Chapter 4 - So It Begins

3.4K 70 6
                                    

CHAPTER 4

 

“I’m going out for lunch,” anunsiyo ni Joax. Sumenyas ito kay Charlie kaya agad na tumayo ang dalaga at sumunod dito.

“No, Mandy. Dito ka lang. I need to talk to Miss Agustin alone,” sabi pa nito nang akmang sasama rin ang assistant nito.

Umismid ito at bumalik ng upo. Hindi napigilan ni Charlie ang lihim na mapangiti even if she didn’t know why she felt smug all of a sudden.

Tahimik siyang nakasunod kay Joax hanggang sa parking lot. Hindi ito masyadong nagsasalita magmula pa nang mabuksan nito ang dumating na package kanina. Habang nililinis ang opisina nito ay nakaupo lang ito sa isang sulok at kalmado, ngunit halatang may malalim na iniisip.

Marami siyang gustong sabihin dito, pero hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Ang totoo, ay medyo nai-intimidate siya sa kliyente niya. Alam niyang natural itong suplado kay nagdadalawang-isip siyang kausapin ito. Siguro mamaya kapag may laman na ang tyan na ay magkakaroon na rin siya ng lakas ng loob.

“Get in,” utos nito ng makarating sila sa harap ng sasakyan nito. Tumalima siya at pumasok sa loob.

Pinigilan niya ang sariling mapasipol nang makita ang interior ng sasakyan nito. All she can see was expensive leather. Kahit na ang amoy sa loob ay parang mamahalin. She wasn’t really into these types of cars. Masyadong impraktikal sa tingin niya.

Nanatili siyang tahimik habang nagda-drive ito. Sa paraan ng pagpapatakbo nito ng sasakyan, nagtaka siya kung bakit hindi ito hinuhuli ng pulis trapiko. Bale wala rito ang traffic. The car easily made its way through the highway while she was gritting her teeth the whole time.

Tumigil ito sa parehong restaurant kung saan niya ito unang nakilala. The memory of that day brought a sour taste to her mouth. Walang imik itong bumaba ng sasakyan. Naibigay na nito ang susi sa valet nang makababa siya. Tuloy-tuloy itong pumasok, like he owned the place, or maybe he did.

Naisip niyang tama ang hinala niya nang basta-basta na lamang itong naupo sa isang table kahit na walang maître d’ o waiter na umalalay sa kanila. Nagkibit-balikat na lamang siya at umupo sa harap nito.

Pagkatapos nilang um-order ay naghari ang katahimikan. Hindi siya makatingin ng diretso rito kaya inilibot na lamang niya ang tingin sa buong restaurant. Medyo matao ang lugar so she kept her senses on high alert.

“Mahigpit ang security sa lugar na ‘to kaya hindi mo na kailangang mag-surveillance,” biglang sabi ni Joax. Napuna nito ang pagmamasid niya sa paligid.

“Naninigurado lang. Pagkatapos ng nangyari kanina, hindi na ako pwedeng pakampante,” kibit-balikat na sabi niya.

“Okay, Miss Agustin. Alam kong marami kang gustong sabihin sa akin kanina pa. Let’s hear it,” hamon nito.

Nagataka naman siya kung bakit alam nito iyon. It must be because her anxiety is showing. She drummed her fingers on the table thinking about where to start.

My Damsel in Shining ArmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon