Kabanata 3

16 3 2
                                        

Alam niyo 'yung nakakainis? 'Yung may bigla-bigla nalang susulpot habang naglalaan kayo ng oras para sa isa't - isa ng kaibigan mo.

At mas lalong nakakainis e, 'yung taong sumulpot ay 'yung taong gusto niya. Si Angela.

Nakatingin lang ako sa kanila habang nag-uusap at nagtatawanan sila. Ako? Eto wala nang ganang kumain. Pinaglalaruan ko na nga lang ang pagkain ko e. Alam niyo 'yun? 'Yung gusto kong tiris-tirisin ang babaeng 'yan sa harapan ng Wakin na 'yan! Kainis!

"Ano hobbies mo?" tanong ni Zach kay Angela. Tumingin naman si Angela kay Zach na may ngiti sa mga labi. Putulin ko 'yang labi na 'yan e. "I love reading books. I love taking pictures of nature o kahit ano pang magandang view na pwedeng kuhaan ng pic," sabi niya at sumubo muna ng pagkain bago magsalita ulit. "Ikaw, ano hobbies mo?" tanong niya kay Zach. Hmp! Balatan ko nang buhay 'tong babaeng 'to. Pero infairness ah, maganda boses niya atsaka maganda naman siya e. Mukha nga lang mataray. Kumusta naman ako? Mukhang manang. Psh. Ayaw ko kasing magsuot ng mga damit na uso ngayon. Gusto ko simple lang. Gusto ko magustuhan ako ng taong mahal ko sa simpleng paraan, sa kung sino ako.

"Hobbies ko? Taking pictures also. Then, basketball, etc. Basta kung ano lang ang mapaglibangan," sabi niya at natawa pa. Suntukin ko kaya siya para matanggal mga ngipin niya. Tawa pa ng tawa e. Argh! "Ahh, 'yun lang? Nice naman." sabi ni Angela. Eww. Plastic. Duh! 

"Ahh. Oo." sabi naman ni Zach. Tss. E'di sila na! Dumating lang ang babaeng 'yun nakalimutan na ako. Bahala na nga sila. Nakakaistorbo lang ako e. Mabuti kung umalis nalang ako. Itinulak ko paatras 'yung upuan ko at nakagawa iyon ng ingay dahilan para lumingon silang dalawa sa akin. "Alis na ako." tipid kong sabi habang nakatingin kay Zach. Bigla naman siyang nagtaka kaya inunahan ko na siya. Advance kasi ako mag-isip. Hindi 'yong totoo na talaga.

"May gagawin pa pala akong research. Kaya una na ako sa inyo. Enjoy!" sabi ko at tumalikod na. Nagsimula na akong maglakad palayo sa kinaroroonan nila! Naghintay ako na tatawagin o susundan ako ni Zach pero wala. Walang Zach na tumawag sa akin. Walang Zach na sumunod sa akin. E'di siya na! Pisti!

Papalabas na ako ng restaurant. Pinagbuksan ako ng guard ng pintuan at hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari.

Nabunggo ako sa pinto! Matigas na pinto!

"Are you okay, Miss?" nagsalita ang pinto, wait --------- WHAT?! Napaangat ako ng tingin. Hindi pala pinto ang nabunggo ko. Isang gwapong nilalang. Wait teka... SI CALEB! SI CALEB MERCADO!!! 'Yung taong mahal ko! Am I dreaming? OMG! Naramdaman kong gusto nang lumabas ng puso ko sa loob ng dibdib ko! God, Caleb what are you doing to me?

"Ahh-ehhh. Oo okay lang naman ako. Hehehe." sabi ko at ngumiti. Nakatingin siya sa akin! God! Huwag ganiyan. Matutunaw ako! Ewemjii!

"I'm sorry. Are you sure that you're okay?" sabi niya at tinitigan ako sa mga mata! Kyahh! Pwedeng akin nalang siya?

"Oo. No need to worry," sabi ko sabay ngiti sa kanya. Ngumiti naman siya pabalik. God! Those smiles made my knees tremble! Pwede magmura? Tangina!

"Ahm, I gotta go." sabi ko at tumalikod na sa kanya. Ano ba, hindi ko kasi kayang titigan siya. Mas lalo lang akong na-iinlove.

Pagkalabas ko ng restaurant ay pumara kaagad ako ng taxi at nagpahatid sa condo na tinutuluyan ko.

Pagkarating ko sa condo ko ay dumiretso kaagad ako kwarto ko at agad na tumalon-talon sa kama ko.

"OMG! OMG! Kinausap niya ako. Kyahhhh!" sabi ko sabay tili. Para akong isip-bata na binilhan ng candy ng magulang ko.

-----

"OMG. Bakit sila magkasama? Sila na ba? Bagay sila. New love team na ba 'to. Kyahh. Nakakakilig." narinig kong sabi ng isang myembro sa isang grupo. Nakita kong 'yong ibang student ay nakisali na rin. Sino ba tinutukoy nila? Hmm...

"Hala. Ang ganda niya talaga, tapos ang gwapo pa ni Zach. Bagay na bagay. Kyahh. Fan na ako ng loveteam nila. Yieeee." sabi naman ng isang grupo nanaman ng mga kababaihan. Teka, narinig ko pangalan ni Zach ah? Aba! Sino ba kasama niya at bakit kilig na kilig ang mga kababaihan? Matingnan nga.

Lumapit ako sa may railings at tiningnan ang direksiyon na tinitingnan din ng mga kababaihan. At nakita ko si Zach at Angela na nagtatawanan habang naglalakad sa loob ng school campus. Nang makita ko silang nagtatawanan, bigla akong nakaramdam ng inis. Mga malalandi! Pisti!

Inis akong umalis ng railings at tinungo ang room ko. Ang lalandi. PDA! Psh. Hindi ba nila alam na bawal 'yun dito sa school? Nakakairita ah!

Papalapit na sana ako ng room namin nang makita ko sina Angela at Zach na papasok sa room nila. Isang room lang kasi ang pagitan ng room namin nila Zach at Angela. Napatigil ako. Malapit na ako sa pintuan ng room namin. Bago pa man makapasok si Zach sa room nila ay tumingin siya sa direksiyon ko. Tiningnan ko siya sa mga mata niya. Makikita mo ro'n ang saya sa mga mata niya. Ang ningning ng mga mata niya na hindi ko pa nakikita kahit matagal na kaming magkasama. Bakit gano'n? Bakit parang unti-unting pinipiga ang puso ko?

Nakita kong lumapit siya kay Angela. Tila may sinasabi. Tumango naman si Angela at pumasok na sa loob ng room nila ngunit hindi siya sumunod pero nakita kong papalapit siya sa akin. Nataranta naman ako kaya dali-dali akong naglakad at pumasok sa room namin. Kaya pala. Kaya pala hindi niya man lang ako pinuntahan sa condo ko kanina para sabay kaming pumasok dahil si Angela pala ang susunduin niya.

Pagkapasok ko sa room ko ay nakita ko na ang iilan sa mga kaklase ko. Abala ang mga ito sa paglalaro ng cellphone nila, specially mga boys. 'Yung mga girls naman ay mga wattpad books and novels.

Dumiretso na ako sa upuan ko at naupo. Itinukod ko ang siko ko sa desk at tinabunan ang mukha ko gamit ang mga palad ko. Hayy. Ano ba 'tong nangyayari sa akin?

"Abi. Come here. Talk to me." narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses kaya tinanggal ko ang pagkakatakip ng mukha ko at tumingin sa direksiyon kung saan nanggaling ang boses na 'yon. Nang mahanap ko na ang direksiyon na pinanggalingan ng boses ay nakita ko si Zach sa may pintuan ng room namin --- nakatingin sa akin. Tiningnan ko lang siya ngunit hindi ko siya pinansin.

"Come on, Abi. Talk to me." pagmamakaawa niya. Nakita ko naman na palipat-lipat ng tingin sa amin ang mga kaklase ko. Argh! Bakit ba siya nandito? At anong 'talk to me' ang sinasabi niya? Do'n siya sa Angela niya!

"Wuyy, Scarlet lapitan mo na. Kausapin mo na 'yan. Nagmamakaawa na oh." sabi ng isa kong kaklaseng lalaki.

"Oo nga. Ganiyan ba talaga kayong mga babae? Ang dali lang sa inyo na balewalain kaming mga lalaki. Kausapin mo na." sabi naman ng isa ko pang kaklaseng lalaki.

"Look, pinapapunta ka rin nila. Come here, please. I wanna talk to you." sabi ni Zach sa malungkot na boses. Nakakainis naman e. Pinagtulungan pa ako! Padabog akong tumayo ng upuan ko at tinungo ang direksiyon kung nasa'n siya. Agad namang sumilay ang ngiti sa mga labi niya. May pangiti-ngiti pa siyang nalalaman. Psh.

"Thank god nilapitan mo rin ako." sabi niya at niyakap ako. Agad kong inilagay ang mga palad ko sa dibdib niya para ihiwalay ang katawan ko sa kanya. "What are you doing, Zach. PDA ka!" inis kong sabi  sa kanya. Agad naman niyang tinanggal ang mga braso niyang nakayakap sa akin at tiningnan ako.

"Look, I'm sorry kung hindi kita nasundo kanina sa condo mo, it's just that... wala 'yong driver nila Angela kaya nakisuyo siya sa akin na sunduin ko raw siya. Kaya sinundo ko na. I'm sorry. I'll make it up to you. I promise." sabi niya at nagmamakaawang tiningnan ako. Umirap ako sabay ngiti ng konti.

"Ano... Okay lang. Sanay na ako. Sige, pasok na ako may gagawin pa kasi ako e." malamig kong sabi at tumalikod na sa kaniya para sana pumasok na sa room namin ng bigla siyang nagsalita dahilan para maramdaman ko ang sobrang pagkirot ng puso ko.

"I forgot to tell you. I'm planning to confess my feelings for her and if she would let me, I'll court her."





****
(A/N: Awts naman. Ang sakit sa heart Zach ah! Ambadmue kay Abi. hmp!)

Ito na po 'yong update. Hehehe.

Don't forget to vote and comment.

I have one question. Sagutan niyo ah?
Naka-connect 'to sa story. HAHAHA


"Paano nga kung 'yong taong gusto mo ay may gustong iba, susuko ka nalang ba o lalaban pa?"





Copyright 2018.
@itsniyyaaa

Here I Stand [ON-GOING]Where stories live. Discover now