"Scarlet, nakatulala ka nanaman diyan." sabi ni Claude dahilan para mapabalik ako sa ulirat ko. Nandito kami ngayon sa school canteen, recess time kasi kaya napagdesisyunan naming dito nalang kumain kesa sa café sa labas ng university. Tumikhim ako at uminom ng juice bago magsalita.
"Ano nga pala sinasabi mo? Sorry ah." sabi ko sa kaniya habang nagpeace-sign. Napasimangot naman siya.
"Sabi ko, nakapagdesisyon na ako. Sasali na ako mamaya sa basketball team ng school natin. Samahan mo 'ko ah? Wala pa kasi ako masyadong ka-close dito sa school maliban sa'yo." sabi niya at isinubo 'yong cake kaya napatingin ako sa bibig niya. Sana ako nalang 'yong cake. Pumikit ako nang mariin at umiling. Ano ba 'tong iniisip ko?!
"Ayaw mo? Bakit? May gagawin ka ba?" tanong niya kaya napakunot naman ang noo ko. Nagtataka akong tumingin sa kaniya. "Ano pinagsasabi mo?" tanong ko sa kaniya at kumuha ng fries at kinain 'yon. Yummy!
"Sasamahan kita. Mamaya pa naman 'di ba? Mamayang uwian, tama?" sabi ko habang nakatingin sa kaniya. Ngumiti naman siya nang napakalapad dahilan para makita dimples niya! Sht! Tumango siya habang nakangiti pa rin. "Yahh. Sino pala 'yong lalaki kanina? Bakit parang hindi kayo okay?" tanong niya sa akin dahilan para mapatigil ako sa pagkain. Tiningnan ko lang siya ng matagal. Sasagutin ko ba ang tanong niya? Narinig kong umayos siya ng upo sabay tikhim. "Uhh... I'm sorry for asking such question." sabi niya at uminom ng juice niya. Ngumiti naman ako sa kaniya. Hindi naman masamang magkwento 'di ba, pero kailangang may limitasyon ang bawat ikukwento mo sa isang tao. We can't trust people easily nowadays. Magsasalita na sana ako nang bigla akong makarinig ng usap-usapan mula sa katabi naming table. Fans ng ZachLa. As usual, nandito nanaman ang sikat na loveteam ng school. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras para tingnan silang dalawa. Magb-break din sila. Duh!
Tumikhim ako at tiningnan si Claude. Nagulat naman ako nang makita ko siyang nakatingin sa akin. I felt uneasy. Why do he have to look at me like that? Nakaka-ilang.
"W-What? May dumi ba ako sa mukha?" nauutal kong tanong sa kaniya sabay hawak sa gilid ng lips ko. Wala naman e. Naging seryoso ang mukha niya. "Do you want us to leave here already?" tanong niya sa akin. Bakit? Hindi pa kami tapos kumain ah?
"Why? Hindi pa tayo tapos kumain ah? May gagawin ka pa ba?" tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya at ngumiti. "Kasi, nandito 'yong lalaki na kausap mo kanina, hindi ba, hindi kayo okay? At isa pa, tayo nalang ang may dalawang vacant seat dito at baka rito sila maupo sa atin. Alam kong magiging awkward kapag gano'n." sabi niya. Napatigil naman ako at nag-isip. Ang galing niya ah? Magsasalita na sana ako nang biglang may nagsalita sa gilid ko dahilan para mapalingon kaming dalawa ni Claude.
"Hi. Can we share the table with you?" tanong ni Angela sa amin. Kasama niya si Zach na may hawak-hawak na tray. Psh. Bakit sa dinami-rami ng pwedeng magkaroon ng vacant seat, dito pa sa amin? Is destiny playing with me? Kasi hindi nakakatuwa. Tiningnan ko si Claude at nakatingin siya sa akin. Nagkibit-balikat siya. Wala na akong magagawa kun'di ang pumayag. Nilingon ko ulit silang dalawa at tumango. "Sure." sabi ko at umusog ng konti para makaupo si Angela. Doon naman naupo si Zach sa tabi ni Claude. Saglit akong tumingin kay Zach at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Agad naman akong nag-iwas ng tingin at ibinalik ang atensiyon ko sa pagkain ko. Nawalan tuloy ako ng ganang kumain.
"Babe, 'di ba may practice kayo ng basketball mamaya? Gusto mo bang pumunta ako mamaya para manuod sa practice mo?" narinig kong tanong ni Angela kay Zach. Umirap naman ako. Iww, babe? Duh!
Nakita ko sa peripheral vision ko na nag-angat ng tingin si Zach. "Uhm, sure. Sige. Mamaya pa namang uwian 'yon e." sabi niya at nagsimula na ulit kumain. Nilingon ko naman siya at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Argh! Bakit pa ba kasi ako lumingon?
"Uhh... Scarlet, 'yong kasama mo, hindi ba sasali sa basketball team ng school? He has a potential. Sa ano palang ng katawan niya, pang-basketball player na." giit ni Angela kaya napalingon ako sa kaniya at tumingin kay Claude. Nagkibit-balikat siya at ngumiti sa akin. Ngumiti naman ako pabalik at nilingon ulit si Angela. Tumango-tango ako. "Actually, sasali siya. Pupunta kami mamaya sa gym para kausapin 'yong coach ng basketball team para makasali na siya." sabi ko sa kaniya at nagsmile.
"Hmm, yeah. At kapag makasali na ako... Aasa ako na palagi kang nando'n sa t'wing magp-practice kami para naman ganahan akong maglaro." sabi ni Claude dahilan para lingunin ko siya. He smiled and chuckled. Natawa naman ako. "Of course! Asahan mong palagi akong nando'n." sabi ko habang natatawa. Tiningnan ko saglit si Zach at nakita kong nakakunot ang noo niya habang naroon ang atensiyon niya sa pagkain niya.
----
"Finally, after how many months, makakapaglaro na rin ako. Sana tanggapin pa ako ni coach." tuwang-tuwang sabi ni Claude. Excited much?
"Aba, oo naman. Tatanggapin ka niyan 'no? Ikaw pa?" sabi ko sa kaniya habang naglalakad kami papuntang gym.
Nang makapasok na kami ng gym ay nilibot namin ang paningin sa kabuuan nito para hanapin si coach at nakita namin na kausap niya ang mga members ng basketball team. Lumapit kami sa kaniya.
"Uhh. Excuse me. Hello, coach. Can we talk to you for a while?" tanong ko kay coach dahilan para mapatingin siya sa aming dalawa ni Claude. Napatingin na rin sa amin ang mga members ng basketball team, lalo na si Zach na nakakunot nanaman ang noo. Ano meron sa kaniya?
"Uhh. Sure." sabi niya at tumango. "Ano ba pag-uusapan natin?" tanong ni coach. Narinig ko namang tumikhim si Claude. "Uhh, coach. Gusto ko pong sumali sa basketball team ng school. Kung pwede pa po." magalang na sabi ni Claude kay coach. "Sure ----" naputol ang sasabihin ni coach nang biglang magsalita si Zach.
"Bakit mo siya papayagan, coach? Baka nga wala pang experience 'yan sa pagbabasketball e." sabi niya habang hindi maipinta ang mukha.
Tiningnan ko naman siya at sandali lang siyang tumingin sa akin.
"I have an experience, actually, kasali ako sa basketball team ng school namin dati." mahinahong sabi ni Claude kay Zach. Tiningnan ko si coach at nakangiti siyang bumaling sa amin. "Ohh. Really? Pwede ka nang sumali sa basketball team. Pwede ka nang mag-umpisang magpractice bukas." sabi ni coach. Ngumiti naman ako at nilingon si Claude. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. Natawa naman ako.
"Yes! Makakapaglaro ulit ako." sabi niya habang yakap pa rin ako. Ngumiti naman ako at hindi sinasadyang mapatingin kay Zach. Madilim ang mukha niya at nakakunot ang noo.
Narinig ko namang nagkantiyawan ang mga members ng basketball team at nakisali na rin si coach. Namula naman ako dahil do'n. Humiwalay na sa pagkakayap sa akin si Claude at nag-excuse muna ako para mag-cr. May cr naman dito sa loob ng gym kaya hindi na kailangang lumabas.
Naglakad na ako papuntang cr.
Nang matapos akong magcr ay naghugas muna ako ng kamay bago lumabas. Napasinghap ako nang paglabas ko ay nakita ko si Zach na nakasandal sa may pader, katapat ng cr. Tumingin siya sa akin at napaayos ng tayo. Tiningnan ko lang siya at nagsimula nang maglakad. Hindi pa man ako nakakalayo ay nagsalita na siya.
"Why? Bakit? Bakit kailangang humantong tayo sa ganito? At sino 'yong lalaking 'yon? Kakakilala mo pa lang sa kaniya, palagi mo na siyang kasama. At may payakap-yakap pa kayong nalalaman? Ano 'yon? Boyfriend mo ba 'yon?" sunod-sunod na tanong ni Zach sa akin. Pumikit ako nang mariin at hinarap siya. Nakatingin siya sa akin ng diretso. I heaved a deep sigh.
"Zach, hindi ko siya boyfriend, okay? At 'yong yakap? Wala lang 'yon. Masaya lang siya dahil makakapaglaro na siya ulit. Tapos." sabi ko sa kaniya at tinalikuran siya. Maglalakad na ulit sana ako nang bigla nanaman siyang magsalita.
"Stay away from him." seryoso niyang sabi. Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.
"Why would I?" mataray kong tanong sa kaniya.
"Kasi gusto ko." sabi niya sa akin.
"Hindi porket gusto mo, masusunod. I have my own life, Zach. I have the right to decide kung ano ang gusto kong gawin." sabi ko sa kaniya. Pumikit naman siya at idinilat uli ang mga mata.
"Look, nangako ako kina Tito at Tita na alagaan ka. Nangako man ako o hindi, aalagaan pa rin kita. Please naman oh. Ayoko ng ganito. Ayoko na ganito tayo, hindi ako sanay." sabi niya. Tiningnan ko siya sa mga mata niya. Makikita mo ang lungot doon. Nagmamakaawa ang mga mata niya.
"Abi, pwede bang bumalik nalang tayo sa dati?"
YOU ARE READING
Here I Stand [ON-GOING]
Ficção AdolescenteA second year college student. A daughter. A girl whp wants to be loved back. A girl who wants to feel the love that she wanted. And of course...a bestfriend. Love. 'Yan ang nararanasan ng mga teenagers ngayon. At isa na siya ro'n. Lahat tayo ay n...
![Here I Stand [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/153876898-64-k573383.jpg)