"Uyyy, Abi. Sige na oh. Tulungan mo na 'ko." pamimilit ni Zach sa akin. Alam niyo 'yung nakakainis? Last week pa siya nangungulit na tulungan ko raw siya. Ano siya, bata? Kailangan pang tulungan? Ang laki na kaya niya! Nanghingi pa ng tulong. Tss.
"Huyyy, Edcel, Huwag ako ah? Wala akong balak na tulungan ka. Kaya mo na 'yan. Pwede ba, tigil - tigilan mo na ako sa pangungulit mo." sabi ko sa kaniya at umupo na sa sofa para tapusin ang project ko. Napansin kong sumunod din siya at naupo sa sofa. Palagi nalang 'tong lalaking 'to nandito sa condo ko. Tingnan niyo. Magkakaroon niyan ng multo sa unit niya na katabi ko lang.
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Bakit gano'n? Bakit tumibok nang mabilis bigla ang puso ko? Nataranta ako kaya pinilit kong tanggalin 'yung pagkakayakap niya sa akin. "Ano ba, Edcel! Tumigil ka nga. Ayan ka nanaman ah? Tigilan mo 'ko. Tingnan mo, hindi kita papansinin." sabi ko sa kaniya. Tinanggal niya naman ang pagkakayakap niya sa akin. Buti naman.
"Abi, kasi e. Tulungan mo kasi ako," sabi niya at humarap sa akin na nagpupuppy eyes. Natawa naman ako. "Abi, sige na. At teka, huwag mo 'kong tatawanan. Ang cute ko kaya kapag nagpu-puppy eyes." sabi niya na ikinatawa ko pa. "HAHAHAHA! Huwag ka ngang magpu-puppy eyes. Hindi bagay. At isa pa, mas cute ako sa'yo 'no! Bahala ka na nga sa buhay mo. " sabi ko sabay walk-out at dumiretso sa kwarto ko.
*****
"Okay, that's all our lesson for today. Goodbye. See you, next meeting." sabi ng prof namin. Buti naman dahil inaantok na ako. Gusto ko nang umuwi. Pagkalabas ng prof namin ay inayos ko na ang gamit ko at ipinasok sa loob ng bag ko.
Lumabas na ako ng classroom at nagulat ako nang makita ko sa labas ng room namin si Zach. Nakasandal siya sa may poste na katapat ng classroom namin at nakapamulsa. Paano kung sabihin ko sa inyo na ang hot niya sa position niyang 'yon? Okay. Tama na.
Siguro naramdaman niyang nakamasid ako sa kaniya kaya tumingin siya sa akin at tumuwid ng tayo. "Sabay na tayong umuwi," sabi niya sa akin. Nagtaka naman ako ro'n. Himala ah. "Pero siyempre, bago tayo umuwi kain muna tayo sa labas." sabi niya at nagsmile pa. Nakita ko tuloy ang pantay-pantay niyang puting ngipin. Magsisinungaling ba ako kapag sabihin kong, mas lalo siyang gumwapo dahil do'n?
Hindi ako sumagot kaya nagsalita siya ulit. "Libre ko," sabi niya. Agad na nagningning ang mga mata ko. Oh ha! Libre na 'yan. Kyahhh! Heaven. "Yieee, tara na. Ano pa ba hinihintay mo? " Hinawakan ko braso niya at nagsimula na kaming maglakad.
***
"Mukhang masarap foods nila rito. Can't wait. Hihihi." sabi ko kay Zach na ngayon ay tumitingin sa menu. Hmp! Nilingon niya ako at umiling-iling. "Kain ka nga ng kain. Hindi naman tumataba at ang liit pa. Tss." sabi niya. Agad namang sumama ang timpla ng mukha ko. Aba ha! Grabeh naman makapanglait 'tong Edcel na 'to.
"Ikaw na matangkad." sabi ko at inirapan siya. Makapanglait 'tong mokong na 'to. Pagkatapos naming mag-order ay hinintay na naming dumating ang mga pagkain. Natatakam tuloy ako. Hmmm.
"Anong plano mo?" narinig kong tanong ni Zach sa akin. Tumitingin ako sa labas ng glass window ng restaurant nang bigla siyang magsalita kaya nilingon ko siya. "Plano saan?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Sa pagtulong mo sa akin, about sa ano... Alam mo na 'yun." sabi niya. Inisip ko kung ano ang tinutukoy niya at bigla namang nawala ako sa mood. Mapilit po siya! "Hindi ba sinabi ko na sa'yo na hindi kita tutulungan?" sabi ko sabay taas ng kilay ko. Ang kulit niya. Sinabi ko nang ayaw ko pero todo pilit siya. "Kaibigan mo 'ko tapos ayaw mo 'kong tulungan?" sabi niya sa nagtatampong boses. Eww hindi bagay. Gezz.
"Eh sa ayaw ko e. Ang kulit mo, Edcel!" sabi ko sa kaniya at sakto lang na dumating na 'yung in-order naming pagkain. Yummy! Hmmm! Na-busy kami sa pagkain kaya hindi na niya nasagot 'yung sinabi ko.
"Siguro may gusto ka sa akin 'no?" halos mabulunan na ako dahil sa sinabi niya. Napatapik ako da dibdib ko at dali-daling kinuha ang tubig sa mesa. Ano ba 'yan? Siya? Gusto ko? Mangarap siya!
Nang ilapag ko 'yung baso ay tiningnan ko siya nang masama. "Ako? May gusto sa'yo? Spell, A-S-A! " sabi ko sa kaniya. Ang assumero rin pala ng mokong na 'to e. "Eh bakit ayaw mo 'kong tulungan? Simple lang naman hinihingi kong tulong e. Dahil ba nagseselos ka?" sabi niya. Ako? Magseselos? Bakit naman ako magseselos? Duh!
"Alam mo, sobrang laki na ng ulo mo at kung ano-ano nalang iniisip mo. Bakit naman ako magseselos, aber?" tanong ko sa kaniya. Masyadong malaki ang ulo e! "Kasi hindi mo naresist ang charm ko." simple niyang saad na ikinatawa ko naman. Aba't ang feeler din pala niya!
"HAHAHAHA! Naririnig mo ba ang sarili mo ha, Edcel?" natatawa kong tanong sa kaniya. Grabe siya.
"Oo naman. Sa gwapo ko bang 'to, hindi malabong hindi ka ma-fall sa'kin." sabi niya. Bigyan niyo 'kong martilyo. Pampukpok sa malaki niyang ulo. Psh.
"Mangarap ka lang." sabi ko at nagpatuloy na uli sa pagkain. Napailing-iling nalang ako sa mga pinagsasabi niya.
"Humihingi lang ng tulong e. Hindi manlang ako pagbigyan. Psh." bulong niya ngunit narinig ko naman. Bahala siya diyan. Hmp!
Hindi na kami nag-usap pa dahil abala sa pagkain. Infairness, ang sarap ng mga pagkain nila rito. Makabalik nga uli rito. Yum-yum!
Ilang minuto ang lumipas at naging abala pa rin kami sa pagkain. Sa dami ba naman ng in-order ng Edcel na 'to. Matatagalan talaga kami sa pag-ubos nito.
"Excuse me."
Kumakain lang kami ng kumakain nang biglang may nagsalita dahilan para mapahinto kaming dalawa sa pagkain at mapalingon sa kung sino man ang nagsalita.
"Can I share with your table? Wala na kasing available na vacant seats e."
YOU ARE READING
Here I Stand [ON-GOING]
Ficção AdolescenteA second year college student. A daughter. A girl whp wants to be loved back. A girl who wants to feel the love that she wanted. And of course...a bestfriend. Love. 'Yan ang nararanasan ng mga teenagers ngayon. At isa na siya ro'n. Lahat tayo ay n...
![Here I Stand [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/153876898-64-k573383.jpg)