CHAPTER 13
“What’s the matter? Hindi ka ba masayang makita ako, baby?”
“Hindi ba dapat nasa Palawan ka?” hindi makapaniwalang tanong ni Charlie.
“Kakauwi ko lang kahapon. I was planning to surprise you, pero ako pala ang nasorpresa,” sabi nito at lumapit sa tabi niya. “Hindi ba lagi kong sinasabi sa’yo na magsuot ng ng bullet proof vest kapag nasa assignment ka?”
Magdadahilan na sana si Charlie nang tumikhim si Joax, dahilan para malipat dito ang atensiyon ng lahat. Nakataas ang kilay nito and was looking impatient. Doon lang niya naalalang hindi pa pala niya napapakilala ang bagong dating.
“Oh, by the way, Sean, this is Joax San Juan,” simula niya.
“I know,” sagot nito bago pa man siya makapagpatuloy. “So you’re the reason Charlie almost got killed.”
“Kuya! Stop that!” saway niya rito.
“Kuya?” bulalas ni Joax.
Si Sean ang nakakatandang kapatid na sinundan niya kaya sa lahat ng mga kuya niya ay dito siya pinaka-close. He was the one who taught her how to defend herself when she was little, despite the objections from her father. Noong palihim siyang nag-aaral ng Criminology sa US ay ito lamang ang napagsasabihan niya ng mga napagdadaanan niyang hirap at taga-tago ng sikreto niya. Muntikan na itong itakwil ng ama niya dahil sa pinagtakpan siya nito. Kaya malaki ang utang na loob niya sa kuya niya. Si Sean lamang nag nato-tolerate niyang magtawag sa kanya ng baby.
“He’s your brother?” tanong muli ni Joax.
“Shut up, Joax. Kuya, magpaliwanag ka nga. Ba’t ikaw ang nandito?”
“Why? Would you rather it be papa? Gusto mo tawagan ko siya?”
“Huwag!” sigaw niya at bahagyang napabangon. “Awwww!”
Joax was beside her in a flash. “Wag ka nga masyadong maggagalaw! Ang tigas naman ng ulo mo eh.”
“I’m okay,” she assured him. Pagkatapos ay muling binalingan ang kapatid. “Ibig sabihin, hindi alam ni papa ang nangyari sa’kin?”
“Hindi. Kakampi mo nga ako, hindi ba?” sagot nito sabay kindat sa kanya. Unti-unting napalis ang kabang kanina pa niya nararamdaman.
BINABASA MO ANG
My Damsel in Shining Armor
FanficGaling sa angkan ng mga sundalo at pulis si Charlie. Mula pagkabata ay iisa lamang ang gusto niya - ang mapatunayan ang kanyang sarili. Dumating ang pagkakataong iyon sa katauhan ni Joax, ang negosyanteng naatasan niyang protektahan. Sa unang pagkik...