"Sino kaya 'to? Bakit sila magkasama? Sila ba? Magjowa ba sila? Hindi bagay. Duh! Hmmp! " sambit ko habang nags-scroll down sa laptop gamit ang mouse ko. Tinitingnan ko 'yung timeline ni Caleb Andrei Mercado. He's my first love. I love him since I was in my third year in highschool.
"Hoy!"
"Ayyy shet na malagkit!" napasigaw ako dahil sa gulat. Nakita ko sa harapan ko ang pagmumukha ng kaibigan ko. Pinilit kong ilayo ang mukha niya sa harapan ko. Istorbo. Tsk. "Alis! Istorbo ka naman e. Dali na!" inis kong sambit sa kanya habang pilit pa ring inaalis ang mukha niya sa harapan ko. Ilang segundo ang nakalipas ay umalis na rin siya sa harapan ko. Hayyy salama-----.
"Woah! Caleb Andrei Mercado. Stalker ka pala, Abi." sabi ni Zach at inilapit pa ang mukha niya sa screen ng laptop ko. Akala ko naman aalis na siya. Hindi pa pala. Umirap ako. "Hindi ako stalker 'no! Duh! Alis na nga kasi. Istorbo ka e. Alis!" sabi ko sabay taboy sa kanya. Ayaw pang umalis e.
Tiningnan ko siya at nakita kong nakatingin siya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Nagulat ako nang bigla siyang umalis sa tabi ko at lumabas ng kwarto ko. Ayy? Gano'n?
Binalewala ko nalang iyon at binalik uli ang atensyon ko sa laptop ko. Ngunit ilang minuto lang ang nakalipas ay nandito nanaman siya sa tabi ko, at dumapa pa siya sa kama ko!
"Ano ba 'yan! Bakit ka nanaman nandito? Do'n ka nga sa condo mo!" naiinis kong sabi sa kanya. Tiningnan ko siya at nagce-cellphone siya. "Ang bad mo naman sa 'kin, Abi. Nakiki-connect lang ng Wi-Fi e. Dito lang muna ako." sabi niya at tiningnan ako. Aba't nagpacute pa ang mokong.
"Yawqnga. Alis na. Ano ba kasi ang ginagawa mo rito? Wala ka bang assignments? Projects? Research? Duh!" sabi ko sa kanya at nagstop muna sa pag-s-stalk at tumayo na. Binalingan ko siya at nagce-cellphone pa rin siya. "Wala. Dito nga lang muna kasi ako. Your parents told me to take care of you. And that's what I am doing right now." sabi niya. Tiningnan muna niya ako saglit at binalik kaagad ang tingin sa cellphone niya. Napairap nalang ako sa hangin. Nubayan!
Inis akong bumalik sa kama ko at isinara ang laptop ko. Kinuha ko ang laptop ko at inilagay sa ibabaw ng mababang cabinet na nandito sa kwarto ko.
Naglakad na ako papalabas ng kwarto ko pero napatigil ako nang bigla siyang magsalita.
"Where are you going?" tanong niya sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin habang hawak hawak pa rin ang cellphone niya. "Lalabas...natural. Psh." sabi ko at tuluyan nang lumabas ng kwarto ko. Pumunta ako ng kitchen. Gusto kong kumain ng fries. Hmm. Yummy! Natatakam ako bigla.
Tinungo ko ang kinaroroonan ng refrigerator at binuksan ang ibabang bahagi nito. Hinanap ko bigla ang supot ng fries. Ready to cook na ito. Pagkatapos kong kunin iyon ay isinara ko na ang refrigerator at tumungo sa kinaroroonan ng frying pan. Inilagay ko ang frying pan sa may stove at sinimulan ng buksan ang gas.
Pinainit ko muna 'yung frying pan at maya-maya lang ay nilagyan ko na ito ng cooking oil. Ilalagay ko na sana 'yung fries nung uminit na 'yung cooking oil nang biglang may nagsalita sa likuran ko. "What are you doing?" napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Zach na nakaupo sa may dining table. Tumaas ang kilay ko. "Hindi ba obvious? Nagluluto ako." sabi ko sabay irap at inilagay na 'yung fries sa frying pan. Pagkatapos nun ay naupo muna ako sa dining table at hinintay na maluto 'yung fries. "Ba't ba ang init ng ulo mo ngayon?" tanong niya sa akin. Tumingin ako sa kanya. "Istorbo ka kasi e." sabi ko sa kanya. Natawa naman siya. Alin sa sinabi ang nakakatawa? Ipaliwanag niyo nga.
"You're being childish." sabi niya habang tumatawa. Wow ah! Siya? He's being unggoy! Tss. " Childish mo mukha mo, unggoy!" sabi ko at tumalikod na sa kanya. Kainis siya. Istorbo na, nang-iinis pa. Nagitla ako nang biglang may yumakap sa akin sa likuran. Sino pa ba ang yayakap sa akin? Dalawa lang naman kami dito. Pero bakit gano'n? Bakit tumibok nang mabilis ang puso ko? Bakit parang may naghuhurumentado sa loob ng tiyan ko?
Pinilit kong i-alis ang pagkakayakap niya sa akin ngunit mas malakas siya kaya hindi ko nakaya. "Uyyy, Zach. Let go. Ang PDA mo." sabi ko habang pilit pa rin na inaalis ang pagkakayakap niya sa akin. "PDA agad? We're not even in public place." sagot niya naman sa akin. Ehh?
"Tss. Let go, Zach. Hindi ako makahinga." sabi ko sa kanya pero mas hinigpitan niya pa ang yakap niya sa akin. "I'm sorry...Sorry kung na-istorbo kita." sabi niya. May halong lungkot ang boses niya. Why is he like this? "Psh. Okay okay. Just... Let go. Hindi ako makahinga e." sabi ko. Niluwagan niya naman ang yakap niya sa akin at unti-unti na siyang lumayo sa akin.
"Don't fall for that guy...he will just hurt you. I mean, wala nang mapagkakatiwalaan sa panahon ngayon. Everyone will hurt you, yes... Not now but time will come that theu will hurt you." sabi niya. Napatitig naman ako sa kanya. He looks serious right now. Nagkibit-balikat nalang ako at pinuntahan ang niluluto ko.
"I know... I know that you're saying that because you want to protect me from getting hurt. But...but let me love someone. Please? Hayaan mo naman akong magmahal. I want to feel of falling in love." sabi ko sa kanya at kinuha na ang fries gamit ang tongs at inilagay ito sa colander.
"Okay. I understand. I'm sorry... " sabi niya. Naglakad na ako papuntang dining table habang dala-dala ang colander na may lamang fries at inilagay iyon sa ibabaw ng mesa. Pagkatapos ay naglakad ako papuntang refrigerator upang kumuha ng ice cream.
"Sit." sabi ko sa kanya dahil nakatingin lang siya sa akin... Sa mga kilos ko. Naupo naman siya kaagad habang tinitingnan pa rin ako. Umirap nalang ako at kumuha ng dalawang platito sa dish cabinet. At pati kutsara.
"Creepy. Huwag ka ngang tumingin sa akin ng ganyan. Nakakatakot." sabi ko sa kanya sabay tawa. Pero hindi siya natawa. Duh. Hindi nalang sumupport sa akin. Hmp! Ang seryoso niya grabe. Kinakabahan ako.
Paupo na sana ako nang bigla siyang magsalita.
"Abi, I need your help. I mean... I'm in love... I fall in love and I don't know how to stop. I want to court her." sabi niya. Natigilan ako. Hindi dahil nabigla ako sa sinabi niya kun'di sa agad-agad na pagpiga ng puso ko. Bakit gano'n? Bakit parang nasaktan ako dahil sa narinig ko?
To be continue...
Copyright @itsniyyaaa.
All rights reserved 2018.
![](https://img.wattpad.com/cover/153876898-288-k573383.jpg)
YOU ARE READING
Here I Stand [ON-GOING]
Novela JuvenilA second year college student. A daughter. A girl whp wants to be loved back. A girl who wants to feel the love that she wanted. And of course...a bestfriend. Love. 'Yan ang nararanasan ng mga teenagers ngayon. At isa na siya ro'n. Lahat tayo ay n...