CHAPTER 6
Negative, Charlie. No fingerprints. We’ll try the florist. Baka sakaling makakita kami ng lead doon. I’ll keep you updated.
Napabuntong-hininga na lamang si Charlie nang mabasa ang text message na ‘yun galing sa forensics team nila. Noong nakaraang araw kasi ay nakatanggap na naman si Joax ng pagbabanta sa buhay nito. This time, pinadalhan ito ng bulaklak ng patay sa mismong bahay nito.
Agad niya iyong ipinadala sa forensics lab para masuri. Umasa siyang magkakaroon sila ng lead sa taong nagbabanta sa buhay ni Joax sa pamamagitan nun, pero bigo siya. Kung sino man ang nagpadala nun ay alam ang ginagawa nito.
“I hate to say I told you so,” biglang bulong ni Joax sa tenga niya. Sa sobrang lapit nito ay naamoy niya pati pabango nito. Napapitlag siya at wala sa sariling nahampas ito sa balikat.
“Ay, leche! Ano ba ang ginagawa mo? Tsaka, ba’t mo binabasa yung mga text ko?” inis na sabi niya.
Malakas ang loob niyang sigawan ito dahil walang ibang makakarinig. Inutusan nito si Mandy kung saan at hanggang ngayon ay hindi pa ito bumabalik kaya naman naiwan silang dalawa sa opisina nito.
Lalo siyang nainis nang bale-wala itong nagkibit-balikat at muling naupo sa couch na nasa tapat niya. Sinunod lang niya ito ng tingin. Ilang sandali na ang nakalipas ngunit nanatili lamang itong nakatingin sa kanya na may nakakaasar na ngiti sa mga labi.
Sa loob ng ilang araw ay marami nang nag-iba sa pakikitungo nila sa isa’t-isa. She didn’t know exactly what happened, but he turned from inconsiderate, insensitive bastard to incredibly annoying in a heartbeat. Kung noon ay daig pa nito si Scrooge sa pagsusuplado, ngayon ay para naman itong si Dennis the Menace sa sobrang kulit. Wala siyang magawa kundi ang sabayan ang pangungulit nito sa kanya sa pamamagitan ng pagsusuplada.
“Ano na naman?” singhal niya rito para itago ang abnormal na pagtibok ng puso niyang dulot ng mga tingin nito.
Hindi ito sumagot. Sa halip ay lalo lang lumapad ang pagkakangiti nito. Pakiramdam ni Charlie ay mapupunta na siya sa stroke kung palagi nitong gagawin sa kanya iyon. Marahas siyang napabuntong-hininga.
“Tigilan mo ‘ko, Mr. San Juan.”
“Ouch,” sagot naman nito.
“Ano’ng ouch?” naguguluhang sambit niya.
“Why am I still Mr. San Juan? I thought we were closer than that,” he said before taking her hand and smiling seductively.
‘Heto na naman po kami.’
She rolled her eyes and slapped his hand away. Hindi na niya sineseryoso ang mga ganung banat ni Joax. She was becoming used to his mindless flirting. Oo, alam niya ang ginagawa nito. Hindi naman siya ganun ka manhid para hindi mahalata iyon.
She didn’t know why, and she didn’t know what he could possibly gain from it. Sinikap niyang ipagsawalang-bahala na lamang iyon. Now, if she could only control her heartbeat when he was near, that would be great.
BINABASA MO ANG
My Damsel in Shining Armor
FanfictionGaling sa angkan ng mga sundalo at pulis si Charlie. Mula pagkabata ay iisa lamang ang gusto niya - ang mapatunayan ang kanyang sarili. Dumating ang pagkakataong iyon sa katauhan ni Joax, ang negosyanteng naatasan niyang protektahan. Sa unang pagkik...