matakasan ko si Zach. "Abi! Wait!" narinig kong sigaw niya ngunit hindi ko siya nilingon. Hindi ako tumigil at dere-deretso lang ako ng takbo. "Abi!" tawag ulit niya sa akin. Lumingon ako saglit at nakita ko siyang tumatakbo rin papunta sa kinaroroonan ko. Wah! Tumingin uli ako sa dinaraanan ko at binilisan pa ang takbo ko. Mukha akong hinahabol ng mga pulis dahil nagnakaw ako. Kasi naman e.
Lumiko ako sa may isang building at nagpahinga. Hohh! Kapagod. Bakit ba kasi ako tumakbo? 'Yan tuloy pinagpawisan ako. Ang baho ko na nito. Papasok pa naman ako. Bakit ko ba kasi siya iniiwasan? Ewan ko! Hindi ko alam kung ano na nangyayari sa akin.
Ilang minuto ang nakalipas ay naisipan kong umupo nalang muna sa may damuhan upang makapagpahinga. Kapagod kaya tumakbo nang mabilis. 'Yong puso ko, mabilis pa rin ang pagtibok dahil sa pagtakbo ko. Kinuha ko nalang muna sa bag ko 'yong cellphone ko at naglaro nalang muna ng games. Mamaya pa naman class ko e. Dito nalang muna ako baka kasi magkita nanaman kami tapos lapitan niya ako. Ayoko nga 'no! Pero teka, bakit hindi sila magkasama ni Angela? Bakit, ang aga niya ngayon? Sinadya niya bang pumasok nang maaga para makita niya ako? Para magkita kami? Para kausapin niya ako?
Huwag kang umasa. Masasaktan ka lang. Sabi ng isip ko. Tama. Bakit naman ako aasa na maaga siyang papasok para lang magkausap kami?
Ilang minuto ang nakalipas ngunit naglalaro pa rin ako sa cellphone ko. Ang ganda ng games. Nakaka-adik. Sana siya, ma-adik sa akin. Dejoke lang.
"Pssst." rinig ko mula sa isang building kaya napahinto ako sa paglalaro sa cellphone ko.
"Pssst." narinig ko nanaman galing sa isang building. Nanindig ang mga balahibo ko. Kinuha ko ang bag ko at tumayo. Nakakatakot. May multo ba rito? Bakit kasi dito ko naisipang tumambay?
"Pssst." nanginginig na ako sa takot. Bibilang na talaga ako. Nakakatakot na.
Isa. Dalawa. Takbo!
Tumili ako. I need someone right now! Damn this! Tumakbo ako nang mabilis at do'n dumaan sa dinaanan ko kanina. Can someone help me please?
Tumakbo ako nang tumakbo nang bigla akong mabunggo sa isang tao. Matigas ang katawan nito kaya alam kong lalaki 'to. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit. Bahala na. I need him! He needs to save me!
"Save me. Please. May multo. Ilayo mo ko rito." sabi ko sabay tili. Nagpapadyak pa ako. Katakot talaga. Sa susunod, hindi na talaga ako pupunta doon. Mukha akong isip bata. Psh.
I heard him chuckle. "Hanggang ngayon pa rin pala Abi, takot ka pa rin." sabi ng pamilyar na boses ng isang lalaki at natawa pa dahilan para mag-angat ako ng tingin. Nagtama ang mga mata namin at naramdaman kong lumuluwag na ang pagkakayakap ko sa kaniya. Lumayo ako sa katawan niya at tiningnan lang siya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Bakit sa dinami-rami ng makakabunggo ko ay 'yong taong iniiwasan ko?
Nang mabalik na ako mula sa pagkaka-estatwa ay nagsimula na akong maglakad. Dumaan ako sa gilid niya at nilagpasan lang siya. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay nagsalita siya.
"Why are you avoiding me, Abi?" tanong niya sa akin. Bakas ang lungkot sa kaniyang boses habang sinasabi niya 'yon. Bakit nga ba?
"Because I know that you don't need me." sagot ko sa kaniya habang nakatalikod pa rin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung nakaharap na ba siya sa likuran ko o nanatili lang siya sa pwesto niya kanina.
"Look. You're my bestfriend, and I don't want this kind of situation ---- you, avoiding me."sabi niya. Bestfriend? Yahh, I'm just his bestfriend.
"Kayo na ba?" tanong ko sa kaniya. Hinintay ko siyang sumagot pero matagal na akong naghihintay ng sagot niya pero wala pa rin kaya nagsimula na akong humakbang.
Isa.
Dalawa.
Tat----
"Oo. Kami na." sagot niya. Nang marinig ko 'yon ay parang nakapusan ako ng hininga.
-------
Copyright 'itsniyyaaa'.
All rights reserved 2018.
YOU ARE READING
Here I Stand [ON-GOING]
Genç KurguA second year college student. A daughter. A girl whp wants to be loved back. A girl who wants to feel the love that she wanted. And of course...a bestfriend. Love. 'Yan ang nararanasan ng mga teenagers ngayon. At isa na siya ro'n. Lahat tayo ay n...
![Here I Stand [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/153876898-64-k573383.jpg)