"Bakit naman ganito? Abi, nasasaktan ako. Nahihirapan akong mag-isip kung ano ba ang nagawa kong mali na kailangan mong iwasan ako." malungkot niyang saad.
"Zach..." sabi ko sabay buntong-hininga. Nasasaktan din naman ako e. Pero kailangan kong gawin 'to dahil, baka sa susunod, hindi ko na makayanan 'yong sakit.
"So, Zach na lang ngayon ang tawag mo sa akin? Porket may lalaki ka na, nakalimutan mo na 'yong pagsasamahan natin. Pati tawag mo sa akin, nag-iba na rin." naiinis niyang tanong. Napapikit ako.
"Zach... Tama na, okay? May girlfriend kana kaya hindi mo na ako kailangan pa. You love her, she loves you. Oh ano pang hahanapin mo?" sabi ko sa kaniya. Ginulo niya 'yong buhok niya. Halatang naiinis na.
"That's not my point, Abi. My point is, bakit kailangan mo pa akong iwasan? Tinuturing pa naman kita na kaibigan e. Hindi naman magbabago 'yon. You don't need to ignore me like I'm not existing." sabi niya. I rolled my eyes. Nakakainis naman 'to. Hindi nalang ako pabayaan e.
"Zach naman e. Tama na nga 'di ba? Bakit ba ang hirap mong pakiusapan?" naiinis kong tanong sa kaniya. Natawa naman siya nang mapakla.
"Ang hirap kong pakiusapan? Ikaw ang mahirap pakiusapan, Abi. Wala akong maintindihan! Ito na nga oh, nilalapitan na kita kasi wala akong maintindihan! Wala akong maintindihan sa inaasal mo, sa ginagawa mong pag-iwas sa akin. Akala ko ba, walang taguan ng sikreto pero mukhang ikaw, may tinatagong sikreto sa akin." sabi niya. Kinabahan naman ako. Hindi niya puwedeng malaman. Hindi.
"Oh ba't natahimik ka? Siguro meron 'no? Ang gusto ko lang naman e, ipaintindi mo. Hindi 'yong todo isip ako palagi kung ano ang nagawa kong mali para ganituhin mo ako." galit niyang sambit.
"Sa susunod nalang tayo mag-usap kapag malamig na ang mga ulo natin." sabi ko at tumalikod na. Lumabas na ako at hinanap ng paningin ko si Claude. Nakita ko naman siya na kausap sila coach at ang basketball team. Napangiti ako. Close kaagad sila kahit magkaka-kilala palang sila. Hindi naman mahirap kaibiganin si Claude e. Masiyahing tao.
"Buti pa siya nginingitian mo. Ako? Kailan ko kaya mararanasan na maging dahilan muli ng pag
ngiti mo? 'Yong tipong ako 'yong dahilan ng bawat ngiti at pagtawa mo. 'Yong... sa akin ka lang masaya, hindi sa iba." narinig kong sabi ni Zach. Nasa tabi ko na pala siya. Bakas sa boses niya ang lungkot. Bakit ba pinapahirapan niya ako?Nilingon ko siya at nakatingin siya sa akin. Tiningnan ko siya sa mga mata niya. Lungkot ang nakikita ko ro'n. Magsasalita na sana ako nang may tumawag sa pangalan ko.
"Scarlet..." tawag sa akin ni Claude kaya napatingin ako sa kaniya. Nasa harapan namin siya ni Zach at nakatingin siya sa akin. He's smiling at me.
"Yes?" tanong ko sa kaniya.
"Sinasagot mo na ako?" nakangiti niyang sambit. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Natawa naman siya nang malakas.
"Joke lang. So, uuwi na ba tayo? Hatid na kita." sabi niya. Nag-usap kami habang nasa tabi ko pa rin si Zach. Napalingon ako sa kaniya at nakitang hindi maipinta ang mukha niya.
"Babe!" napatingin kaming tatlo sa sumigaw. Si Angela. Papunta siya rito sa kinaroroonan namin. At no'ng makalapit na siya, agad niyang niyakap si Zach.
"Babe, I'm sorry nalate ako. May ginawa pa kasi kami e," sabi ni Angela at humiwalay na ng yakap kay Zach. "I guess hindi pa tapos practice niyo. Kaya manunuod na ako!" masayang sambit niya.
Tumikhim si Claude para maagaw ang pansin ng dalawa. Nagtagumpay siya dahil tumingin si Angela at Zach sa kaniya.
"Ahm, we are going home now. Mauna na kami sa inyo. Ihahatid ko pa kasi si Scarlet e." sabi ni Claude. Tumango si Angela.
"Sure! Ingat kayo ha? Babushhh!" sabi niya. Nagsmile ako at tumango. Tiningnan ko si Zach at nakatingin lang siya kay Claude. Sungit!
"Bye!" sabi ko kay Angela. Nagsmile siya at nagwave.
"Tara?" aya sa akin ni Claude at hinawakan ako sa siko. Tumango naman ako. Maglalakad na sana kami nang biglang may humila sa kamay ko dahilan para mailayo ako kay Claude.
"Ako na ang maghahatid sa kaniya." sabi ni Zach. Walang emosyon ang mukha niya. Pinilit kong itanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero hinigpitan niya lang ang hawak do'n.
"Ako na p're." sabi ni Claude at hinawakan ang isa ko namang kamay kaya ang resulta, pareho silang nakahawak sa kamay ko. Hinila naman ako ni Zach. "Ako na." sabi niya. Pinilit akong hilahin ni Claude mula kay Zach. "Ako na p're, may practice pa kayo e." sabi naman ni Claude.
Sumigaw naman si Zach. "Tangina! Ako na nga sabi e! Ang hirap mo namang maka-intindi!" nagulat ako sa inasal niya. Galit ang nakikita ko sa mga mata niya. Nakita kong nagulat din si Angela at nagpalipat-lipat ng tingin sa mukha ni Zach at sa kamay ni Zach na nakahawak sa kamay ko. Pinilit kong tanggalin 'yong kamay kong hinahawakan ni Zach at nagtagumpay naman ako.
"Ahm, ano... Siya nalang m-maghahatid sa akin kasi may gagawin pa kami e." sabi ko kay Zach. Hinawakan naman siya sa braso ni Angela at pinapahupa ang galit nito. "Ahm, sige. Mauuna na kami." sabi ko at tatalikod na sana nang biglang magsalita si Zach.
"Tangina, Abigail! Ano gagawin niyo ha?! P*tangina naman, oh!" napatalon ako sa gulat nang sumigaw siya. Napahinto kaming dalawa ni Claude at napatingin sa kaniya. Galit na galit siya. Ano bang problema niya?
"Tang*na! Hindi ka ba makaintindi ha? Ako na nga ang maghahatid sa'yo. Sabay na tayong umuwi! " inis niyang sabi.
"B-babe... 'Di ba, tayo ang s-sabay umuwi?" tanong ni Angela. Halata sa mukha niya na natatakot siya sa inaasal ni Zach. Nakakatakot naman kasi e. Ngayon ko lang siyang nakita at narinig na minura ako. Napatingin ako sa paligid, nagtitinginan na ang mga tao sa amin. Hindi ko nalang sinagot si Zach. Tumingin ako kay Claude at tumango. Tumango ako para sabihin sa kaniyang kailangan na naming umalis. Hahakbang na sana ako nang biglang magsalita si Zach.
"Isang hakbang mo lang kasama ang lalaking 'yan, kalimutan mo nalang na tayo'y naging magkaibigan."
YOU ARE READING
Here I Stand [ON-GOING]
Teen FictionA second year college student. A daughter. A girl whp wants to be loved back. A girl who wants to feel the love that she wanted. And of course...a bestfriend. Love. 'Yan ang nararanasan ng mga teenagers ngayon. At isa na siya ro'n. Lahat tayo ay n...