Chapter 2 - The Dame in Distress

3.9K 82 7
                                    

CHAPTER 2

Maagang dumating si Charlie sa restaurant na sinabi sa kanya ng ninong niya. She made sure she was early para naman good shot agad siya sa kliyente niya, Kaya naman laking gulat niya ng makitang nakaupo na ang isang lalake sa mesa kung saan siya iginiya ng maître d. Nang makita siyang papalapit ay tumayo ito.

She immediately checked her watch to see if she was late. Base sa oras niya, maaga siya ng mahigit sa dalawampung minuto bago ang oras na itinakda para sa meeting na iyon.

“Don’t worry. Hindi ka-late. I normally arrive earlier than the set time. Habit, I suppose,” ang sabi ng lalakeng kaharap ng mapansin ang pag-aalinlangan niya.

Doon lang niya napagmasdan itong mabuti. Moreno ngunit, makinis ang balat nito. Matangkad ito kaya naman nakatingala pa siya para lamang magkapantay ang mga mukha nila. His eyes were deep-set and he had the most perfect nose she had ever seen. He was definitely good-looking. Iyon ang isang bagay na aminado siya. Bumaba ang tingin niya sa mga labi nito. His mouth was set in a straight line, while she was busy ogling him.

Nang magtama ang mga mata nila ay kumunot ang noo nito. He looked uncomfortable. Dali-dali siyang nag-iwas ng tingin. She didn’t mean to stare, but for some reason she did. Napayuko siya sa hiya.

“Ikaw si Christina, hindi ba?” tanong nito pagkaraan.

Muli siyang nag-angat ng tingin. Nakita niyang nakataas na ang isang kilay nito. Malamang ay nagtataka ito kung bakit hindi pa rin siya nagsasalita. Kinurot niya ang sarili at tumikhim.

“Sorry. Charlie na lang. Nice to meet you, Mr. San Juan,” sabi niya sabay lahad ng isang kamay.

Agad nitong tinanggap iyon. She suppressed a shiver nang magkadaop ang mga palad nila. “Maupo ka, Charlie.”

Hindi pa siya nakakaupo ng maayos ay tinawag na nito ang waiter at um-order. Ni hindi man lang nito siya tinanong kung ano ang gusto niya. Ipinagkibit-balikat na lamang iyon ni Charlie. Hindi naman siya nagpunta doon para kumain.

“So, let’s get straight to the point shall we?” sabi nito pagkaalis ng waiter.

‘Always the businessman,’ komento niya sa isip.

“Ayoko sa mga taong inefficient at tatanga-tanga. A lot of people have lost their jobs because they don’t give me what I want from them.”

“Naiintindihan ko po,” diretsong sagot niya. He was trying to intimidate her, but she won’t let him get under her skin.

“Sa totoo lang, I feel that all this fuss isn’t necessary. I don’t need a bodyguard.”

Inaasahan na niya iyon mula rito. Nabanggit na sa kanya ng ninong niyang tutol ito sa pagkakaroon ng bodyguard.

“Naiintdihan ko po ‘yun. ‘Wag kayong mag-alala. Gagawin ko ang lahat para hindi makasagabal sa inyo,” sagot niya.

My Damsel in Shining ArmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon