Sakit. Kirot sa dibdib. 'Yon ang naramdaman ko nang sinabi ni Zach na kakalimutan ko nalang na naging magkaibigan kami kapag humakbang ako palayo sa kaniya kasama si Claude. Humarap ako sa kaniya. Nakatitig lang siya sa akin nang walang emosyon. Gano'n nalang ba kadali 'yon para sa kaniya? Ang babaw niya!
"Zach naman e..." naiiyak kong sambit. Nakakaiyak naman 'to e. Pinapahirapan ako. Nasasaktan na nga ako nang dahil sa kaniya, mas lalo niya pa akong sasaktan dahil sa sinabi niya.
"Kung gusto mong sumama sa kaniya, go on. Wala akong pakialam. Basta tandaan mo 'yong sinabi ko, sa oras na sumama ka sa kaniya, kalimutan mo na ring naging magkaibigan tayong dalawa." sabi niya. Parang piniga ang puso ko dahil sa mga salitang binitawan niya.
"Zach..." naiiyak kong sabi. Bakit ba ganito siya? Nagsimula nang tumulo 'yong luha sa mga mata ko.
"Choose to be with him then I'll be the one who'll stay away from you. Inumpisahan mo naman na 'di ba? Ipagpapatuloy ko nalang." sabi niya sabay lakad palayo. Palayo sa akin. Ang sakit. Bakit niya ba ako pinapahirapan?
****
Nagising ako dahil sa ring ng phone ko. Nagmulat ako ng mga mata at kinuha ang phone ko mula sa nightstand at sinagot ang tawag.
"Hello, Dear." narinig kong bati sa akin ni Mommy. God, I really missed them already.
"Hello, Mom. How are you? I missed you so much." sabi ko. Pinigilan kong maluha dahil baka mag-alala lang siya.
"Ohhh, god. I miss you, too. Mom and Dad is fine, okay? You don't need to worry." sabi ni Mommy sa akin. Tumango-tango nalang ako kahit alam kong hindi niya 'yon makikita.
"Okay, Mom. Anyway, ba't kayo napatawag? May problem po ba?" tanong ko kay Mommy.
"There's no problem, Dear. Punta ka sa bahay mamaya. May dinner dito sa bahay. 7pm." bakas ang tuwa sa kaniyang boses. Halos maluwa ang mata ko sa gulat. Does it mean na umuwi na sila?
"M-Mom, umuwi na kayo? K-kailan pa? Wait, why didn't you tell me?" sunod-sunod kong tanong dahilan para matawa naman siya.
"Wala kayong pasok ngayon 'di ba? Umuwi ka mamaya dito sa bahay natin. Nasanay ka na diyan sa condo mo ah. Kanina lang kami nakauwi ng Daddy mo. Bakit hindi namin sinabi? Kasi surprise." masaya niyang sabi sa akin.
"Okay. Pupunta ako, Mom. I can't wait to see you." masaya kong sabi.
"I can't wait to see you, too. Take care, okay? I love you." sabi niya at pinatay na ang tawag. Agad akong bumangon sa kama ko at inilagay 'yong phone ko sa nightstand at tinungo ang walk-in-closet ko para kumuha ng damit. I think, ngayong araw, pupunta nalang muna ako ng mall para magshopping o 'di kaya, mamili ng mga kakailanganin ko sa school. Para naman may libangan ako o 'di kaya, manunuod nalang muna ng movie. Hindi na mawala 'yong ngiti sa aking mga labi nang matapos akong maligo. Nang okay na 'yong damit at itsura ko, lumabas na ako ng condo ko kasama 'yong sling bag ko.
Nilock ko na 'yong pinto ng condo ko at maglalakad na sana nang biglang bumukas 'yong pinto ng katabi kong unit which is kay Zach. Nakita kong nilock niya rin ang pinto ng condo niya at bihis na bihis siya. May lakad yata. He's wearing a simple white V-neck T-shirt at pants na maong. Where is he going? Napasinghap ako nang bigla siyang lumingon sa kinaroroonan ko. Hindi ko namamalayan na napatigil na pala ako at pinagmamasdan na pala siya. What the heck?! Tiningnan niya lang ako nang walang emosyon at tiningnan niya ang suot ko. I'm wearing a crop-top and a maong skirt. Napatingin din ako sa suot ko at binalik ang tingin sa kaniya. Umiling-iling siya sabay lakad papunta sa direksiyon ko. Wait... Sa direksiyon ko? Kakausapin niya ba ako? Hindi ba, kakalimutan na niyang naging magkaibigan kami? Bakit siya lumalapit?
YOU ARE READING
Here I Stand [ON-GOING]
Novela JuvenilA second year college student. A daughter. A girl whp wants to be loved back. A girl who wants to feel the love that she wanted. And of course...a bestfriend. Love. 'Yan ang nararanasan ng mga teenagers ngayon. At isa na siya ro'n. Lahat tayo ay n...
![Here I Stand [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/153876898-64-k573383.jpg)