Lumipas ang ilang araw. Palagi akong nagmumukmok sa loob ng kwarto ko. Naguguluhan sa mga inaasal ko. Hindi ako 'to e. Nasa'n na 'yong masayahing Scarlet? Nasa'n na 'yong Scarlet na palaging nambabara? Nasaan na?
Bakit gano'n? Mahal ko ba siya? Mahal ko na ba 'yong bestfriend ko na kasama ko na simula pa no'ng bata pa ako? Paano? Bakit?
Pumasok ako ng school namin na wala sa sarili. Araw-araw akong ganito. Tinatanong nga ako ng mga kaklase ko kung ano ba problema ko? Kung bakit naging ganito ako.
Habang naglalakad patungo sa classroom ko, ay may nakabunggo ako. Ke-aga-aga, may makakabunggo kaagad ako. Badtrip naman oh.
"Damn. I'm sorry." narinig kong sabi ng lalaki. Ang sarap sa tainga ng boses niya. Ang lamig. Pero nakaka-ano lang e. Nagmura pa, tapos nagsorry. Hindi bukal sa kalooban niya. Psh. Napaangat ako ng tingin at halata sa mukha niya ang pagmamadali. Natatae ba siya?
"Ahm, natatae ka ba? Hindi mo ba alam kung nasaan 'yong cr? Ayon oh," sabi ko sabay turo sa likod niya. Nakita ko naman na kumunot ang noo niya. Pinagmasdan ko 'yong mukha niya. Sa tagal ko nang pananatili sa school na 'to ay hindi ko pa siya nakita. Mukhang bago yata siya dito. Mabuti nalang at itinuro ko 'yong cr sa kaniya. Kasi halata namang hindi niya alam e. Tinitigan niya ako dahilan para mailang ako. Kailangan pa talagang tumitig? Psh.
"What?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Napahagalpak naman siya ng tawa. Aba't?! Anong nakakatawa? I glared at him at tumigil naman siya sa kakatawa.
"What's funny? Wala naman akong nakikitang nakakatawa ah? Baliw ka ba?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya. Ngumiti siya nang sobrang lapad na kahit kailan ay hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko. Wow ah.
"Nothing. And, hey woman. Hindi ako natatae. It's just that... Nagmamadali ako. Kasi malapit nang magbell. Hindi ko pa nahahanap room ko." sabi niya habang nakatitig ako sa bibig niya habang nagsasalita siya. Sht! Bakit sobrang nakaka-akit 'yong lips niya?! Tumikhim ako.
"Ahh, gano'n ba? Ano ba ang course mo, then section? Sabi ko na nga ba't bago ka rito. Gusto mo samahan kitang hanapin room mo?" sabi ko sa kaniya. Lumiwanag naman ang mukha niya. Nagkibit-balikat siya. "Sure! I want to get to know you better. Seems like you're a nice woman." sabi niya. Ngumiti naman ako at tumango. Nagsimula na kaming maglakad at nag-uusap minsan. Ang jolly niya ah? Parang sobrang close kami dahil sa pakikitungo niya sa akin? Feeling close lang eh 'no?
"So, ano nga course at section mo?" tanong ko sa kaniya. Nilingon niya naman ako at nakita ko ang ngiti sa kaniyang mukha. Nakita ko rin 'yong dalawang dimples niya sa magkabilang gilid ng cheeks niya, malapit sa lips. Damn those dimples!
"ABM-Section A. " sabi niya dahilan para mapatigil ako sa paglalakad! Aba't kanina pa kami naglilibot tapos 'yon lang pala section niya?! Kainis naman e! Nakita kong napahinto rin siya.
"What's wrong?" tanong niya sa akin. Hinampas ko naman siya sa braso. Grabe, 'yong braso niya, ang tigas. Pinilig ko ang ulo ko para mawala sa isip ko 'yon. "Aray naman. Ang sakit ah." sabi niya habang tumatawa. 'Yon ba ang totoong nasasaktan, tumatawa?
"Eh kasi naman e! Kanina pa tayo naglilibot tapos 'yon lang pala section mo?" sabi ko sa kaniya at napasimangot nalang ako. Nakakapagod kayang maglibot!
"What's wrong with that?" tanong niya sa akin. May pa - 'what's wrong with that ' pa siyang nalalaman!
"Ang dali lang hanapin 'yon e! 'Yon din ang section ko! Naku! Pinapahirapan mo talaga ako eh 'no?!" inis kong sabi sa kaniya. Nakakainis talaga siya. Hindi kasi nagsabi kaagad. Nakita ko nanaman na ngumiti siya nang napakalapad. Abot sa tenga. Aba't ngumiti pa! Nakita ko nanaman dimples niya. Sht!
"Ano?! " sigaw ko nang makita kong nakangiti pa rin siya. Nagkibit-balikat siya. "Seems like, destiny is in favor with me." sabi niya habang nakangiti pa rin. Anong nangyari sa kaniya? Nasaniban ba siya? Tsk.
"Ehh? Tss. Halika na nga. Ma-lalate na tayo sa class natin. Magbe-bell na oh. Ikaw kasi!" sabi ko at nauna nang maglakad sa kaniya. Nilingon ko siya at nakitang sumunod din siya sa akin.
"Bakit ka pala trumansfer dito sa school namin?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa room namin. Ngumiti nanaman siya. Ang hilig niyang ngumiti eh 'no? Hindi ba siya napapagod sa kakangiti?
"Kasi sabi ni Mommy, dito nalang ako mag-aral kasi maganda ang paraan ng pagtuturo rito. Kaya ayon, nagtransfer ako rito." sabi niya habang patuloy pa rin kami sa paglalakad. Alam niyo bang ang gwapo ng kasama ko ngayon? Oo. Sobra. Hindi ko sasabihin sa kaniya, baka humaba pa 'yong atay niya. Jusko. He's wearing a school uniform. Infairness ,boyscout. Ready-ing - ready. Tapos 'yong bag niya, nakasabit lang sa isang balikat niya. And damn, he looks so hot! 🔥
Tumango-tango naman ako. "Ahm, bakit? 'Yong school mo ba dati, hindi maganda ang paraan ng pagtuturo nila?" curious kong tanong sa kaniya. Malay natin 'di ba?
"Maganda naman. Pero mas maganda raw dito. Tapos sikat pa. Mas sikat 'to kaysa sa dating pinapasukan ko. And you know what? I'm a varsity player dati sa school namin. I want to join the basketball team here in your school." sabi niya. Nabawasan naman pagod ko nang makita kong malapit na kami sa room namin. Buti nalang, wala akong seatmate kaya pwede na rin siguro kung do'n siya sa tabi ko maupo.
Naalala ko bigla, member din pala ng basketball team si Zach. Pinilig ko ang ulo ko para hindi ko na siya maisip pa.
"Sumali ka. Sigurado naman akong tatanggapin ka nila e. Ikaw pa. Sabi mo nga, varsity player ka dati sa school na pinapasukan mo." sabi ko. Malapit na kami sa room namin nang bigla kong makita si Zach. Malapit na rin siya sa room niya, bibilisan ko na sana 'yong paglalakad ko nang bigla siyang lumingon sa kinaroroonan namin ng kasama ko. Bakit ba kasi, palagi siyang tuma-timing? Kainis oh! As usual, naka-uniform din siya. Halata sa mukha niya ang sobrang saya. Buti pa siya, masaya. Samantalang ako, sobrang pangit na. Dahil sa kaniya! Sht! In-love yata talaga ako sa kaniya. Nakita kong sinabayan nanaman ako ng kasama ko. Napahinto si Zach sa tapat ng pintuan ng room nila at tinitigan ako. Yumuko ako at huminga nang malalim bago nagsimulang maglakad. Nasa tapat na kami ng pinto ng room namin at papasok na sana ako nang biglang may nagsalita sa gilid ko.
"Abi... Ano na'ng nangyari sa atin? Bakit nagkaganito tayo? Abi, please naman... Ayoko ng ganito. Ayoko na hindi na tayo nag-uusap. 'Yong tipong dinadaan-daanan mo nalang ako, hindi mo na ako pinapansin. Hindi ako sanay sa ganito e. Nasaan na 'yong Abi na nandiyan palagi sa tabi ko? 'Yong Abi na pinapatawa ako sa tuwing malungkot ako. 'Yong Abi na palagi akong hinahampas at kinukurot. Namimiss ko na 'yong dati, 'yong tipong...kasama kita palagi. Abi, bakit biglang may nagbago?" sabi niya. Parang piniga 'yong puso ko nang paulit-ulit. Sobrang sakit. Mapapansin mo sa boses niya 'yong sakit, 'yong lungkot. Pumikit ako nang mariin. Ayokong makita niyang iiyak ako nang dahil sa kaniya. Huminga ako nang malalim at hinarap siya. Nandito pa rin sa tabi ko 'yong kasama ko kanina.
"Dahil alam kong hindi na ako ang kailangan mo. 'Di ba, may iba nang nagpapasaya sa'yo? So, bakit ka pa nandito? Baka magselos pa girlfriend mo at makita pa tayo kaya umalis kana at pakiusap...layuan mo na 'ko." sabi ko sabay pasok sa room ko. Bakit gano'n? Bakit sobrang sakit?
YOU ARE READING
Here I Stand [ON-GOING]
Teen FictionA second year college student. A daughter. A girl whp wants to be loved back. A girl who wants to feel the love that she wanted. And of course...a bestfriend. Love. 'Yan ang nararanasan ng mga teenagers ngayon. At isa na siya ro'n. Lahat tayo ay n...