CHAPTER 7
“Ethel, ba’t ganyan sila makatingin sa’tin? May dumi ba ako sa mukha?” iritadong tanong ni Charlie. Lumabas sila ni Ethel para mananghalian habang naiwang mag-isa si Joax sa opisina nito. Pinauna na sila nitong kumain dahil may tinatapos pa raw ito. Mahigpit niyang ipinagbilin dito na ‘wag umalis hangga’t hindi pa siya nakakabalik.
Kanina pa niya napapansing pinagtitinginan sila ng halos lahat ng nakakasalubong nila. Yung iba ay may kasama pang bulung-bulungan. Ipagsasawalang-bahala na sana lamang niya iyon kung hindi lang siya nasimulang mairita. She didn’t like it when people notice her. Mas mahihirapan siyang gawin ang trabaho niya.
“A-ah… Hayaan mo na ‘yang mga ‘yan, Charlie. ‘Wag mo na lang pansinin,” sagot nito sa kanya. Ngunit may nahimigan siyang kakaiba sa boses nito.
“Ethel, may hindi ka ba sinasabi sa’kin? ‘Wag ka nang magkaila, alam kong meron. Ano ‘yun?” pangungulit niya sa kaibigan.
Napakamot ito ng ulo. Pagkatapos ay luminga-linga ito sa paligid at bigla na lamang siyang hinila papunta sa pinakamalapit na restroom. Nang makapasok sila ay agad nitong ini-lock ang pinto.
“Charlie…” ungot nito na parang hindi alam kung saan magsisimula.
“Ano ba kasi ‘yun? Sabihin mo na.”
“K-kasi… M-may… M-may kumakalat na chismis tungkol sa’yo…”
“Chismis? Ano’ng klaseng chismis?” gulat na tanong ni Charlie. Hindi niya alam kung bakit siya magiging paksa ng mga usap-usapan gayong bukod kay Ethel at Joax ay hindi naman siya nakikisalamuha sa ibang empleyado.
“A-ano kasi… A-akala nila ano… Akala nila may relasyon kayo ni Sir Joax…”
Her mouth immediately hung open. People are thinking what? Ilang saglit na nablangko ang utak niya. Hindi niya malaman kung paano magre-react sa balitang natanggap.
“Eh kasi nga ‘di ba, palagi kayong magkasama. Kung nasa’n ka, nandun din siya. Si Mandy nga, iniiwan na niya parati rito at ikaw na ang sinasama niya. Tapos… Tapos ano…” sunod-sunod na dahilan nito nang ilang sandal siyang walang-imik.
“Tapos? Ano pa, Ethel?”
“Naalala mo nung isang araw? Nung nasa talyer ang motorsiklo mo tapos sumabay ka sa kotse ni sir pauwi? M-may nakakita sa’yo sa bahay niya. Ang usap-usapan, girlfriend ka niya at nagli-live in na kayo.”
“ANO?” hindi makapaniwalang bulalas ni Charlie.
Nanghihinang napasandal siya sa counter. Ni sa panaginip ay hindi niya inasahang ganito ang mangyayari. When she took this job, she also accepted all the consequences that came with it. Kasama na doon na maaaring manganib ang buhay niya at mahihirapan siya sa magiging amo niya. But she wasn’t prepared for this.
“P-pero alam mo namang imposible yung sinasabi nila, ‘di ba Ethel? Alam mong nagtatrabaho lang ako,” paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
My Damsel in Shining Armor
FanficGaling sa angkan ng mga sundalo at pulis si Charlie. Mula pagkabata ay iisa lamang ang gusto niya - ang mapatunayan ang kanyang sarili. Dumating ang pagkakataong iyon sa katauhan ni Joax, ang negosyanteng naatasan niyang protektahan. Sa unang pagkik...