Ang unfair talaga ng buhay. Kasi 'yong taong mahal mo, hindi magiging sa 'yo kahit pagbali-baliktarin mo pa 'yong mundo. Pero depende nalang yata 'yan sa mga da-moves mo. After naming kumain, lumabas muna ako ng bahay at naupo sa gutter at tiningala ang langit. Marami akong iniisip. Ang sakit din pala na hindi ka man lang mapansin ng taong mahal mo. I mean, pinapansin niya naman ako noon pero hindi na ngayon. Nagbago na kasi ang lahat. Lahat naman e, nagbabago. Asahan mo na 'yan. Lahat din nang-iiwan, walang nags-stay kasi lahat naman, temporary lang. Ewan ko. Sobrang gulo. Akala ko, in love na talaga ako kay Caleb. But I think, it was just an infatuation. Kasi ngayon, alam na alam ko na kung sino ang tinitibok at nagmamay-ari ng puso ko.
Tumayo ako at napagdesisyonang pumunta sa malapit na park dito sa village. Dinama ko ang malamig na simoy ng hangin habang naglalakad patungo sa paroroonan ko. Sana ganito nalang ang buhay, payapa. Iyong tipong ang sarap sa pakiramdam. Sana ganito rin ang pag-ibig, hindi masalimuot. Niyakap ko ang sarili ko dahil nilalamig ako. Nang makarating ako sa park ay naupo ako sa swing at pinagmasdan ang mga magboyfriend at girlfriend na masaya sa isa't -isa, in love sa isa't - isa. Kung makangiti sila ay parang wala silang walang mga problema. Sana makaranas din ako ng ganiyan. Naiinggit ako.
Tipid akong ngumiti at kahit nilalamig man ay naisipan kong iswing ang sarili ko. Dinama ko ang malamig na hangin. Napatingala ako sa langit. Ang gandang tingnan ng mga bituin at sana may dumaang shooting star nang makapagwish naman ako. Ilang sandali lang ang nakalipas ay naramdaman kong may naupo sa katabing swing. Napalingon ako sa kinaroroonan ng taong naupo sa katabing swing at kahit nagulat man ako nang makita ko siya ay hindi ko pinahalata. Nakatingin siya sa mga couple na masayang-masaya habang kasama ang isa't - isa. Meron ding iilang mga batang naglalaro. Puwede namang maglaro ang mga bata rito sa gabi dahil maliwanag naman atsaka kailangan may kasama silang nakakatanda. Ilang segundo lang ang nakalipas nang bigla siyang magsalita.
"Nakakamiss 'no?" panimula niya. Tiningnan ko naman siya ngunit diretso pa rin ang tingin niya. Kinakausap niya ba ang sarili niya? Nabigla ako nang bigla siyang tumingin sa akin. Nginitian niya ako.
"Alam mo, namimiss ko 'yong dati. Hindi ba, simula noong mga bata pa tayo, baby pa nga yata, " saglit siyang natawa. "palagi na tayong magkasama," sabi niya at humalakhak pa. Hindi nalang ako nagsalita at nagpatuloy naman siya sa pagkukuwento. "Alam ko na nga yata lahat ng tungkol sa 'yo, e. Mga favorites mo, kinatatakutan mo, mga ayaw mo, basta, lahat. Palagi kasi tayong magkasama. Ni hindi na nga tayo mapaghiwalay, e. Palagi tayong magkadikit na parang may nakakonekta sa ating dalawa na kapag malayo ang isa, mawawalan naman ng buhay iyong isa."
Pagkatapos niyang magsalita ay sumunod naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tanging mga batang naglalaro lang ang nagpapaingay sa paligid. I agree. Hindi nga talaga kami mapaghiwalay sa isa't - isa. Palagi nga kaming magkasama. Ang kulit kasi niya, ayaw niyang nahihiwalay ako sa kaniya.
Pero...
"I'm sorry..." nagsalita siyang muli dahilan para mapatingin na ako sa kaniya. Nakatingin siya sa akin. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Kumunot ang noo ko nang mapansin kong hindi ko naintindihan kung ano ang ikinahihingi niya ng tawad. "Sorry kung hindi mo na ako madalas makasama. I'm sorry kung minsan, hindi na kita nakakausap at nawawalan na ako ng time sa 'yo. Oo, bestfriend mo ako pero parang hindi ko deserve na maging bestfriend mo kasi napabayaan kita dahil mas pinili kong manatili sa tabi ng taong mahal ko."
napabayaan kita dahil mas pinili kong manatili sa tabi ng taong mahal ko...
napabayaan kita dahil mas pinili kong manatili sa tabi ng taong mahal ko...
napabayaan kita dahil mas pinili kong manatili sa tabi ng taong mahal ko...
Paulit - ulit na nagreplay sa utak ko ang sinabi niyang 'yon. Ang sakit. Parang kinirot iyong dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Halo-halo, e. Bakit nga ba ganoon? Bakit sa tuwing nakakahanap ng iba iyong taong pinahalagahan natin ng sobra ay nagagawa nalang nila tayong balewalain na para bang hindi tayo naging parte ng buhay nila? Pumikit ako nang mariin at tipid na ngumiti sa kaniya.
" You don't have to say sorry, Zach. Buhay mo 'yan at may karapatan kang gawin lahat ng gusto mo. May karapatan kang magdesisyon para sa sarili mo. It doesn't mean that because I am your bestfriend, your life will only revolve around me. You have your own life , Zach, I have my own life , too. I can stand and live without you at hindi puwedeng sa lahat ng oras, magkasama tayo." I closed my eyes tightly and opened it immediately. Nilingon ko siya at nakatingin siya sa akin. Kita kong nanalaytay ang sakit base sa itsura palang ng mata niya. Bakit? Bakit siya masasaktan? Nasasaktan ba talaga siya o nagmamalikmata lang ako?
"Abi," pagtawag niya sa akin. Tipid akong ngumiti. "I'm okay, Zach. Kaya ko na ang sarili ko. Hindi mo naman kailangang manatili palagi sa tabi ko para matiyak mong maliligtas mo ako sa tuwing may mangyayaring hindi maganda sa akin. I can handle myself, Zach." I smiled at him to assure him that I'm okay. I really am.
Pagkatapos kong magsalita ay nanaig nanaman ang katahimikan sa aming dalawa. As far as I remember, tinapos na niya ang pagkakaibigan namin. Pero ano ito ngayon? Bakit nilapitan at kinausap niya ako?
"Abi." pagbasag niya sa katahimikan. Nilingon ko siya at malayo ang tingin niya. "Bakit? Bakit biglang may nagbago? Okay naman tayo, 'di ba?" tanong niya. I smiled at him.
"Zach, lahat naman nagbabago, asahan mo na 'yon." Natawa pa ako nang sinabi ko iyon. Yumuko nalang siya at nagswing nang kaunti.
"Well, hindi naman magbabago ang tao kung walang rason sa pagbabago niya, 'di ba?" Natahimik ako sa sinabi niya. Will he ask me if what's the reason why I'm avoiding him? Hindi naman yata. Baka hinuhuli niya lang ako. Nagkibit-balikat nalang ako at binalik ang tingin sa mga taong naglalakad dito sa park.
"Do you like him?" Nabigla ako sa tanong niya. Him? Like? Sino? Kunot-noo akong lumingon sa kaniya.
"H-ha?" Naguguluhan kong sabi. Sino ba ang tinutukoy niya? Tumawa siya nang mahina at biglang tumayo. Nilahad niya ang kamay niya sa akin. Tiningnan ko naman iyon at ibinalik ang tingin sa kaniya. Sumenyas siyang abutin ko iyong kamay niya kaya inabot ko iyon at hinila niya ako patayo.
"You don't have to answer my question because I already know the answer." Ngumiti siya nang tipid sa akin. Ano bang problema niya? Ngiti nang ngiti pero halata namang pilit. Tsk. Kakainis siya, ah!
Naglakad kami pauwi sa bahay. Ang bagal lang ng lakad namin. Habang dinadama ko ang malamig na hangin ay narinig ko ulit na nagsalita siya.
"Bakit pa nga ba ako magtatanong kung alam na alam ko na ang sagot? Tanga ko 'di ba? Halata naman, e." He heaved a deep sigh. Hindi ko nalang siya sinagot kasi nawe-weirdohan ako sa kaniya.
Papasok na sana kami sa loob ng bahay namin nang bigla siyang magsalita.
"Abi." Tawag niya sa akin. Lumingon ako sa kaniya at itinaas ang dalawa kong kilay.
"I hope we can still be bestfriends. Hindi kasi ako sanay na hindi tayo nagpapansinan. Para kasing..." Huminto muna siya saglit at pumikit nang mariin bago binuksan ulit ang i
kaniyang mga mata."Para kasing may kulang sa buhay ko sa tuwing hindi ikaw ang kasama ko."
I saw sadness in his eyes.
YOU ARE READING
Here I Stand [ON-GOING]
Novela JuvenilA second year college student. A daughter. A girl whp wants to be loved back. A girl who wants to feel the love that she wanted. And of course...a bestfriend. Love. 'Yan ang nararanasan ng mga teenagers ngayon. At isa na siya ro'n. Lahat tayo ay n...